(Author's Note:
Ang kwento ay magsisimula sa pagpapatalsik ni Pirena kay Amihan at sa pagkupkop ng mga Mandirigma sa mga lumikas na Diwata.)
.
.
.
.
Kabanata I:
Ang Hindi Maipaliwanag
na Damdamin.
.
.
.
.
." Gaya ng aking ama, mamamatay ako nang taas noo, na hindi lumuhod sa kahit kanino man lalo na sa'yo Pirena. Tandaan mo, ako pa rin ang tunay na reyna ng Lireo." Galit na sinabi ni Amihan sa kanyang taksil na kapatid... Nanlisik sa galit ang mga mata ni Pirena at sadyang di nagustuhan ang tinuran ng kapatid na reyna.
"Pashnea!" Galit na sigaw niya at kanyang sinaksak ng kanyang patalim si Amihan...
.....
Napa-upo si Amihan ng magising mula sa panaginip o mas marapat na sabihin na bangungot na dulot ng pagtataksil sa kanya ni Pirena.
Kanyang kinuha ang sisidlan na may lamang tubig at ito'y ininom ng siya ay mahimasmasan. Napalingon siya ng may pumasok sa kanyang kubol na ginawa ng mga mandirigma para sa kanya. Nilingon niya ang naghihimbing na si Pao-Pao...
Sino ba ang mag-aakalang may malaking kapangyarihan ang paslit na ligaw.
"Mukang nagising ka mula sa iyong pagkakahimbing, Mahal na Reyna." ani Imaw at tumabi sa kanya.
Isang masamang panaginip lamang Imaw... Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay lagi kong nakikita ang pagtataksil sa akin ni Pirena." Malungkot na turan ni Amihan sa pinuno ng mga Adamyan."Sadyang nakakalungkot ang ginawa ng iyong nakatatandang kapatid Amihan...pero alam kong may dahilan ang Bathalang Emre sa mga nangyaring ito." Malungkot din na sabi ni Imaw.
Napayuko si Amihan.
"Ako'y magpapahangin lamang sa labas Pinunong Imaw." Sabi ni Amihan at saka tumayo.
"Sige Mahal na Reyna ako muna ang titingin kay Pao-Pao." Sabi ni Imaw. Tumango naman si Amihan at lumabas na nga ng kubol.Sa labas ay may mga kawal ng Lireo na tapat sa kanya ang ginagawa ang kanilang tungkulin. Mga Dama na nagpapanatili sa init ng apoy ng siga, para di lamigin ang lahat.
Mga Adamyan na nagpapahinga. Marahil napagod sa paglikas mula sa Lireo. Nasa ganoong pagmamasid si Amihan ng maulingan niya ang mga yabag na palapit sa kanya.
"Mukang hindi ka makatulog dito sa aming kuta." Anito. Napalingon siya at nakita na si Ybrahim ang nagsalita, Sino ba ang mag-aakala na ang isang hamak na mandirigma pala ang nawawalang prinsipe ng Sapiro.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...