◆Kabanata XLVII◆
Magkalayong Puso
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Matagumpay na pinakita ni Avria sa mga kapanalig niya ang brilyante ng tubig na kanyang nakuha kay Hagorn.
"Ngayong nasa atin na ang isa sa mga makapangyarihang mga brilyante ng mga diwata mas may laban na tayo sa kanila." Nakangising sabi ni Avria.
"Hindi na natin kailangan pang laging magtago sa kanila..." Sambit naman ni Animus. Napangiti naman ang iba..."Kung gayon ay gamitin natin ang brilyante na iyan para maitayo muli ang ating gumuhong kaharian." Sambit naman ni Juvila na namamangha pa din sa brilyante ng tubig.
"May panahon para diyan Juvila.... Sandali bakit wala si Andora?" Tanong ni Avria sa kanila.
"Ipinatawag siya ni Bathalumang Ether.... May ipapagawa daw ito kay Andora." Sambit ni Odessa. Napatango si Avria...
Kung ano man ang ipinagagawa ni Bathalumang Ether kay Andora ay para rin naman sa ikatatagumpay nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naglakad papuntang azotea sila Amihan at Ybrahim. Tahimik lamang ang dalawa kahit na sa puso nila ay marami silang nais sabihin sa isa't-isa."Amihan.... May nais akong sabihin sa iyo." Panimulang sabi ni Ybrahim saka hinawakan ang kamay niya kaya tumingin siya dito.
"Nais ko sanang sumama ka na sa akin papuntang Sapiro." Sambit nito. Napailing naman si Amihan.
"Ybrahim kailangan ako ng Lireo... Di ko ito basta maiiwan." Sambit ni Amihan sa prinsipe.
"Ngunit nabawi mo na ito kay Hagorn...marahil ay sapat na iyon para sa Lireo." Sabi nito.
"Napaka-makasariling dahilan iyan Ybrahim.... Ngayong nabawi ko ang Lireo kay Hagorn ay mas kailangan ako nito para muling makabangon.... Sana naman intindihin mo." Sambit ni Amihan"Ngunit kailangan ko din ang aking reyna Amihan... At alam mong ikaw iyon." Sambit ni Ybrahim na ipinaalala sa kanya ang lihim na pag-iisang dibdib nila. Tumingin siya dito.
...... Nag-iisang muli,
Yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay nalang
ng muling pagdating mo
Bakit kaya pinagtagpo
kung tayo'y magkakalayo
Mahirap man puso'y mananatili sa iyo......."Amihan hindi ba maaaring ang Sapiro na lamang ang maging tahanan mo?...." May pagsusumamo sa tinig ng prinsipe. Napayuko si Amihan
"Ang Lireo ay ang aking kaharian at tahanan...." Sambit niya at saka siya muling tumingin kay Ybrahim at hinaplos ang pisngi nito"Masakit man Ybrahim, marahil ay hindi ako ang reyna na iyong kailangan....patawarin mo ako Ybrahim ngunit sa ngayon ay mas pinipili ko ang Lireo." Pinatatag ni Amihan ang kanyang boses ng sabihin niya ito kahit na ang totoo ay nais ng kumawala ng luha sa mga mata niya. Lumapit sa kanya si Ybrahim at marahan siyang niyakap.
"Kung gayo'y marahil nga ibang reyna ang kailangan ko sa aking tabi at hindi ang reynang itinitibok ng aking puso....." Mahinang sambit ni Ybrahim kay Amihan na tuluyang nagpawala sa mga luhang kinikimkim niya.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
Hayran KurguIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...