◆ Kabanata LXVIII ◆ Bugna

1.2K 41 12
                                    

Kabanata  LXVIII
Bugna

◆◆◆◆◆◆◆◆


               Mula sa bintana ng silid ay may isang liwanag na tila ay bumaba mula sa kalangitan.
At mula sa liwanag na ito ay lumabas ang isang encantado.

           "Alexus....anak...." Nakangiting sabi ni Amihan saka ito tumayo at niyakap si Alexus na napangiti sa init ng yakap ng kanyang ina. Lumapit din si Ybrahim at kanyang niyakap din ang anak.

          "Halika anak....pagmasdan mo ang iyong bunsong apwe." Nakangiting sabi ni Amihan saka sila lumapit sa higaan ni Cassandra.

          "Avisala Cassandra." Nagagalak na sabi ni Alexus sa kapatid na ngumiti at tumawa naman.

           "Mukang nakilala ka niya Alexus." Nakangiting sabi ni Lira sa kapatid.
          "Oo nga ate Lira." Nagagalak din na sabi ni Alexus na nilaro-laro si Cassandra. Samantalang natutuwa din sila Arquim at Amara sa pagdalaw ng kapatid.

           "Anak masaya ako at nandito ka ngunit nagtataka lamang ako sa dahilan ng pagparito mo?" Tanong ni Ybrahim sa anak. Sumeryoso naman si Alexus at humarap sa mga magulang.

           "Ama....alam kong nasabi na sa inyo ng nunong Cassiopea ang tungkol kay Cassandra na kailangan natin siyang pangalagaan." Sabi ni Alexus.

         "Alam namin anak....yun ba ang ipinunta mo dito ang balaan kami.ukol dito?" Tanong ni Ybrahim.

         "Hindi Inay.....naparito ako para kuhanin si Cassandra.....ang gusto ni Emre ay dalhin si Cassandra sa Devas ng sa gayo'y di na ito magamit pa ng kasamaan sa muli nitong pagbangon." Paliwanag ni Alexus sa pamilya.

           "Ilalayo niyong muli sa akin ang aking anak?" May nga sumungaw na luha sa mata ni Amihan.
            "Wala na bang ibang paraan?" Tanong ni Ybrahim.
           "Itay.....Inay...para naman ito sa kaligtasan ni Cassandra." Pagpapaunawa ni Alexus. Ngunit di na nagsalita si Amihan bagkus ay binuhat nito sa mga bisig ang anak.

            "Iwan niyo muna kami." Sambit ni Ybrahim saka tumango ang apat at lumabas ng silid ng mga kamahalan,  lumapit si Ybrahim kay Amihan at kanya itong niyakap.... Sila ng anak nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
...
                 Patapos na ang pagdiriwang ng makarating sa Sapiro si Castiel kaya naman agad niyang hinanap ang nga kamahalan para maibigay ang handog niya sa pagbabalik ng Diwani Cassandra.

          Habang naglalakad siya sa pasilyo ng Sapiro ay nakasalubong niya ang nakatatandang diwata na si Cassiopea. Yumukod siya dito.

          "Castiel.....anak ni Asval." Mahinang sabi nito.
           "Avisala Cassiopea." Sabi niya at iiwanan na sana niya ang nakatatandang diwata dahil ayaw niyang nakakaharap ito baka may kung ano pa itong malaman, ngunit hinawakan siya nito sa braso at nagliwanag ang mata nito saka lumabas ang simbulo ng karunungan sa kanyang noo.

           "Ikaw ang encantado sa aking pangitain....ikaw ang tigapagligtas...." Sambit nito saka tumingin sa kanya.
           "Pumili ka ng tama Castiel......at wag mo nang takbuhan ang bugna na iginuhit ng tadhana at ng ila mo para sayo." Sambit ni Cassiopea.

          "Ssheda Mata.....wala akong alam sa mga sinasabi mo." Sambit ni Castiel saka ito nagmadaling umalis ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                  "Papayag ba tayo Ybrahim ?...malalayo muli sa atin si Cassandra." Sambit ni Amihan na di inaalis sa mga bisig si Cassandra.

        "Ngunit para sa kaligtasan ito ng ating anak." Sambit ni Ybrahim na hinaplos ang pisngi ng prinsesa.

         "Ngunit di ko kaya Ybrahim....di ko kayang malayo sa atin ang ating anak." May luhang pumatak sa mga mata ni Amihan.

         "Ngunit Amihan mas nanaisin mo ba na siya ay narito sa ating piling ngunit nanganganib naman ang kanyang buhay." Sabi ni Ybrahim sa kanyang reyna. Napatango si Amihan at kanyang napagtanto ang sinabi ni Ybrahim.

         "Tama ka Ybrahim.....kahit masakit dapat nating ipaubaya muna kay Bathalang Emre ang ating anak.....at alam ko naman na sa takdang panahon ay ibabalik niya sa atin ang ating anak kapag ligtas na muli ang Encantadia." Malungkot na ngumiti si Amihan at kanilang hinalikan ang kanilang anak na noo nito.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                  Kanina pa lumilinga linga si Amara sa bulwagan ng Sapiro sa mga nilalang na nagkakasiyahan pa roon ngunit wala ang kaniyang hinahanap.

          "Mukang may hinahanap ka Amara?" Tanong ni Nahaliel na lumapit sa kanya.

          "Ah...hindi wala akong hinahanap." Sambit ni Amara. Napailing si Nahaliel.

          "Wag ka nang magkaila....alam ko naman na si Castiel ang iyong hinahanap...." Sambit ni Nahaliel napatingin naman sa kanya si Amara.

            "Oo na tama ka....nakita mo ba siya?" Tanong ni Amara sa anak-anakan ng kanyang Ashti Alena.

            "Siya ay umalis na kanina pa sa wari ko ay nagmamadali at balisa." Sabi ni Nahaliel sa kanya. Nakaramdam naman si Amara ng pagkabahala para sa lalaking itinatangi.

            "Ganoon ba.....sige hahanapin ko lamang siya." Sabi ni Amara at saka gumamit ng evictus paalis ng Sapiro. Pagkaalis ni Amara ay napahinga si Nahaliel ng malalim.

           "Mukang nasaktan na naman ni Amara ang iyong damdamin." Sabi ni Diantha na nasa kanyang likod.

          "Ano ba ang iyong binabanggit Diantha?" Nakakunot noong tanong ni Nahaliel.

           "Wag mo nang itago Nahaliel. Alam ko naman na may pagtingin ka kay Sang'gre Amara." Ani Sang'gre Diantha.

            "Ssheda Diantha....walang katuturan o basehan ang iyong mga tinuran." sabi ni Nahaliel kay Diantha saka ito lumabas ng bulwagan.

         Sinundan ni Diantha ng tingin si Nahaliel at malungkot na ngumiti.
          "Mabuti pa si Amara lagi mong napapansin kailan kaya ako....?" Naitanong ni Diantha sa sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                 Mula sa Sapiro ay naglakad papuntang baybayin ng Adamya si Castiel. Halos ayaw tumigil ng dagat sa pag-alimpuyo at paghampas ng mga alon sa batuhan.

         Kinalma ni Castiel ang kanyang sarili at unti-unti ay kumalma ang dagat hanggang sa naging payapa na ito.

         .......Wag mo nang takbuhan ang bugna na iginuhit ng tadhana at ng ila mo para sayo.......

       
            Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Cassiopea. Naikuyom niya ang kanyang palad kung maaari lang sana ay di na nalaman pa ni Cassiopea ang totoo niyang nakaraan ngunit sabi nga nila walang nakakatakas sa mata ng mga diwata.

           Kinuha ni Castiel ang isang sisidlang tela sa kanyang bulsa at inilabas mula dito ang tatlong perlas na kumikinang mula sa liwanag ng buwan.....ang mga perlas na mag-aahon muli sa Adamya mula sa pusod ng karagatan.

          At siya lamang ang makapag-aahon sa kaharian ng Adamya, sapagkat sya si Castiel ang kalahating sapiryan at kalahating admayan na mula sa lahi nila Bathalumang Mawayen at ng encantadong si Itharo.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comments and Votes.....

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon