◆Kabanata LXIII◆ Nangungulilang Ina

1.4K 57 23
                                    

Kabanata LXIII
Nangungulilang Ina

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆


              Di mapakali si Ybrahim. Habang nasa iisang silid sila nila Pirena, Alena, Aquil at Hitano.
            "Ybrahim paanong nawala si Cassandra?" Nangangambang tanong ni Alena.

          "Hindi ko alam Alena..hindi ko mawari kung paanong nangyari iyon." Sabi ni Ybrahim ng pumasok si Danaya mula sa silid nila.
          "Danaya kamusta na si Amihan?" Tanong agad ni Ybrahim dahil kanina pa di tumitigil si Amihan sa kakaluha sa nangyaring pagkawala ng kanilang prinsesa.

           "Nagawan ko na ng paraan.... Pansamantala ay mahimbing siyang natutulog sa ngayon." Sagot ni Danaya sa Hari ng Sapiro. Napahinga naman ng malalim si Ybrahim sa sinabi ni Danaya.

            "Mabuti kung ganoon ngunit ano ang dahilan nito.... Sino ang maaaring kumuha kay Cassandra?" Tanong ni Pirena.

           "Isang malaking palaisipan iyan kaya naman pinatawag ko kay Mirios ang Punong Imaw ng tayo ay maliwanagan lahat." Sambit ni Aquil sa mga kamahalan.

         Marahang pumasok si Imaw sa silid tanggapan ng Sapiro.

         "Imaw nais naming malaman kung sino ang kumuha sa aking anak na si Cassandra." Sabi ni Ybrahim sa pinuno ng mga adamyan.

           "Masusunod Mahal na Hari......mahiwagang tungkod ng balintataw.... Aking sinasamo ang iyong kapangyarihan.... Ipakita sa amin ng mga kamahalan ang naganap sa Diwani Cassandra ng Sapiro." Sambit ni Imaw.... At nagliwanag ang tungkod ng balintataw mula sa liwanag na ito ay inilabas nito ang kasagutan sa kanilang katanungan.

           "Ang Dama... Ang dama ang kumuha sa munting prinsesa." Sabi ni Hitano.

          Napatiim bagang naman si Ybrahim sa kanyang nasaksihan.
          "Wahid!" Malakas na tawag niya sa Mashna ng Sapiro na agad namang dumating.

           "Mahal na Hari." Sambit ni Wahid.
           "Nais kong magsama ka ng mga kawal at hanapin mo ang damang si Amphora at dalhin siya dito... Marapat siyang maparusahan." Galit na sabi ni Ybrahim sa Mashna

            "Masusunod mahal na Hari." Sabi ni Wahid saka ito yumukod at umalis na. Wag lang kantiin ng taksil na dama ang kanyang anak kundi baka pagkakita pa lang niya dito ay mapaslang na niya ito..

         "Kami nila Hitano at Pirena ay maghahanap sa kagubatan ng Adamya at Hathoria." Sabi ni Alena. Tumango naman si Ybrahim.

            "Kami ni Aquil ay sa kagubatan ng Lireo maghahanap." Sabi naman ni Danaya.

          "Avisala Eshma sa pagtulong niyo." Sabi ni Ybrahim sa mga ito. Tumango ang lima saka sila nag-evictus.

            Marahan naman naglakad si Ybrahim papunta sa silid ng kanyang anak. Pagpasok ni Ybrahim dito ay di niya maiwasan na lukubin ng lungkot ang kanyang puso.

             "Nasaan ka ba anak.... Nawa ay mabuti ang kalagayan mo hanggang sa makita ka na muli namin ng iyong ina." Pinahid ni Ybrahim ang luha na naglandas sa kanyan mga mata para sa anak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Pagpasok ni Ybrahim sa silid nila ni Amihan ay nakita niyang nakamulat ito at bumangon. Agad naman na lumapit si Ybrahim at pinahiga niya muli ang kanyang reyna.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon