◆Kabanata LI◆
Panlilinlang
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
"Ate Lira saan ka pupunta?" Tanong ni Amara ng makita nila ni Mira si Lira na paalis ng palasyo."Wag kang maingay... Hahanapin ko si Inay." Sabi ni Lira sa dalawa.
"Ngunit mag-isa ka lang Lira... Hayaan mo akong sumama." Sabi ni Mira sa pinsan.
"Ako din sasama ako, apwe." Sabi ni Amara kay Lira. Wala naman magawa si Lira kundi isama na nga sila Mira at Amara.
Ng nakalabas na sila ng Lireo ay agad na naghanap ang mga nakababatang sang'gre sa kakahuyan.
"Lira sa tingin mo saan kaya nagpunta si Ina." Tanong ni Mira na ina pa rin and tawag sa nanay niya na siyang nagpalaki dito.
"Hindi ko alam Mira..pero sana talaga walang nangyari sa kanya.... Si Itay nga di ko na napigilan at ngayon ay naghahanap din kay Inay." Sambit ni Lira na may pag-aalala sa boses para sa mga magulang.
"Pero kung napahamak talaga si Inay... Sino naman kaya ang may gawa nun sabi ni Ashti Pirena wala daw kinalaman ang mga hathor." Sabi naman ni Amara.
"Iyan ang isa pa nating aalamin Amara... Kung talagang walang alam ang mga hathor sa nangyaring pagkawala ni Inay." Determinadong sabi ni Lira sa kapatid at nagpatuloy sila sa paglalakad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Halos maubusan ng hininga si Agane ng bitawan ni Hagorn ang kanyang leeg, napa-upo siya sa lupa."Panginoon... Patawarin niyo po ako.... Nabulagan lang ako sa aking paghahangad sa trono." Nakayukong sabi ni Agane.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Agane hindi ka nararapat sa tronong ito." Sambit ni Hagorn.
"Ngunit ako ay kapatid mo din." Sambit ni Agane na may hinanakit sa loob.
"Ssheda! Anak ka lamang sa isang walang silbing dama....isang walang halagang dugo sa Encantadia...kaya di ka kailanman makaka-upo sa trono ng Hathoria." sabi ni Hagorn na puno ng panunuya ang boses para kay Agane.
"Patawad Panginoon.... Bigyan niyo pa ako ng pagkakataon Panginoon." Hinging paumanhin ni Agane.
"Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon Agane.... Isang huling pagkakataon... At kung magkamali ka pang muli asahan mo na tutupukin ka ng apoy mula sa Brilyante ng Apoy." Galit na turan ni Hagorn saka ito umalis papuntang silid nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Habang naglalakad si Ybrahim ay may narinig siyang kaluskos sa kanyang likuran napalingon siya at nakita niya si Wantuk na nakasunod sa kanya.
"Wantuk ikaw lang pala anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa kaibigan.
"Sasamahan kita sa paghahanap sa Reyna... Mas maganda kung may kasama ka baka mamaya ano pa ang gawin mo Mahal na Prinsipe." Sabi ni Wantuk napatango na lang si Ybrahim at naglakad na sila.
"Ngunit Mahal na Prinsipe... Ano nga kaya ang nangyari sa Mahal na Reyna?" May pag-aalala din sa boses ni Wantuk.
"Ako ay umaasa Wantuk na sana ay walang nangyaring masama kay Amihan... Dahil kung meron man... Di ko alam kung ano ang magagawa ko sa nilalang na maaaring nanakit sa aking reyna." May galit at pangamba sa boses ni Ybrahim habang naglalakad sila sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...