◆Kabanata V◆
Si Alena
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Halos maubusan ng hininga si Akeshya sa pagtakbo palayo sa mga hathor na humahabol sa kanya.
Napa-upo si Akeshya sa batuhan. Pagod na siya at litong lito sa mga pangyayari. Nakarinig siya ng mga yapak. Napalingon sa likod niya si Akeshya at nakita niya ang isang magandang babae na lumapit sa kanya.
"Sino ka?" Tanong niya dito.
"Ako si Cassiopeia, Sang'gre Alena." anito na di bumubukas ang bibig at nagliliwanag ang noo na may simbulo na lumalabas.
"Alena? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Alena ang aking ngalan kundi Akeshya." Galit na sabi nito sa nakatatandang diwata."Ikaw si Alena.... Halika lumapit ka sa akin at aking ipakikita ang iyong mga nalimutang ala-ala." Anito. Napahinga ng malalim si Akeshya at siya ay lumapit sa nakatatandang diwata na pina-upo siya sa batuhan at pumunta sa kanyang likuran.
May takot man ay ipinikit ni Akeshya ang kanyang mga mata. Hinawakan naman ni Cassiopeia ang kanyang sentido.
"Sa aking kapangyarihan.... Tulungan mo akong maipakita sa kanyang ala-ala bilang si Alena ang sang'gre ng Lireo." Sambit ni Cassiopeia
At sa isang iglap ay nagbabalikan na kay Akeshya ang mga ala-ala... Na kung sino talaga siya...
Siya si Alena, ang ikatlong anak ni Ynang Reyna Mine-a. At nagdilim na ang paningin niya at tuluyang nawalan na siya ng malay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Sa pagmulat ng mata ni Alena ay alam na niya kung sino siya. Dali-dali siyang tumayo at humarap kay Cassiopeia.
"Ninunong Cassiopeia.... Avisala Eshma.... Sa iyong pagbabalik ng aking ala-ala." Pagpapasalamat ni Alena dito. Tumango si Cassiopeia."Ngayong nakabalik na ako.... Kailangan ko nang bumalik sa Lireo." Sabi ni Alena.
"Wala ka nang babalikan sa Lireo. Wala na roon si Amihan, naagaw na ng iyong taksil na kapatid ang trono kay Amihan." Sambit ni Cassiopeia. Nabagabag si Alena sa narinig."Bathalang Emre! Paano ninyo napahintulutan na mangyari ito sa Lireo." Ang malungkot na tinuran ni Alena. Napa-iling siya at lumingon muli kay Cassiopeia.
"Kung gayon nasaan na si Amihan.... Para mapuntahan ko na siya at makuha na rin namin kay Emre ang aking brilyante." ani Alena.
"Hindi si Emre ang kumuha ng iyong brilyante kundi ang iyong kapatid na si Pirena....na nagbalat-kayo bilang si Bathalang Emre." Sabi ni Cassiopeia na lalo namang ikinagalit ni Alena."Napaka-taksil talaga ni Pirena." Naikuyom ni Alena ang kanyang mga kamay.
"Kung gayon ay pupuntahan ko na lamang si Amihan." Sabi ni Alena at akmang aalis na ngunit pinigilan siya ni Cassiopeia.
"Wag mo nang puntahan si Amihan.....masasaktan ka lamang." Sabi ni Cassiopeia na may lungkot sa muka.
"Masasaktan ako? Sa piling ng aking mahal na Hara.....? Di ko maintindihan ang iyong sinasabi."Nakakunot ang noo na sabi ni Alena sa nakatatandang diwata.
"Pagkatiwalaan mo na lamang ang aking sinabi.... At isa pa Alena... Wag ka nang muling magtitiwala pa sa kahit na anong sasabihin ng iyong nakatatandang kapatid." Sabi ni Cassiopeia.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
Fiksi PenggemarIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...