◆Kabanata XXVIII◆ Kamatayan

2.7K 59 7
                                    

Kabanata XXVIII
Kamatayan

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


"Alena gumising ka." Mahinang sabi ni Hitano kay Alena na nakagapos at saka niya tinangal ang mga tanikala sa kamay nito.

"Hitano... Tinutulungan mo ako?" Tanong ni Alena.
"Kailangan mong makatakas dito.. Di ko hahayaang may gawin sayo si Hagorn." Sambit ni Hitano ng matapos niyang matanggal ang tanikala ni Alena.

"Avisala Eshma Hitano... May nais na lamang akong malaman.... Nasaan ang anak kong si Kahlil... Kailangan ko siyang mailigtas." Sambit ni Alena sa kawal.

"Di ko alam kung saan nagaganap ang digmaan... Bakit di ka humingi ng tulong sa 'Mata' sigurado akong sasagutin ka niya pagkat kakampi siya ni Amihan." Mungkahi ni Hitano. Tumango si Alena saka siya nagtatakbo palabas ng Lireo.

Ng pagkalabas niya ay ginamit niya ang ivictus at siya ay nagpunta sa kuta ni Cassiopeia.

"Cassiopeia... Mata nasaan ka... Magpakita ka!" Pasigaw na pagtawag niya dito at saka ito lumitaw.

"Mata.... Nais kong malaman kung nasaan si Kahlil... Ang aking anak." Tanong ni Alena dito.

"Patawarin mo ako Alena... Ngunit di ko masasabi sayo dahil si Kahlil ay nasa pangangalaga ni Ether na isang bathaluman kaya walang laban ang kapangyarihan ko sa kanya.." Sambit ni Cassiopeia napailing si Alena.

"Bakit hindi si Ether ang iyong tanungin naroon siya sa guhong kaharian ng Etheria... Iyon ang kanyang tahanan." Sambit ni Cassiopeia. Napatango si Alena at saka siya naglaho papuntang guho ng Etheria.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ng naka-alis si Alena ay napailing si Cassiopeia.

"Huli ka na Alena... Naganap na ang propesiya ko sa mga anak niyo nila Amihan at Ybrahim.... Alam kong masasaktan ka ngunit ito ang karapat-dapat na mangyari." Malungkot na turan ni Cassiopeia patungkol kay Kahlil.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Niyakap nila Amihan at Ybrahim ang sugatang si Lira. Habang ang paligid nila ay wala pa rin tigil sa digmaang nagaganap.

"Amihan si Lira..." Sambit ni Ybrahim habang napaluhod na din si Alexus na niyakap naman si Pao-Pao.

"Di ako papayag na mawala sa atin ang ating anak Ybrahim." Umiiyak na sabi ni Amihan. Lumingon lingon siya at hinanap si Danaya.

"Danaya!!! Danaya!!! " sigaw niya at ilang saglit pa ay lumitaw si Danaya sa tabi nila.

"Lira... Amihan ano ang nangyari sa aking hadia?" Nag-aalalang sabi ni Danaya at kanyang binuksan ang kanyang palad saka lumabas ang brilyante ng Lupa.

"Brilyante ng lupa sinasamo kita.... Pagalingin mo ang aking hadia." Sambit ni Danaya ngunit di ginagawa ng brilyante ng lupa ang kanyang samo.

"Ngunit bakit walang nangyayari?" Tanong ni Ybrahim.
"Hindi ko din alam Ybrahim." Naiiyak nang sabi ni Danaya.

"Danaya makinig ka dalhin mo si Lira at Pao-Pao kay Cassiopeia.... Alamin mo kung ano ang lunas dito." Sambit ni Amihan
Nilingon naman niya ang kanyang si Lira at saka niya hinalikan ang noo nito.

"Pangako Lira... Pagkatapos ng digmaan na ito pupuntahan kita." Umiiyak na sabi ni Amihan at saka niya ipinaubaya na kay Danaya sila Lira, Pao-Pao at Alexus. Tumango naman si Danaya saka sila naglaho. Tumayo naman sa pagkakaluhod sila Ybrahim at Amihan saka sila tumingin sa isa't-isa.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon