◆ Kabanata LXIX ◆
Simula ng Dilim
◆◆◆◆◆◆
Palakad-lakad si Amyntha sa kanyang silid pagkat nababahala siya sapagkat dumating si Alexus at dadalhin nito sa Devas ang sanggol na si Cassandra kaya kailangan na niyang makuha ang sanggol.Napatingin siya sa salamin sa harapan niya at naoangiti siya ng makita ang kanyang wangis....ang wangis ni Amyntha.
"Kung hindi kayang saktan ng isang vedalje ang sanggol natitiyak kong kaya itong saktan ng isang kapanalig....." Nakangising sabi ni Amyntha saka siya lumabas ng silid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang inihehele ni Amihan ang kanyang anak na si Cassandra nasabi na nila kay Alexus na payag na sila sa nais ng Bathalang Emre na dalhin muna sa Devas ang kanilang anak."Mukang nalulungkot kayo Ashti Amihan...." Napalingon si Amihan kay Amyntha na pumasok sa silid nila.
"Siyang tunay Amyntha lalo na ngayong dadalhin muna pansamantala ni Alexus sa Devas si Cassandra para maging ligtas ito....sa di pa natin nakikitang vedalje." Sabi ni Amihan sa hadia.
"Nais niyo bang makita ang vedalje na ito Ashti?" Tanong ni Amyntha na ngumisi kay Amihan. Nagtatakang napatingin si Amihan sa hadia.
"Anong ibig mong sabihin Amyntha?" Tanong nya at nagulat na lamang sya ng lumabas ang isang itim na usok at nagkaroon ito ng wangis.
"Andora?" Nabiglang sabi ni Amihan
"Ako nga reyna...." Sambit ni Andora at kanyang ginamit ang katawan ni Amyntha para agawin kay Amihan ang anak ngunit naging maagap si Amihan at nailayo niya agad ang anak, kinuha naman ni Amyntha ang punyal na nakatago sa likuran niya at kanyang isinaksak kay Amihan na nagpaluhod dito.Saka kinuha ni Amyntha ang sanggol. Naglabas naman ng bolang hangin si Amihan at pinatamaan si Amyntha ngunit naglaho na ito sa usok ni Andora.
"Cassandra! Anak!" Sigaw ni Amihan na narinig ng parating na si Pirena at nagulat ng nakitang duguan ang apwe.
"Amihan, anong nangyari!?!" Gulat na dinaluhan ni Pirena ang kapatid."P-Pirena si Cassandra....kinuha siya ni Andora....na g-ginamit ang katawan ni A-Amyntha...." Nahihirapang sabi ni Amihan.
"Ano....pashnea....wala siyang karapatan na gamitin ang anak ko sa kasamaan niya!" Galit na sabi ni Pirena ng dumating si Ybrahim at sinabi din ni Pirena ang nangyari."Tanakreshna..." Nasabi ng Hari
"Bawiin mo siya Ybrahim." Sambit ni Amihan sa kabiyak
"Yan nga ang gagawin ko pagkatapos kitang pagalingin." Sambit ni Ybrahim saka nito inilabas ang ikalimang brilyante at pinagaling si Amihan na nakatulog naman.Ng maiayos na nila ang reyna na binabantayan nila Arquim at Amara ay naghanda ng umalis si Ybrahim ng humabol si Pirena.
"Ybrahim...." Sambit nito
"Pirena may kailangan ka ba?" tanong ni Ybrahim
"Hayaan mo akong sumama sapagkat may anak din akong babawiin kay Andora." Sambit ni Pirena."Kung gayon ay tayo na" saka inilabas ni Ybrahim ang ikalimang brilyante
"Brilyante inuutusan kitang dalhin mo kami sa pangahas na si Andora." Sambit ni Ybrahim saka sila naglaho ni Pirena papunta sa kinaroroonan ni Andora.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Sa wakas nakuha na kitang muli Cassandra at sa pagkakataon na ito gamit ang katawan ni Amyntha makukuha ko na mula sa iyo ang kailangan ko." Nakangiting sabi ni Andora sa umiiyak na sanggol na kanyang inihiga sa damuhan.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...