◆Kabanata XXI◆
Ginintuang Orasan
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Sa Nakaraan.....
Muling maingat na naglalakad sila Amihan, Ybrahim at Lira sa pasilyo ng Hera Andal para hanapin ang ginintuang orasan na sinasambit ni Cassiopeia para makabalik na sila sa kanilang panahon. Nais sana ni Ybrahim na iwan muna kay Cassiopeia sa bagong tatag na Lireo si Lira ngunit di pumayag si Amihan dahil ayaw na niyang muli ay mawalay sa anak.
Ng nalaman na nila Ybrahim at Amihan ang kinaroroonan ng silid ni Avria ay madali nila itong pinuntahan.
Tila nasa kanilang panig naman ang oras dahil sa wala ang reyna ng Etheria sa silid nito. Agad na sinugod at madaling napaslang nila Amihan at Ybrahim ang mga kawal sa silid ng Reyna hanggang sa nakapasok na sila.
"Talasan niyo ang mga mata niyo ng sa gayo'y mahanap na natin ang ginintuang orasan ng mga Etherian." Sabi ni Amihan sa kanyang mag-ama. Agad naman na hinanap nila ang ginintuang orasan.
"Nay... Wala naman eh." Sabi ni Lira. Napailing si Amihan... Kung sana lang ay magagamit niya ang kanyang brilyante. Ngunit gustong subukan ni Amihan kaya ibinukas niya ang kanyang palad.
At sa pagbukas niya nito ay lumiwanag ng asul ang kanyang palad wala man ang brilyante ay nararamdan niya na ang presensya nito di tulad ng una siyang dumating sa nakaraan.
"Sa aking wari ay isinilang na ang brilyante sa panahong ito." Sabi ni Ybrahim
"Iyan din ang aking sapantaha Ybrahim. " nakangiting sabi ni Amihan kay Ybrahim saka siya bumaling sa kanyang nagliliwanag na palad."Espiritu ng brilyante ng hangin.... Sinasamo kita at ako'y tulungan.... Hanapin mo kung nasaan naroroon ang ginintuang orasan na aming pakay." Samo ni Amihan sa Espiritu ng Brilyante ng Hangin
Lumiwanag ng husto ang mga palad ni Amihan at may itinuro itong sisidlan sa ahas na rebulto sa loob ng silid ng Reyna ng Etheria.
"Nay doon daw." Nakangiting sabi ni Lira.
"Sige na anak kunin mo na ang ginintuang orasan na magbabalik sa atin sa kasalukuyan." Nakangiting sabi ni Amihan na sinunod naman ng kanyang anak.Napangiting naman si Ybrahim sa wakas ay makakabalik na sila sa kanilang panahon at maitatama na niya ang nalilito niyang puso.
Mula sa bibig ng ahas na rebulto ay nakuha ni Lira ang ginintuang orasan at lalapit na sana ito kay Amihan ng may sanggol na umiyak.
"Nay... Ano yun may tiyanak ba dito?" Tanong ni Lira na lumapit na ng tuluyan sa ina.
"Isang sanggol ang naiyak at ito ay nasa higaan ng reyna." Sambit ni Ybrahim. At napatingin sila at naroon nga ang sanggol na lalapitan sana ni Ybrahim ng pumasok ang dalawang dama.
"Sino kayo!" Sabi ng isa at ang isang dama naman ay nilapitan ang sanggol na hinawakan agad at kinarga. Ng laking gulat nila ay sumigaw ang dama at naibagsak sa higaan ang sanggol na umiiyak pa din.
At isang kahindik-hindik na pangyayari ang naganap sa dama na kumarga sa sanggol. Ito ay unti-unting nagiging bato!
"Ano ang nangyayari sa akin!" Sigaw nito bago tuluyang naging bato at naging alikabok.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...