◆Kabanata XLIII ◆
Ang Pagsisisi ni Alena
◆◆◆◆◆◆◆◆
"Alam kong may nilalang na nakamasid sa akin.... Lumabas ka na diyan." Sambit ni Alena habang naka-upo sa loob ng piitan.
Lumabas naman si Lira mula sa pinagkukublihan kahapon pa kasi niya nais na makausap ang ashti niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alena sa hadia.
"Nais ko lamang po kayong maka-usap."
"Ngunit di kita nais maka-usap." Sambit ni Alena saka tinalikuran si Lira."Alam ko naman po kung bakit... Dahil sa pakiramdam niyo ako ang bunga ng pagtataksil ng mga magulang ko pero ashti... Si Bathalang Emre ang nagtakda sa kanila.....at panahon ang nagbigay sa kanilang ng pagkakataon na mahalin ang isa't-isa kailanman ay di nila binalak na lokohin ka Ashti.... Kaya di nila sinabi ay dahil ayaw nilang masaktan ka." Paliwanag ni Lira. Nais na kasi niyang magka-ayos na ang kanyang inay at ang ashti niya.
"Ssheda... Di ko nais marinig ang mga pinagsasambit mo." Sabi ni Alena na nasasaktan sa sinasabi ni Lira pagkat kanya nang napagtatanto na may katotohanan ang sinasambit ng hadia.
"Ashti... Sabi nila Inay at ng ashti Pirena at ashti Danaya... Na napakalambot ng iyong puso sa kahit kanino.... Ngunit bakit ngayon ay di mo magawang magpatawad.... Ashti sana mahanap mo sa iyong puso ang pagpapatawad at pagmamahal...iyon lang po... Maiwan ko na kayo." Sambit ni Lira saka ito umalis ng piitan.
Di naman mapigilan ni Alena ang mapa-iyak ng husto pagkat tunay ang tinuran ng kanyang hadia.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Magkasama sa silid sila Amihan at Ybrahim pagkatapos ng pagpupulong ng pumasok si Alexus.
"Nay, Tay... Maaari ko ba kayong maka-usap?" Tanong ni Alexus. Humarap naman sila Amihan at Ybrahim sa anak.
"Maaari anak... Ano ba ang nais mong sabihin?" Tanong ni Amihan sa anak.
"Nais ko lamang magpaalam Nay, Tay." Sambit ni Alexus. Kumunot ang noo ng mga kamahalan sa binanggit ni Alexus."Ngunit bakit anak... Di ka na ba masaya sa piling namin?" Tanong ni Amihan na hinawakan ang kamay ni Alexus.
"Nay... Masaya ako sa piling niyo at kung maaari lamang ay manatili na lamang akk dito ngunit may ibang lugar na ang nakalaan sa akin.... Sa Devas." Nakangiting sabi ni Alexus pero nalulungkot din siya na mawawalay na naman siyang muli sa pamilya niya.
Di naman mapigilan ni Amihan ang maluha sa kaalaman na mawawalay na naman sa kanya ang kanyang anak. Maging si Ybrahim ay lungkot ang nararamdaman lalo na at pakiramdam niya ay lagi siyang nagkukulang sa mga anak niya.
"Kasama mo na bang babalik si Kahlil?" Tanong ni Ybrahim. Tumango naman si Alexus bilang pag-sang-ayon.
"Nay... Tay... Wag na kayong malungkot lagi naman akong nakabantay sa inyo mula sa Devas... Mahal na mahal ko kayo." Sabi ni Alexus na pinahid ang mga luha sa mata ng pinakamamahal na ina.
"Huwag kang mag-alala anak... Darating din ang panahon na magkakasama tayong buong pamilya....mahal na mahal kita anak." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa anak.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...