◆Kabanata VIII◆
Si Lira
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Halos mapagod na si Lira sa pagtakbo mula sa mga bandido, Ngunit di pa din siya nilulubayan ng mga ito."Wala ka nang pupuntahan!" Sigaw ng isa sa tatlong humahabol sa kanya.
"Naku wag kayong lalapit mga taong espasol kayo!" ani Lira at tinutok ang kanyang espada sa mga kalaban... Sumugod naman ang mga ito.
At dahil di pa bihasa sa paghawak ng sandata ay madaling nagapi ng mga bandido si Lira.
"Ayyy! Teka lang Mamang crinkles!" Sabi ni Lira ng mabitawan niya ang sandata niya.... Itinaas naman ng bandido ang hawak nitong espada. Napapikit na lamang si Lira... Mukang katapusan na niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ngunit walang espada na tumama sa kanya. Agad na nagmulat si Lira at isang lalaki ang humarang sa espada ng bandido, isang lalaki na naka-suot ng kalasag."Wag siya ang kalabanin niyo!" Sabi nito at saka tinulak ang bandido at nilabas nito ang sariling espada at nakipag-laban sa mga bandido.
Manghang nakatingin si Lira sa lalaki na di niya makilala dahil pati ang muka nito ay nababalutan ng maskara. Di maiwasang mapangiti ni Lira sa galing nitong makipag-laban lalo na ng napa-atras na nito ang mga bandido at tuluyan nang nagapi at umalis.
Lumingon kay Lira ang lalaki.
"Maayos ka ba?" Tanong nito.
"Ay oo naman po... Salamat po hah.... Para kayong si Batman....galing niyo." Nakangiting sabi ni Lira."Batman?" Tanong ng lalaki.
"Naku wag niyo na pong isipin yun." Nakangiting sabi ni Lira at di napigilan na yakapin ang lalaki. Pagka-yakap ni Lira sa lalaki ay parang nakaramdam si Lira ng seguridad sa tabi nito.
Saka kumalas si Lira at ngumiti sa lalaki."Salamat po ulit... Teka ano nga ba ang salita para dun.... Avisala ashtma ? Ah basta... Salamat." Nakangiting sabi ni Lira at siya ay nagtatakbo na paalis para hanapin si Danaya, Muyak at Wantuk.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
"Sandali!" Tawag ni Ybrahim na suot ang Kalasag sa babaeng diwata na may gintong baluti. Tinanggal ni Kalasag ang kanyang takip sa bibig.May ibang naramdaman si Ybrahim sa babae ng ito ay yumakap sa kanya.... Para bang lumambot ang puso niya.... At kung sino man ang diwata ay para bang bago lang ito sa Encantadia.
Napa-iling si Ybrahim at nilagay na muli ang takip sa kanyang bibig. At kailangan pa niyang pumunta sa Lireo para alamin nga kung nandoon si Alena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Di na alam ni Lira kung saan siya pupunta, di niya makita si Danaya, Wantuk at Muyak. Di pa naman niya kabisado ang buong Encantadia.Hanggang sa may maulingan siyang nagsasalita... At napangiti siya dahil alam niyang si Danaya iyon. Kaya sinundan niya ang boses. At natuwa siya ng makita na si Danaya. lalapit na sana si Lira ng biglang may kumabig sa kanya at para di siya maka-sigaw ay tinakpan nito ang kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
Hayran KurguIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...