◆Kabanata XX◆ Lireo

2.4K 91 6
                                    

Kabanata XX
Lireo

◆◆◆◆◆◆◆◆


Sa Nakaraan.....

              Sa kakahuyan malayo-layo sa Etheria lumitaw sila Amihan at Ybrahim nakangiting nakatingin si Amihan kay Ybrahim.

           "Sa wakas Ybrahim nandito na ang ating anak." Nakangiting sabi ni Amihan saka binigay kay Ybrahim ang kristal na kipinalolooban ni Lira. Nakangiting tumango naman si Ybrahim at ipinatong sa malaking bato ang kristal at kanya ito binasag gamit ang kanyang espada. Isang nakasisilaw na liwanag ang lumabas mula dito.

           Nasilaw na napakapit sila Amihan at Ybrahim sa isa't-isa.

           "Nay.... Nanay..." Narinig na boses nila Amihan at Ybrahim. Bumilis ang tibok ng puso ni Amihan... Ang boses ni Lira... Ng kanilang si Lira.

              Ng mawala ang nakasisilaw na liwanag ay nakita na nila ang kanilang matagal nang nawalay na anak.... Si Lira.

            "Anak.....Lira....." Naiiyak na sabi ni Amihan at nagtatakbo si Lira sa kanyang ina. Sa kanyang matagal nang inaasam na makasamang ina. Niyakap ng mahigpit ni Amihan ang anak at kanyang pinaghahalikan ang anak... Ang kinasasabikan niyang anak.

          "Nay... Mahal na mahal ko po kayo....I love you nay..." Naiyak na sabi ni Lira sa ina niya.
           "Mahal na mahal din kita anak... Higit pa sa buhay ko." Nakangiting naiiyak na sabi ni Amihan na nakatingin sa anak.

            "Ako din po Nay..." Naiyak na sabi ni Lira na nangingiti na din. Napatingin naman si Amihan kay Ybrahim na naluluha din na nakatingin sa kanyang mag-ina. Napagtanto niya na matagal na pala niyang nakilala si Lira... Ito pala ang diwatang iniligtas niya sa mga bandido.

            "Lira anak.... May nais akong makilala mo." Sabi ni Amihan sa anak
          "Sino Nay?" Tanong ni Lira
           "Ang iyong Ama... Si Ybrahim." Nakangiting sabi ni Amihan.  Napalingon si Lira at nagulat siya sa nakita. Ang lalaking nagligtas sa kanya noon ang kanyang ama!

              "Kayo po yung nagligtas sa akin!" Nakangiting sabi ni Lira.
             "Ako nga anak." Nakangiting sabi ni Ybrahim at niyakap naman nila ni Lira ng mahigpit ang isa't-isa...

            "Matagal kitang pinanabikan na makilala at makasama anak." Sambit ni Ybrahim at hinalikan sa noo si Lira
             "Ako din po Tay... Akala ko po dati nanay lang po ang meron ako dito pero di ko akalain na may tatay din ako.... Mahal na mahal kita Tay." Nakangiting sabi ni Lira kay Ybrahim na mas hinigpitan ang yakap kay Lira. Nakangiting lumingon si Lira sa ina.

            "Nay... Sama ka, family hug tayo." Nakangiting yakag ni Lira sa ina. Lumapit naman si Amihan. Di man naintindihan ang sinambit ng anak ay nais nya ding yumakap sa kanyang mag-ama.

           Masayang-masaya naman na niyakap ni Lira ang mga magulang niya na matagal na niyang inasam na makita at makilala.

             "Mahal na mahal ko po kayo Nay,  Tay." Nakangiting sabi ni Lira sa mga magulang.
              "Mahal na mahal ka din namin anak." Magkapanabay na sabi nila Ybrahim at Amihan na nagkatawanan pa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Pagkatapos mapakawalan si Lira ay nagtungo sila Amihan sa kuta nila Cassiopeia ng sa gayo'y malaman na nila kung paano sila makakabalik sa kanilang panahon.

           Pagkarating nila sa kuta nila Cassiopeia ay agad silang pumasok sa kubol nito at naratnan nilang naka-upo roon si Cassiopeia na katatapos lamang manalangin kay Emre.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon