◆Kabanata XVI◆ Ang Damdamin ni Hara Amihan

3.4K 94 18
                                    

Kabanata XVI
Ang Damdamin ni
Hara Amihan

◆◆◆◆◆◆◆◆


Iginapos nila Lila Sari at Mayca si Lira pagdating nila sa kuta nila Adhara.
"Aray naman Ale... Masakit.... Dahan dahan lang." ani Lira ng siya ay igapos na ni Lila Sari.

"Ssheda.... Kapag ikaw ay di nanahimik lalagyan ko ng busal ang iyong bibig." Inis na sabi ni Lila Sari at saka ito pumasok sa kanyang kubol.

Malungkot na napayuko si Lira. Di niya akalain na magagawa iyon ng kanyang Ashti Alena. Ngunit di niya ito sinisisi dahil alam niyang may dahilan ito.... At iyon ay ang makapiling ang kanyang anak na si Kahlil.

Napalingon si Lira sa lalaking naka-gapos din sa kanyang tabi at saka ito lumingon. Nakikilala niya ito.

"Mang Berdano?!" Gulat na sabi niya. Maging ito ay nagulat din.
"Lira..... Hitano ang tunay na ngalan ko.... Ano ang ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Hitano.

"Mahabang kwento pero ang dapat nating isipin ay kung paano tayo makalaalis dito." Sabi niya. At hinihimok si Hitano na magtulungan sila na maka-takas kay Adhara.

"Hindi magiging madali iyan Lira lalo na at nakatali tayo pareho." Sabi ni Hitano. Napahinga naman ng malalim si Lira.

"Ah basta makaka-isip din tayo ng paraan." Determinadong sabi ni Lira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naka-upo sa kanyang trono si Pirena at nasa tabi si Gurna ay dumating si Icarus na nag-iisa lamang.

"Mahal na Reyna." Sabi ni Icarus at siya ay yumukod dito.

"Ano't nag-iisa ka lamang Icarus?!" Gulat na sabi ni Pirena.

"Mahal na Reyna nagapi ng mga kapanalig ni Amihan ang mga kasama naming hathor." Sabi nito.

"At si Kahlil?" Tanong ni Pirena

"Patawad Mahal na Reyna, ngunit nabihag si Kahlil ng isang grupo ng kababaihan." Sabi nito.

"At iniwan mo ang aking hadia?" Napatayo sa galit si Pirena.

"Sila ay kakaiba Mahal na Reyna.... Lalo na ang babaeng nag-ngangalang Adhara.....Mahal na Reyna sa wari ko ay siya ang Adhara na mula sa Carcero" Sabi ni Icarus.

Napatigil si Pirena... Kanyang naalala ang Adhara na tumakas sa Carcero...

"Mukang may bagong kalaban Mahal na Reyna." Sapantaha ni Gurna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naikuyom ni Alexus ang kanyang kamay... Pagkakita sa kanyang binansagan na traydor na Ashti. Agad niyang inagaw ang espada ng kanyang ina.

"Alexus! " gulat na sabi ni Amihan.

"Isa kang traydor!" Sigaw ni Alexus at kanyang sinugod ang kanyang ashti Alena na ikinagulat nilang lahat.

Nasalag naman ni Kahlil ang espada ng kapatid gamit ang kanyang espada. Nagsukatan ng tingin ang magkapatid na handang pumatay para sa kanilang mga ina.

Agad naman na pumagitna si Ybrahim sa kanyang mga prinsipe na nagtutungalian.

"Ssheda Alexus! Ano ang iyong ginagawa!" Galit na sabi ni Ybrahim sa anak. Agad naman na hinawakan ni Aquil si Kahlil at si Muros naman kay Alexus at pinaglayo nila ang dalawang prinsipe.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon