◆Kabanata XVIII◆ Enamuya

3.2K 79 35
                                    

Kabanata XVIII
Enamuya

◆◆◆◆◆◆◆


             Napalingon sila Danaya at Aquil sa pagdating ni Lakan sa kanilang kuta. Agad na lumapit ang Sang'gre at ang Mashna.

            "Lakan nasaan ang aking kapatid?" Tanong ni Danaya.
           "Nabawi niyo ba si Diwani Lira?" Tanong ni Aquil. Napatingin si Lakan sa kanila at di malaman ang isasagot.

          Ng marinig naman ni Alexus na dumating na ang kanyang Menantre Lakan ay lumabas agad siya. Maging sina Alena at Kahlil ay lumabas na din.

            "Ikinalulungkot ko Mahal na Sang'gre ngunit hindi ko alam ang kanilang kinaroroonan." Malungkot na tugon ni Lakan

           "Anong hindi mo alam kung nasaan sila?" Tanong ni Alena. Napatahimik naman ang Mulawin.
          "Sumagot ka Lakan nasaan ang Hara at Prinsipe?" Tanong ni Danaya. Napahinga ng malalim si Lakan at kanyang isinalaysay ang nangyari kanina lamang.

             "Mahabaging Emre.... Kung di ako nagkakamali ang ahas na yaong iyong sinasabi Lakan ay ang Bathalumang Ether... Na isinumpa ni Bathalang Emre dahil sa kanyang masamang gawain." Wika ni Imaw. Nangamba naman ang lahat sa sinambit ni Imaw.

            "Imaw mas lalo akong nangangamba.... Ano ang laban nila sa isang bathaluman?" Sambit ni Danaya
            "At higit sa lahat saan sila dinala nito" sabi naman ni Aquil.

           Napailing si Alena... Di niya alam ang gagawin... Oo gusto niyang mabawi na din si Lira sa kamay ng kalaban ngunit ang ayaw niya ay ang magkalapit pa ng husto sila Amihan at Ybarro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               Sinag ng araw ang gumising kay Amihan sa bisig ng isang lalaki. Tiningnan ito ni Amihan at ito ay si Ybrahim, sila ay nakahiga sa damuhan. Agad siyang umupo at ginising ito.

             "Ybrahim....Ybrahim gumising ka." Paggising niya dito. Marahan naman na nagmulat si Ybrahim at nasilayan si Amihan... Siya ay napangiti at naisip na kaygandang tanawin sa umaga ng kagandahan ng reyna.

                "Ybrahim.... Nasa huwisyo ka na ba?" Tanong ni Amihan. Para namang nagising si Ybrahim at siya ay umupo na din.

               "Nasaan tayo Amihan?" Tanong ni Ybrahim sa kanya
               "Hindi ko alam Ybrahim pero nasisigurado ko na nasa Encantadia pa din tayo... Nararamdaman ko ang simoy ng hangin." Sabi ni Amihan saka siya tumayo ganun din si Ybrahim. At ito ay nagulat sa nakita.

                 "Totoo ba itong aking nakikita Amihan?" Tanong ni Ybrahim at napatingin din si Amihan sa pinagmamasdan nito.

             "Ang Sapiro... Ito ay buo at matayog.." Manghang sabi ni Ybrahim. Maging si Amihan ay di makapaniwala sa kanyang nakikita paanong nangyari na napakasagana ng Sapiro?

               "May mali dito Ybrahim." Sabi ni Amihan pagkatapos niyang mamangha sa nasilayan.
                "Tama ka... Meron nga." Sambit ni Ybrahim ng napagtanto niya ang kabalintunaan na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Naglakad sila Ybrahim at Amihan patungo sa Sapiro, ng kanilang marating ito ay hinarang sila ng kawal.
            "Saan ang inyong tungo mga engkantado?" Tanong nito.
           "Kami sana ay papasok sa Sapiro." Sabi ni Ybrahim
           "Hindi maaari... Pagkat walang pinapapasok ang Haring Meno sa Sapiro dahil sa maselang pagdadalang-sapiryan ng Reyna." Sagot ng Kawal.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon