(Author's Note:
Dahil sa new generation ito ng mga own character ko na sang'gre.... Ay ito ang mga celebrity na like kong gumanap sa mga role na ito.Liza Soberano as Sang'gre Amara
Enrique Gil as Rehav Castiel
Julia Baretto as Sang'gre Eirene
Ronnie Alonte as Mirios
Kathryn Bernardo as Sang'gre Diantha
Daniel Padilla as Rehav Nahaliel
Nadine Lustre as Sang'gre Amyntha)............
◆ Kabanata LXII◆
Kalis ng Kataas-taasang
Langit
◆◆◆◆◆◆◆
Pasakay na sana si Amara sa karawahe papuntang Lireo ng makita niya na nakatayo sa may hardin si Rehav Castiel. Di niya alam ngunit nais nyang makasama at maka-usap ang lagalag na prinsipe ng Sapiro."Ipagpaliban na muna natin ang pagbalik sa Lireo....bukas na tayo babalik doon." Sabi ni Amara. Yumukod naman ang mga kawal saka ito naglakad papunta sa hardin. Napalingon naman si Castiel sa kanya.
"Bakit nandito ka pa Sang'gre Amara... Di ka pa babalik sa Lireo?" Tanong nito sa kanya. Medyo nagdamdam naman si Amara sa katanungan na iyon ni Castiel na parang ayaw siya nitong makasama.
"Kung ayaw mo akong narito ay aalis na ako." Sabi niya saka siya tumalikod ngunit naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay.
"Agape avi Sang'gre Amara.... Di ko ninanais na magdamdam ka.... Iyan ang huli kong nais na mangyari sa pagitan natin." Sambit ni Castiel. Humarap naman muli si Amara sa Rehav.
Napangiti si Castiel... Anong kay ligaya niya na masilayan muli ang kagandahan na kanyang minahal mula pa noon? Sadyang may mga pangyayari lamang na kailangan pumutol pansamantala sa pagmamahal niya dito....
At ngayon naman na maaari na niya itong mahalin ay di na naman maaari pagkat naka-linya na ito na pumalit kay Reyna Lira.
Muli ay di na naman niya muling maaaring angkinin ang puso nito.
"Prinsipe Castiel.... May dumi ba ako sa muka... Kanina ka pa nakatitig sa akin." Nagtatakang sabi ni Amara sa kanya.
"Wala.... Nais mo bang maglakad lakad muna?" Nakangiting sabi ni Castiel tumango naman si Amara at sabay silang naglakad sa malawak na hardin ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Malungkot naman na nakamasid si Eirene pagkakita sa kanyang pinsan na si Amara at sa lagalag na Prinsipeng si Castiel.Una man silang nagkakilala ni Castiel sa kagubatan ng minsan ay magkasama sila ni Mirios na mangaso, ay di pa din niya nakuha ang atensyon nito bagkus ay si Amara ang wari niya ay nagugustuhan nito.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
Hayran KurguIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...