◆ Kabanata LXXIII ◆ Magpahanggang Wakas

5.1K 105 44
                                    

Kabanata LXXIII
Magpahanggang
Wakas

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔

Ito ang Encantadia, lupain ng misteryo at hiwaga. Lupain ng mga kakaibang nilalang....lupain na pinagpala.....

Naka-ukit na sa kasaysayan ng buong Encantadia ang mga naganap sa pamumuno ng mga anak ni Mine-a. Kung paanong pinabagsak nila ang kasamaan ng Hathoria at ng mga palalong bathala sa gabay ng Bathalang Emre.

Ngayon isang bagong kapayapaan na magpahanggang wakas ang tinatamasa ng mga encantado na pamana sa kanila ng mga makasaysayang sang'gre at ng dakilang hari.

Ang kapayapaan na ito ay pinangangalagaan ng mga bagong namumuno sa Encantadia....

Sa muling pag-ahon ng kaharian ng Adamya ay pinamunuan ito ni Castiel bilang hari nito, katuwang niya dito ay si nunong Imaw. Naging isang matayog na kaharian muli ang Adamya. Isang matayog na kahariang kasangga ng Lireo.

Ipinagkatiwala naman sa kanya ng mga makasaysayang sang'gre ang brilyante ng tubig para mas lalong pagyamanin ang Adamya.

"Mahal na Hari....muli ka na namang nakatanaw sa Lireo" sabi ni Baracud kay Castiel habang siya ay nasa azotea ng Adamya.

"Hayaan mo na lamang ako Baracud.....ito lang naman ang aking kaligayahan." Nakangiting sabi ni Castiel sa mashna ng Adamya.

"Ang pagtanaw sa Lireo? O ang pagtanaw sa Reyna nito?" Nakangiting may panunuksong sabi ni Baracud.

"Ssheda Baracud...." Naiiling na sabi ni Castiel.

"Sa nakikita ko matagal pang magkakaroon ng reyna ang Adamya." Sabi naman ni Baracud. Di na lamang ito pinansin ni Castiel.


Malungkot naman na umalis sa likod ng haligi si Eirene....hanggang ngayon di pa rin siya kayang mahalin ni Castiel, iisang diwata pa rin ang laman ng puso nito.

♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔

Nang namatay ang asawang mortal ni Mira na si Anthony ay nagbalik siya sa Encantadia kasama ang kanyang anak na si Alaric. Sa kanya naman pinagkatiwala ang brilyante ng apoy. Humingi si Mira ng pahintulot mula sa tatlong kaharian kung maaari niyang muling itayo ang Hathoria.

Matapos ang mahabang pag-uusap ay pinayagan din si Mira na maitayo ang Hathoria muli dahil alam naman nila na magiging maayos sa ilalim ng pamumuno ni Mira ang Hathoria. Kasama niya sa pamumuno dito ang kanyang kapatid na si Amyntha.

"Masaya ako at naitayo na nating muli ang Hathoria...aking apwe." Nakangiting sabi ni Amyntha sa kanyang kapatid na si Mira.

"Ako din Amyntha....ito ang matagal nang pangarap ni Ina....ang muling mabuo ang Hathoria....ang Hathoria na walang inggit at kasamaan." Sabi naman ni Mira habang pinagmamasdan nila ang mga hathor na maayos na tumutulong sa mga asqillesue.

"Ito ang Hathoria na nais kong ipamana sa aking anak na si Alaric at pati na sayo Amyntha." Nakangiting sabi ni Mira.

"Avisala Eshma Apwe." Nakangiting sabi naman ni Amyntha sa reyna ng Hathoria.

♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔

Mula naman ng namaalam ang magulang ay si Arquim na ang naging hari ng Sapiro at sya din ang nangalaga sa brilyante ng lupa para pagyamanin pa ang Sapiro.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon