◆Kabanata XXXVI◆ Ang Sumpa

2.6K 57 24
                                    

Kabanata XXXVI
Ang Sumpa

◆◆◆◆◆◆◆


"Mira talaga bang di ka na muling sasama sa amin ni Wahid pabalik ng Encantadia?" Tanong ni Lira sa pinsan.

"Sa totoo lang Lira nagdadalawang isip ako... Para kasing may kakaiba akong naramdaman kagabi na aking ikinababahala." Sambit ni Mira. Napakunot ang noo ni Lira pagkat kagabi ay nakarmdama din siya ng ganoon, ngunit di na lang ito sinabi ni Lira kay Mira.

"If you feel like Encantadia needs you... Then go." Pag-sabat ni Anthony sa pinag-uusapan ng dalawa. Humarap naman si Mira dito.

"Sigurado ka ba Anthony?" Tanong ni Mira.

"Oo naman at pag maayos naman ang lahat promise me na babalik ka." Sabi ni Anthony. Tumango naman si Mira sa sinabi ni Anthony.

"Lira tayo na." Nakangiting sabi ni Mira. Tumango naman si Lira at saka sila nagpuntang tatlo sa lagusan ng mga bandido at dahil takot pa rin ang mga ito kay Amihan ay pinadaan sila nito kahit wala silang dalang tao bilang alay.

Pagpasok pa lang nila Lira, Mira at Wahid sa Encantadia ay may naramdaman na agad si Lira na pagbabago sa hangin ngunit sinarili na lamang niya ito. Nagpaalam naman si Wahid na pupunta muna sa Ascano para tingnan ang mga kalahing barbaro na pinayagan naman nila Lira at Mira.

Sa pagbabalik nila sa Dakilang Moog ay napangiti sila nang makita na wala naman palang dapat ikabahala dahil ayos naman ang lahat. At mukang walang gulong nangyari kaya naman sila ay pumasok na sa Sapiro at una nilang nakita si Danaya.

"Ashti! " nakangiting sabay na tawag ng dalawa.

"Aking mga hadia" nakangiting sabi nito at niyakap silang mag-pinsan.

"Sadyang tama ang ginawang pagpapapunta ni Amihan sayo sa mundo ng tao para mahanap at maibalik si Mira rito sa Encantadia." Nakangiting sabi ni Danaya sa kanila. Nagkatinginan sila Lira at Mira sa sinambit ni Danaya.

"Ashti... Kakaalis lang namin dito." Sabi ni Lira.
"Oo nga ashti... Kailan lang ako bumalik...." Sambit ni Mira.

"Ano ba ang sinasabi niyo... Matagal ka nang wala dito sa Encantadia kaya naman pinapunta na ni Amihan si Lira sa mundo ng tao para hanapin ka." Sambit ni Danaya.

"Wari yatang pagod pa ang mga diwani kaya kung ano-ano ang kanilang sinasabi... Mga Diwani... Mabuti pa ay magpahinga na kayo." Sabi ni Aquil.

"Teka po... Naguguluhan talaga ako.." Sabi ni Lira habang naglalakad sila papunta sa silid nila.

Ng naka-upo na sila Lira at Mira ay di maalis sa isip nila ang nangyayaring ito.. Nakakataka.

"Lira.... Mira... Totoo nga ang sinabi nila Danaya na nagbalik na kayo." Nakangiting sabi ni Amihan agad naman yumakap ang dalawa sa ina.

"Inay... Naku naguguluhan na kami sa sinasabi ni Ashti eh." Sabi agad ni Lira.

"Na ano.. Na pinabalik kita sa mundo ng tao para hanapin si Mira? Ngunit totoo naman ito Lira at natutuwa ako na nagawa mo ang binigay kong misyon sa iyo." Nakangiting sabi ni Amihan at hinaplos ang pisngi ng anak at anak-anakan.

Lalo naman na naguluhan sila Lira at Mira sa sinambit ni Amihan sa kanila na para bang sa pag-alis nila ng Encantadia ay may nangyaring di maganda.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon