◆Kabanata XXIII◆ Aking Kabiyak

3.7K 98 32
                                    

Kabanata XXIII
Aking Kabiyak

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


             Malalim na ang gabi ngunit nagtataka si Danaya na hindi niya pa nakikita si Amihan. Kaya naman kanya nang pinuntahan sa silid nito ngunit si Lira ang kanyang nakita roon.

          "Lira... Naririto ka pala.... Nasaan ang iyong ina?" Tanong niya sa hadia.
            "Ah... Ashti... May pinuntahan lang po si Inay. Bukas ng umaga baka bumalik na po siya." Nakangiting sabi ni Lira.

           "Baka bukas.... Ang ibig sabihin ay di ka sigurado sa iyong sinabi." Sambit ni Danaya saka ito umupo sa higaan ng hadia.

           "Parang ganoon na nga po." Alanganin ang ngiti ni Lira.
           "Ngunit bakit saan ba nagpunta ang iyong Ina?" Tanong ni Danaya sasagot sana si Lira ng pumasok sa silid si Wantuk.

          "Lira nakita mo ba ang iyong ama... Ang sabi niya ay may kukunin lamang siya ngunit hanggang ngayon ay di pa siya nabalik sa Dakilang Moog... Bukas pa man din ay lilipat na tayo roon." Ang tanong ni Wantuk.

             "Maging ang prinsipe na lumaki sa mga mandirigma ay wala?" Napalingon si Danaya kay Lira napakamot tuloy sa ulo si Lira.
           "Aking hadia... Wag ka nang maglihim sa akin sabihin mo sa akin magkasama ba ang iyong mga magulang?" Tanong ni Danaya sa pamangkin.

            "Opo Ashti... Pero di ba deserve naman nila ang mapag-isa kahit sandali." Sambit ni Lira. Napahinga naman ng malalim si Danaya.

            Alam naman niya na nagmamahalan ang Hara at Rehav, ngunit ayaw lang sana niya na muling masaktan ang kanyang kapatid na si Alena na baka magbunga na naman ng masama.

            "Ashti?" Tanong ni Lira
            "Magpahinga ka na Lira... Maaga pa tayong tutungo sa Dakilang Moog bukas." Sambit ni Danaya sa hadia saka lumabas ng silid. Nais niyang maka-usap si Pirena at malaman anh opinyon ng nakatatandang kapatid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Napalingon si Alena ng makarinig ng mga yabag sa pag-aakalang iyon ay si Ybarro ngunit si Hitano ang kanyang nakita....lumapit ito sa kanya.

             "Ano ang nais mo Hitano?" Sambit niya. Kahit na iniligtas na siya nito ay di pa rin nawawala ang galit niya dito.

            "Nakita ko kasing mag-isa ka...at alam ko na si Ybarro ang iyong hinihintay." Sambit nito

           "Wala ka nang pakialam kung siya man ay aking hintayin." Sambit ni Alena.

           "Ngunit Alena di mo ba nakikita na si Amihan na ang mahal ni Ybarro at di na ikaw." May inis sa boses na sabi ni Hitano. Tumayo si Alena at kanyang sinampal si Hitano.

           "Kailanman ay wag na wag mong sasabihin sa aking harapan yan Hitano.... Ako ang unang minahal ni Ybarro at mananatili iyon....
            Magiging akin siya sapagkat kailanman ay walang kinabukasan ang pagmamahalan nila ni Amihan dahil sa isa itong reyna at alam mo ang batas ng Lireo." Galit na sabi ni Alena kay Hitano saka ito pumasok sa loob.

            Naikuyom naman ni Hitano ang kanyang mga kamao. Siya ay nagagalit ngunit higit sa sarili sapagkat di niya magawang kalimutan ang pag-ibig kay Alena sa kabila ng wala naman itong nararamdaman para sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Madilim ang gabi at tanging ang liwanag ng dalawang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag para sa dalawang engkantado na nagmamahalan sa maliit na isla na yaon sa Adamya.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon