(Author's Note:
Gusto ko lang magpasalamat sa mga tumatangkilik nito... Sa mga nagbabasa.. Sa mga matiyagang nag-hihintay ng update... Sa mga walang sawang nag-vo-vote... At nag-co-comment.... Thank you very muchRest assured na naa-appreciate ko ang bawat comments niyo. And sorry if sometimes di ako nakaka-reply kasi naman phone lang ang gamit ko hirap akong mag-reply sa comment dito di gaya sa computer mismo.
And one more thing natutuwa ako sa mga nag-co-comment na nagba-back read daw sila pag wala pang update.... Nakakataba ng puso....
Avisala Eshma....
XOXO
Miss A.).........
◆Kabanata XXXIX◆
Sa Panaginip Lamang
◆◆◆◆◆◆◆
"Mira... Lira...nasaan kayo?" Mahinang pagtawag ni Pirena na pumasok sa imbakan ng pagkain ng Lireo.Mula sa likod ng malalaking sisidlan ng pagkain ay lumabas sila Lira at Mira agad silang lumapit kay Pirena.
"Nakuha po ba ninyo Ina?" Tanong ni Mira sa ina nakangiting tumango naman si Pirena at inilahad ang kamay kung nasaan ang ginintuang sisidlan.
"Hay Salamat... Thank You Ashti Pirena!" Tuwang-tuwa na sabi ni Lira.
Kinuha naman ni Mira ang ginintuang sisidlan kay Pirena.
"Mapapalaya na natin ang katotohanan Lira." Nakangiting sabi ni Mira sa pinsan."Sinasabi ko na nga ba kahit na burahin ko ang ala-ala mo ay isa ka pa ding taksil Pirena." Sambit ni Hagorn na nakasunod sa kanila sa imbakan ng pagkain ng Lireo.
"Ama... Binura ang ala-ala?.... Pashnea...!" Sambit ni Pirena.
"Mira kailangan na nating maka-alis! Ashti!" Sabi ni Lira na natatakot na sa pagdating ni Hagorn.
"Ssheda Lira di kayo makaka-alis ng buhay dito sa Lireo!...ibigay niyo sa akin ang ginintuang sisidlan!" Galit na turan ni Hagorn itinaas na ni Hagorn ang kanyang espada ngunit humarang si Pirena para maprotektahan ang anak at hadia.
Kanyang sinalag ang espada ni Hagorn
"Pashnea!" Galit na sigaw ni Hagorn sa anak."Di ako papayag na masaktan mo sila.... Mira... Lira...umalis na kayo!" Utos ni Pirena habang nakakaya niya pa ang pagsalag sa espada ni Hagorn.
"Ngunit ina di kita iiwan dito." Naiyak na sabi ni Mira.
"Wag nang matigas ang ulo mo Mira... Kailangan niyo na lang maka-alis! Ena-i!" Utos ni Pirena sa anak. Hinila naman ni Lira si Mira.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...