◆Kabanata LXVI◆
Sakripisyo
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Nagbalik muna sa Sapiro ang mga Sang'gre at natuwa sila ng malaman nila na naiabalik na ni Ybrahim si Amihan. Pupuntahan sana nila ang kapatid ng pigilan sila ni Ybrahim."Ybrahim bakit?" Tanong ni Danaya.
"Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga.....pagod na ang isipan at damdamin niya....kaya nais kong magpahinga muna ang aking reyna.....sa ngayon ay nais ko munang malaman ang naganap sa pinuntahan niyo." Sabi ni Ybrahim at saka sila nagpunta sa silid tanggapan ng Sapiro."Napag-alaman namin na isang nymfas ang may hawak kay Cassandra at pinangalanan niya itong Celestia." Sabi ni Alena. Napatango si Ybrahim
"Agape avi....ngunit nakatakas ang nymfas na ito...ngunit wag kang mag-alala iniwan muna namin si Aquil doon para magmasyad." Sabi ni Pirena sa kanya. Napatiim bagang si Ybrahim sa narinig.
"Wahid...." Tawag niya sa Mashna ng Sapiro na agad namang pumasok sa silid tanggapan.
"Mahal na Hari....." Sambit ni Wahid.
"Magsama ka ng mga kawal papunta sa bundok ng Yaesa at hanapin niyo ang nymfas na ito.....isama niyo na ding galugarin ang mga kalapit na bundok ng Yaesa." Utos ni Ybrahim saka naman yumukod si Wahid at lumabas. Paglabas nito ay siya namang pagpasok ni Arquim sa silid tanggapan."Ama.....nais kong sumama kay Wahid sa paghahanap sa aking apwe." Sambit nito.
"Ngunit Arquim...."
"Payagan niyo na ako ama....ito man lang magawa ko para sa aking apwe at para sa inyong dalawa ni Ina." Sambit ni Arquim sa kanya. Tumayo naman si Ybrahim at lumapit kay Arquim."Ang pagsuporta at paggabay mo pa lang sa iyong ina ay malaking tulong na anak." Sambit ni Ybrahim sa anak.
"Ngunit ama nais kong maipagmalaki niyo ako.....at nais kong maibalik ang aking kapatid dito maging buhay ko man ang kapalit." Sambit ni Arquim.
"Anak....di mo kailangan gawin yun pagkatandaan mo na kung ano man ang iyong mga pasya sa buhay lagi kaming nakasuporta ng iyong ina at lagi ka naming ipagmamalaki." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa anak saka niya ito niyakap."Avisala eshma ama." Nakangiting pagpapasalamat ni Arquim.
"Sige na baka maiwan ka pa nila Wahid." Nakangiting sabi ni Ybrahim. Nakangiting yumukod naman si Arquim saka ito naglakad palabas ng silid tanggapan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Bago umalis ng Sapiro ay dumaan muna si Arquim sa silid ng kaniyang magulang para makita si Amihan.
"Ina...." Mahinang pagtawag niya dito at nakita nyang nakahiga ito sa higaan at nakapikit waring nahihimbing ito. Marahang lumapit si Arquim sa ina at siya ay umupo sa silya sa tabi ng higaan saka nya hinawakan ang kamay ng ina ng marahang magmulat ito.
"Arquim....anak..." Sabi niya.
"Ina....maligaya ako at nagbalik na kayo." Nakangiting sabi ni Arquim saka hinaplos ni Amihan ang pisngi ng anak.
"Patawarin mo ako anak kung nagiging mahina ako...." Sambit ni Amihan na nagsisimulang maging emosyonal."Hindi kayo nagiging mahina ina.....hindi kahinaan ang nakikita ko sa'iyo kundi ang labis na pagmamahal mo sa aming mga anak mo." Nakangiting sabi ni Arquim saka pinahid ang luha ng ina.
"Avisala Eshma anak" saka hinalikan sa noo si Arquim.
"Sige ina...aalis na muna ako." Sambit ni Arquim saka ito tumayo.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...