◆Kabanata XXXVII◆
Ang Tulong
mula sa Devas
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
"Emre... Ako ay nabigla sa iyong pagbisita rito sa Etheria..." Ani Ether sa Bathalang Emre."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Ether?" Mariing tanong ng Bathala.
"Aking ginagawa? Pinahihirapan ko ang mga kinalulugdan mong mga diwata." Sambit ni Ether.
"Alam mong bilang isang Bathala ay di dapat tayo nakiki-alam sa desisyon ng mga engkantado." Paalala ni Emre.
"Wag mo akong pangaralan Emre... Sapagkat di na ako sakop ng iyong kapangyarihan... At di maglalaon ay ako na ang sasambahin ng lahat ng engkantado." Mapagmalaking sabi ni Ether.
"Hanggang ngayon ay palalo ka Ether.... Ngunit ito lamang ang sasabihin ko sa iyo... Ano man ang gawin mo sa mga engkantado... Alam kong sa kabutihan pa rin sila papanig...at darating ang araw na ikaw ay tuluyan ng maglalaho sa Encantadia." Sambit ni Emre saka ito naglaho.
"Tingnan natin Emre... Kung sa iyo pa din sila sumamba pagkatapos ng mga hirap na aking ipararanas sa kanila." Galit na turan ni Ether. At pinapangako niya sa kanyang sarili na sa pagkakataong ito ay mananalo siya laban kay Emre.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Umiisip pa rin ng paraan sila Mira at Lira kung paano malaman ang nangyayari sa Encantadia ng pumasok sa kanilang silid si Imaw."Mga mahal na Diwani sabi ng Dama ay ako daw ay inyong hinahanap?" Sambit nito pinaupo naman ito nila Lira at Mira.
"Imaw pwede mo bang ipakita mo sa amin ang mga nakaraang pangyayari dito sa Encantadia habang wala kami." Sambit ni Lira.
"Kung iyan ang nais mo Mahal na Diwani ay aking gagawin...aking tungkod ng balintataw ipakita sa mga diwani ang mga nakaraan pangyayari sa Encantadia." Sambit ni Imaw saka lumiwanag ang tungkod at ipinakita ang nais nilang nakita.
Mula sa pagpapatalsik ni Pirena sa ina hanggang sa pagkupkop ng kanyang ama dito... Nakita din nila ang pagkakamabutihan nila Ybrahim at Amihan na naudlot dahil sa pagdating ni Alena.
Sa pag-alis nila Alena at Ybrahim para hanapin si Kahlil na napaslang ni Hagorn at mula sa pag-alis na iyon, pagbalik nila ay kasal na sila....at iyon na nga ang naratnan nila. ..doon natapos ang balintataw ni Imaw.
"Nawa ay nasagot ng aking balintataw ang inyong mga katanungan mga Diwani." Sambit ni Imaw.
"Avisala Eshma... Imaw... Maaari na kayong magpahinga." Nakangiting sabi ni Mira.
"Walang anuman nga Diwani.... Maiwan ko na kayo." Sambit ni Imaw saka ito lumabas ng kanilang silid.
"Mira ibang iba ang pinakita ng balintataw ni Imaw... Nabago ang mga pangyayari..." Gulat at galit na sabi ni Lira sa pinsan.
"Tama ka Lira at kailangan nating alamin ang puno't dulo nito." Sambit ni Mira...
"Alam ko na kung saan natin mahahanap ang kasagutan Mira." Sambit ni Lira sa pinsan."Saan Lira?" Tanong ni Mira.
"Sa Mata... Kay Cassiopeia...siya ang makakatulong sa atin." Nakangiting sabi ni Lira. Napatango ang dalawa na animo ay nabuhayan ng loob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mahal na Hari... Ano't pinagmamasdan niyo ang maliit na ginintuan sisidlan na yaon?" Tanong ni Agane ng maabutan nito si Hagorn na tinitingnan ang ginintuang sisidlan.
"Agane.... Ako ay napapa-isip tila yata ang Bathalumang Ether ay di na sa atin pumapanig." Sambit ni Hagorn sa mashna de.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...