◆Kabanata XXVI◆
Encantasyon
◆◆◆◆◆◆◆
Nagising si Alena na nakagapos na ang kanyang mga kamay at nasa loob na siya ng isang piitan."Maligayang pagbabalik sa Lireo... Sang'gre Alena." Sambit ni Hagorn na ikinatakot ni Alena sapagkat alam niya na mas malakas na kahit kanino si Hagorn.
"Hagorn.... Pakawalan mo ako dito.... Si Kahlil, ang anak ko?" Galit na sabi ni Alena.
"Wag mong alalahanin ang iyong anak... Sapagkat nasa magandang kalagayan siya." Sambit ni Hagorn at saka ito naglakad palabas.
"Hagorn! Ang anak ko.... Pakawalan mo siya!" Pagmamaka-awa ni Alena ngunit nagbingi-bingihan si Hagorn at siya ay lumabas na nang piitan naiwan si Alena na desperadong makakalas sa kanyang pagkakagapos.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakangiting nakatingin si Amihan kayla Lira, Alexus at Pao-Pao na nagkakasiyahan sa itinurong laro ni Lira na tinatawag na pak ganern.Kung sana lang ay pwede na silang ganoon na lang lagi at masaya...pero may mga suliranin pa rin sa Encantadia na kailangan lutasin.
"Mahal na Hara.... Nakahanda na ang ating makakain... Halina na." Nakangiting sabi ni Muros sa kanya.
"Sige Muros susunod na kami." Nakangiting sabi ni Amihan at kanyang pinuntahan ang mga anak.
"Mga anak... Halina at kakain na tayo." Nakangiting sabi ni Amihan sa mga ito. Tumango naman sila at nauna na si Pao-Pao na tumakbo papuntang hapag."Si Pao-Pao talaga basta pagkain." Natatawang sabi ni Lira na ikinatawa ng Ina at kapatid. Ng nakarating sila sa hapag ay umupo na agad sila Lira at Alexus na nasa gitna si Pao-Pao samantalang inalalayan ni Ybrahim si Amihan para maka-upo saka ito umupo sa tabi ng Reyna.
Naka-upo na din sa hapag sila Imaw, Pirena, Mira at Anthony samantalang sa kabilang mesa naman sila Wantuk, Wahid, Alira at Muros. Kapansin-pansin naman ang pag-alalay ni Aquil kay Danaya para maka-upo na di nakaligtas sa mga mata ni Lira.
"Nay... May something ba sila Ashti Danaya at Aquil?" Tanong ni Lira sa ina na napatingin din sa tinutukoy ng anak.
"Sa aking sapantaha... Ay parehong may pagtingin sila sa isa't-isa... Ngunit marahil ay nahihiya silang aminin ito." Nakangiting sabi ni Amihan. Samantalang pinagbalat naman ni Aquil si Danaya ng prutas.
"Naku ako ang bahala diyan." Nakangiting sabi ni Lira.
"Lira ano na naman ang iyong binabalak?" Sabi ni Amihan sa anak na sadyang makulit."Basta Nay." Nakangiting sabi ni Lira sa Ina.
"Ano naman ang pinag-uusapan niyong mag-ina?" Nakangiting pagsabat ni Ybrahim kayla Amihan."May binabalak ang pilya mong anak sa kanyang ashti Danaya at kay Aquil." Nakangiting bulong ni Amihan kay Ybrahim na ikinatawa nila.
"Mahal na Sang'gre..." Sambit ng Dama kay Danaya.
"Dama... Nasaan sila Alena at Kahlil na ipinatawag ko sa iyo?" Nakangiting sabi ni Danaya."Ipagpaumanhin niyo mahal na sang'gre ngunit wala ang sang'gre Alena at ang kanyang anak sa kanilang silid." Sambit ng Dama. Kumunot naman ang noo ni Danaya sa narinig.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...