◆Kabanata XXVII◆ Sagupaan

2.8K 74 6
                                    

Kabanata XXVII
Sagupaan

◆◆◆◆◆◆◆


                Kanina pa napapansin ni Lira ang pagsulyap-sulyap ni Aquil kay Danaya na kanina pa kausap si Muros kaya naman di na niya natiis at tumabi siya kay Aquil.

            "Aquil kanina ka pa nakatingin kay Ashti Danaya ah." Nakangiting sabi niya.

            "Ako... Hindi naman." Sambit ni Aquil.  Napatango naman si Lira.

           "Alam mo Aquil alam ko naman kung ano ang nararamdaman ng puso mo eh." Nakangiting sabi ni Lira sa Mashna.

             "Anong nararamdaman ang sinasabi mo Diwani?" Tanong ni Aquil.
             "Na may gusto ka kay Ashti Danaya." Nakangiting sabi ni Lira na-alarma at napalingon lingon naman si Aquil sa pangambang may nakarinig kay Lira.

             "Mahal na Diwani.... Ano ba ang iyong mga sinasabi?" Natatawang sabi ni Aquil ngunit sa isip niya ay nagtatanong kung paano nalaman ni Lira ang kanyang nararamdaman.

              "Naku Aquil wag ka nang mag-deny.... Sabihin mo na kasi kay Ashti.... Ganito na lang ang sabihin mo.... " nakangiting sabi ni Lira samantalang naghihintay naman si Aquil sa sasabihin ng Diwani.

             "Sabihin mo sa kanya 'I love you' " nakangiting sabi ni Lira.
             "I love you? Ano ang ibig sabihin nun?" Tanong ni Aquil.
              "Ang ibig sabihin nun ay mahal na mahal kita...." Nakangiting sabi ni Lira. Napangiti at napatango naman si Aquil sa sinambit ng anak ng Reyna.

                 "Sige na sabihin mo na sa kanya." Nakangiting sabi ni Lira at tamang tama naman na naglalakad si Danaya papunta sa direksyon nila. Agad na tumayo si Aquil sa upuan at sinalubong si Danaya.

             "May nais lamang akong sabihin Sang'gre Danaya..." Sambit nito
            "Ano yun Aquil?" Tanong ni Danaya na medyo mainit pa ang ulo ng makita kanina na nag-uusap ng sarinlan sila Aquil at Alira Naswen.

            "I love you..." Sabi ni Aquil nanlaki naman ang mata ni Danaya sa sinabi ni Aquil sa kanya.

          "Aquil....kanina ka pa hah.... Pwes I Love you!  I love you!  I love you!" Inis na sabi ni Danaya saka iniwan si Aquil na nagtataka man ay natuwa na sinabihan din siya ni Danaya ng 'I love you' saka ito umalis.

            Di naman alam ni Lira kung matatawa o kikiligin kayla Aquil at ashti Danaya niya.  Sinabi niya kasi kay Danaya na sa mundo ng tao ang ibig sabihin ng 'I love you' ay naiinis ako sayo.

                "Alam ko ang ginawa mo." Sabi ni Wahid na nasa likod niya.
              "Ikaw na naman pwede ba....tigilan mo ako." Inis na sabi ni Lira. Ng makita na palapit sa kanila sila Mira at Anthony

              "Ano't mukang mainit ang ulo ni Ashti Danaya? " tanong ni Mira kay Lira.

             "Ah wala yun alam mo naman yang si Ashti masungit kung minsan."  Nakangiting sabi ni Lira sa Pinsan. Tumango naman si Mira sa rason ng pinsan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Napailing si Cassiopeia sa kanyang nakikita sa kanyang mahiwagang kawa.

              "Isang digmaan ang magaganap.... Bathalang Emre Nawa'y mapagtagumpayan ng mga sang'gre ito.... Kahit na sa isang kamatayan ang kahahantungan ng lahat ng ito...." Sambit niya habang nakikita sa kanyang 'mata' ang mangyayaring digmaan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Kanina pa nakatingin sa labas ng bintana si Amihan kanyang hinihintay ang pagbabalik ni Ybrahim ng malamig at nakaliligalig na hangin ang sa kanya'y nagparamdam... Ito ay may binubulong.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon