◆Kabanata LXV◆
Nymfas
◆
◆◆◆◆◆◆◆◆
"Reyna Lira..... Di pa pala kayo nagbabalik sa Lireo." Sabi ni Wahid ng makita niya sa azotea ng Sapiro ang reyna ng Lireo lumingon ito sa kanya."Hindi din naman ako matatahimik Wahid hangga't di ko nalalaman ang nangyayari sa kapatid ko at ina." Malungkot na turan ni Lira.
"Ako ay naniniwala na babalik ng tagumpay dito sa Lireo ang iyong ama na kasama ang iyong apwe at ina" pampalubag loob ng mashna ng Sapiro sa Reyna ng Lireo.
"Sana ngaay tama ka Wahid pagkat gusto ko na muling manaig ang kapayapaan dito sa atin." Turan ni Lira. Marahan namang hinawakan ni Wahid ang mga kamay ng nababagabag na reyna.
"Manalig ka Mahal na Reyna na mananaig din muli ang kapayapaan sa Encantadia......at lagi mong asahan na sa bawat hakbang mo para makuha muli ito ay kasama mo ako." Sambit ni Wahid sa napangiting si Lira.
"Sadyang di nagkamali ang aking amang gawing kang mashna....ang laki na ng ponagbago mo." Nakangiting sabi ni Lira.
"Mga pagbabago ng dahil sayo." Nakangiting sabi nito kay Lira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Danaya.... Nalibot na natin ang bundok na ito ngunit wala naman ang reyna Amihan at ang Diwani Cassandra." Sambit ni Aquil Sang'gre. Habang naglalakad sila pababa ng bundok Yaesa.
"Alam ko Aquil ngunit ayaw kong tumigil hangga't di ko nakikita sila Amihan....pagkat di nila karapat-dapat sa suliranin na ito." Malungkot na turan ni Danaya sa kabiyak. Malungkot din na tumango si Aquil ng may marinig silang mga yabag.
"May nilalang ba rito?" Sigaw ni Aquil.
At mula sa isang malaking puno ay lumabas ang isang Nymfas."Avisala mga Diwata." Sambit nito at yumukod.
"Avisala di ko alam na may mga Nymfas pala sa bundok Yaesa....ano ang ngalan mo?" Tanong ni Danaya."Matagal na kaming naninirahan sa paanan ng bundok ng Yaesa.....ang ngalan ko ay Helgad." Sambit ng Nymfas. Tumango naman si Danaya.
"Mayroon lamang akong nais itanong sa iyo" sambit ni Danaya kay Helgad.
"Ano iyon Diwata?" Tanong ni Helgad
"May damang sapiryan na may dalang sanggol ba na napadpad dito?" Tanong ni Danaya
"Walang ganoon na nagagawi dito....agape avi kung di ako makakatulong sa inyo." Sambit ni Helgad."Wag mong isipin iyon.....sige aalis na kami nawa ay pagpalain pa kayo ng Bathalang Emre dito." Nakangiting sabi ni Danaya saka humawak sa kanya si Aquil at sila ay nag-evictus.
Ng mawala na ang mga diwata ay may naisip si Helgad.
"Sanggol?......di kaya si Celestia ang kanilang tinutukoy?" Tanong ni Helgad sa sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
..
.
.
.
.
Pagdating sa silid tanggapan ng Sapiro ay nakita ni Danaya at Aquil na nandoon na din sila Alena at Pirena at sa wari nila ay mga bigo din ang mga ito na makita ang kanilang apwe at hadia."Danaya nandito ka na pala." Sambit ni Alena na sinalubong si Danaya.
"Sa wari ko ay di din kayo nagtagumpay na makita sila Amihan at Cassandra." Sabi ni Pirena.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...