◆Kabanata VI ◆ Si Amihan at Alena

3.6K 72 12
                                    

Kabanata VI
Si Amihan at Alena

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


"Avisala mahal kong kapatid." Nakangiting sabi ni Pirena. Naningkit naman ang mata ni Alena sa galit.

"Ano't may gana ka pang makipag-kita sa akin? " galit na sabi ni Alena sa nakatatandang kapatid ngunit ito'y ipinagsawalang-bahala ni Pirena.....na animo'y may hinahanap.

"Tila yata di ko nakikita ang mandirigmang iyong iniibig?" Tanong ni Pirena.
"Siya ay nagtungo sa aking hara para sabihin na ako ay buhay pa at di patay gaya ng iyong pinalabas sa kanila." Galit na turan ni Alena. Marahang napatawa si Pirena.

"Tila yata nalinlang kang muli ng minamahal mong hara at mandirigma." anito.
"Di ko alam ang iyong mga sinasambit Pirena! Wag mo na ngang bilugin pa ang aking ulo ito ay wala nang epekto sa akin." Turan ng nakababatang sang'gre
"Ang nais ko lamang sabihin ay ang bawal na relasyon nila Amihan at ni Ybarro----" di na naituloy ni Pirena ang kanyang sinasabi ng hawakan siya ng mahigpit sa leeg ni Alena

"Pashnea! Ano bang paninira yan Pirena!" Sigaw ni Alena.
"D-di ako nagsisinungaling" ani Pirena. Binitawan naman ni Alena ang leeg nito.

"Umalis ka na Pirena..
Kailanman ay di na ako maniniwala sa iyo!" Galit na sabi ni Alena.

"Balang araw pag nabunyag na sa iyo ang lahat alam kong pasasalamatan mo din ako Alena." Sambit ni Pirena at siya ay umalis na

Hindi naman natahimik si Alena sa sinabi ni Pirena. Nais niyang malaman ang totoo.

"Alena... Maghanda ka na tayo ay aalis na." Napalingon na si Alena kay Ybarro na kadarating lang. Lumapit si Ybarro kay Alena.

"Ano't ganyan ang iyong mukha... May problema ba?" Tanong ni Ybarro
"May nais lamang akong malaman Ybarro... May naging ugnayan ba kayo ng aking Hara?" Tanong nito. Marahang nabigla si Ybarro sa sinambit ni Alena.

"W-wala... Wala." Sabi ni Ybarro. Yumakap naman si Alena kay Ybarro.

"Nakakahiya ang aking naitanong sa'yo.... Hayy... Tara na at pumunta na tayo sa kuta niyo ng aking nang makita si Amihan." Nakangiting tumingala si Alena kay Ybarro. Tumango naman si Ybarro at sila ay lumabas na ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nasa loob ng kanyang kubol ay nararamdaman na ni Amihan ang nalalapit na paglabas ng kanyang arksha mula sa kanyang sinapupunan.

Marahang inilabas ni Amihan ang brilyante ng hangin.

"Brilyante ng Hangin dinggin ang aking samo.... Pabagalin mo ang paglaki ng aking anak sa aking sinapupunan..... Di pa ito ang tamang panahon na siya ay lumabas..... Nagsusumamo ako sayo na gawin ang aking utos." Hiling ni Amihan sa Brilyante ng Hangin... At unti-unti ay nawawala ang sakit ng kanyang sinapupunan hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

"Agape avi Anak....ngunit di pa ito ang panahon para masilayan mo ang encantadia." Mahinang bulong ni Amihan at kanyang tinago na muli ang brilyante ng Hangin sakto naman na pumapasok ang damang si Aisha para siya ay bigyan ng makakain.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Aisha... Nahihimbing pa ba ang Reyna?" Tanong ni Muros sa dama na lumabas mula sa kubol ng reyna.

"Gising na ang reyna ngunit siya ay nagpapahinga at ayaw magpagambala." Sabi ni Aisha at nagpasintabing umalis.

"Mukang masama ang pakiramdam ng Reyna." Komento ni Aquil.

"Mga kasama mayroong akong magandang surpresa para sa inyo." Nakangiting sabi ni Ybarro na kararating lamang napatingin naman ang lahat sa kanya.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon