◆Kabanata LVI◆ Ang Simula ng Katapusan

2.4K 58 11
                                    

Kabanata LVI
Ang Simula ng Katapusan

◆◆◆◆◆◆◆◆


             Kanina pa hinahanap ni Amihan ang anak niyang si Arquim at nakita niya ito sa hardin ng Lireo. Hiniling niya kasi kay Ybrahim na sa Lireo muna manirahan si Arquim.

            "Anak...." Pagtawag niya saka siya umupo sa tabi nito. Para namang nahihiyang tumingin si Arquim sa kanya.

           "Ina... Patawarin niyo po ako sa aking nagawa." May luha sa mata ni Arquim na pinahid ni Amihan.

           "Anak ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang kasalanan.... Di mo hawak ang pag-iisip mo noon... At di kita sinisisi...anak... Mahal na mahal kita." Sabi ni Amihan at niyakap ang anak ng mahigpit.

           "Salamat ina... Salamat." Sabi ni Arquim na animo bata na umiiyak sa balikat ng ina. Napaluha din si Amihan kung sana lang ay matatanggal niya ang ganitong pakiramdam ng anak... Gagawin niya ng maluwag sa loob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Ng makita ni Ybrahim na nag-iisa si Castiel sa silid aklatan ng Sapiro. Agad niyang tinungo ito... May nais kasi talaga siyang malaman ukol sa pinagmulan ng encantado na ito.

           "Castiel... Maaari ba kitang makausap?" Tanong ni Ybrahim. Humarap naman si Castiel sa kanya.

            "Maaari po....ano po ba iyon Mahal na Prinsipe?" Tanong ni Castiel.

           "Sino ba ang iyong Ama?" Di na nagpaligoy-ligoy pang sabi ni Ybrahim. Para namang kinabahan si Castiel at di makatingin kay Ybrahim.

          "Wag ka nang mag-sinungaling.... Nararamdaman ko na kilala mo talaga kung sino ang ama mo" sambit niya dito. Napahinga naman ng malalim si Castiel.

          "Mahal na Prinsipe patawarin niyo po ako kung nagsinungaling ako ukol sa aking ama.... Ayoko lamang na ako ay ipagtabuyan niyo pag nalaman niyo kung sino siya." Sambit ni Castiel. Napatango naman si Ybrahim.

          "Si Asval po ang aking ama." Mahinang sabi ni Castiel na parang kinahihiya ang ama. Di naman naitago ni Ybrahim ang pagkagulat. Ngunit sabi nga nila di naman kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang.

           "Castiel.... Nakikita ko na iba ka sa iyong ama.... Kaya di ako nagagalit sayo.... Sana lang ay di mo tularan ang mga pagkakali niya." Sabi niya rito. Napangiti naman si Castiel.

          "Avisala Eshma Rehav... Asahan niyo na magiging tapat ako sa inyo." Sabi ni Castiel at saka yumukod kay Ybrahim. Hinawakan naman ni Ybrahim ang balikat ni Castiel.

            "Avisala Eshma sa katapatan mo Castiel....sige na at pupunta pa tayo ng Lireo...maghanda ka na." Nakangiting sabi ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                 Gamit ang evictus ay nakapunta na sila Pirena at Danaya sa Hathoria ngunit ang ikipinagtaka nila ay walang ni isang hathor sa loob nito.

           "Pashnea... Nasaan sila?" Ang tanong ni Pirena.
          "Hindi ko alam Pirena ngunit nakakaramdam ako ng masama ngayong wala sila Hagorn sa Hathoria." Sambit naman ni Danaya.

           "Sa tingin ko ay marapat na nating iulat kay Amihan ang nakita natin dito... At sa wari ko din ah hindi dito tinatago ni Hagorn ang aking anak." Sabi ni Pirena saka sila lumabas ng Hathoria at nakita nila sa di kalayuan ang pulutong ng mga Hathor.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon