◆Kabanata XVII◆
Pagsagip sa Anak
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Napangiti si Amihan habang tinitingnan si Alexus. Ang kanyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito saka siya lalabas na sana ng magising ito."Inang Reyna.... Saan po kayo tutungo?" Tanong niya at umupo sa higaan.
"Agape avi kung nagising ka anak... Ako'y aalis lamang para hanapin ang iyong apwe." Nakangiting sabi niya sa anak niya."Kung gayon ay sasama ako." Sabi niya at kukuhanin ang kanyang espada ng pigilan siya ni Amihan.
"Mananatili ka dito Alexus... Kami na lang ng iyong Menantre Lakan ang maghahanap sa iyong apwe." Sabi ni Amihan."Bakit hindi si Ama ang iyong kasama?" Tanong ni Alexus. Napahinga ng malalim si Amihan.
"Pagkat ang iyong ama ay kasama ng iyong ashti Alena at kanilang tinuturuan si Kahlil ng mga bagay na nararapat niyang malaman ukol dito sa Encantadia." Pagpapa-intindi ni Amihan sa anak."Kung gayo'y di kami ganoon kahalaga sa kanya katulad ni Kahlil." May pagdaramdam na sabi ni Alexus sa ina. Di naman malaman ni Amihan kung paano pagagaanin ang kalooban ng anak.
"Anak Alexus.... Tingnan mo ako." Sabi ni Amihan at hinawakan ang kamay ng anak.
"Tandaan mo ang sasabihin ko, mahalaga kayo sa inyong ama... At naniniwala ako na pantay-pantay ang pagmamahal niya sa inyo.... Kaya wag kang magdamdam." Nakangiting sabi ni Amihan at kanyang hinalikan ang noo ng anak."Kung may kailangan ka lumapit ka lamang sa iyong Ashti Danaya." Nakangiting sabi ni Amihan ng pumasok si Pao-pao.
"Ate Amihan maaari ba kaming mag-laro ni kuya Alexus? " tanong ni Pao-pao kay Amihan.
"Oo Pao-pao.... Aliwin mo ang aking anak." Nakangiting sabi ni Amihan at saka siya lumabas na.
Para lang mapangiti ng mapait ng makita na magkasama sila Alena, Ybrahim at Kahlil na gaya ng isang buong pamilya.
"Mahal na Hara... Tayo na." Sabi ni Lakan na lumapit sa kanya.
"Alam mo na ba ang ating patutunguhan?." Sabi ni Amihan. Na narinig ni Ybrahim kaya siya ay lumingon sa dalawa.
"Alam ko na Mahal na Hara pagkat naipahanap ko na sa mga kaibigan kong ibon ang kuta ng Adhara na ito." Sagot ni Lakan.
"Kung gayo'y tayo na." Sabi ni Amihan at nilingon ng bahagya si Ybrahim
Nakita ni Amihan na nais ni Ybrahim na lumapit sa kanya ngunit pinili nitong hindi na lang. Humawak sa balikat niya si Lakan at saka sila naglaho.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakatitig sa labas ng Lireo habang nainom ng alak si Pirena ng maunigan niya ang pagpasok ng kanyang Amang si Hagorn. Lumingon siya dito."Ama... Ano't naparito kayo?" Sabi niya.
"May nais lamang akong makita Pirena." Sabi nito. Kinabahan naman si Pirena sa tinuran ni Hagorn."At ano ang nais mong makita Ama?" Sabi ni Pirena.
"Ang iyong palad Pirena... Ipakita mo ang iyong palad mo." Sabi ni Hagorn.
Mas lalong kinabahan si Pirena dahil alam niyang nakita ni Hagorn na nasugatan nito si 'Agane' ng 'traydurin' siya nito. Inalis ni Hagorn ang kanyang guwantes. At tiningnan ang kanyang kamay na may sugat mula sa espada nito.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...