◆Kabanata XLII ◆ Ang Pagpaplano

3.2K 73 29
                                    

Kabanata XLII
Ang Pagpaplano

◆◆◆◆◆◆◆


             Di makatingin ng diretso si Alena Kayla Amihan at Ybrahim habang siya ay nasa piitan ng Sapiro. Nahuli siya ng mga mandirigma sa kuta ni Apitong na nagmamasid.

            Galit man si Amihan ay di niya nilapitan si Alena ng mahuli ito ng mga mandirigma at ng makabalik sila sa Dakilang Moog ay ipinadala niya agad ito sa piitan.

              "Isang malaking kasalanan ang nagawa mo... Kasalana na maaaring naglagay sa buong Encantadia sa kapahamakan... At mukang di mo ito pinagsisisihan...." Sambit ni Amihan di naman tumutugon si Alena at tuwid lang itong nakatingin kay Ybrahim na animo ay humihingi ng tulong.

           Inilabas ni Amihan ang kanyang brilyante ng hanggin.
              "Makapangyarihang Brilyante ng Hanggin... Aking sinasamo ang iyong kapangyarihan.... Bigyang katuparan ang enkantasyon na aking babangitin." Sambit ni Amihan
         Napatingin naman dito sila Alena at Ybrahim iniisip kung ano ang gagawin ni Amihan.

          "Mula sa sandaling ito... Di na makalalabas ng piitan na ito si Alena ng walang pahintulot ko. Maari siyang dalawin sa loob ngunit di siya kailanman makakaalis dito." Sambit ni Amihan. At mula sa brilyante ay lumabas ang hangin na animo ay bumalot sa buong piitan.

            "Pashnea! Amihan di mo magagawa sa akin ito!" Sigaw ni Alena at pinilit niyang makalabas ngunit tumilapon lang siya pabalik sa loob ng piitan.

             "Mananatili ka diyan hangga't di mo napagtatanto ang kamalian na nagawa mo." Matatag na sabi ni Amihan saka siya umalis ng piitan.

            Napalingon siya ng di sumunod sa kanya si Ybrahim. Ngunit nakatingin pa rin ito kay Alena. Napailing na lang si Amihan saka siya naglakad palayo.

             "Ybarro tulungan mo akong maka-alis dito" sambit ni Alena kay Ybrahim.
            "Alam mong walang nakakabali sa enkantasyon na binigay ni Amihan lalo na at gamit niya ang brilyante ng hangin... At isa pa Alena kailangan mo talagang pagsisihan ang lahat." Sambit ni Ybrahim saka niya iniwan si Alena na umiiyak.

            "Nagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal ko sayo.... Dahil sa pagmamahal ko sayo." Umiiyak na sabi ni Alena habang nag-iisa sa piitan ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Nakangiting nakatingin si Amihan sa kanyang mga anak na sila Lira, Alexus, Arquim at Amara kasama si Pao-Pao. Kasama din nila sila Mira at Kahlil na nagkekwentuhan sa hardin na may kasamang pagkain. Picnic daw ang tawag doon sabi ni Lira na siyang pasimuno.

            "Napakasaya nilang pagmasdan di ba Amihan?" Nakangiting tanong ni Pirena sa kanya. Kasunod nito si Danaya na may lungkot sa muka.

          "Siyang tunay Pirena... Danaya ano at malungkot ang iyong muka?" Sabi niya pagbalin sa nakababatang kapatid.

           "Naaawa lamang ako kay Alena... Masyado ng kinain ng selos at galit ang kanyang puso." Malungkot na turan ni Danaya.

          "Aking pinagdarasal na lamang kay Emre na sana ay maliwanagan din si Alena gaya ng nangyari sa akin." Sagot naman ni Pirena.

           Di naman na nag-komento si Amihan pagkat ganun din naman ang kanyang nais. Masakit sa kanyang parusahan si Alena lalo na at siya ang pinakamalapit niyang kapatid... Ngunit kung di niya ito gagawin baka lalo pang makagawa si Alena ng mga bagay na ikasasama ng lahat.... Na alam naman niyang sa kaibuturan ng puso nito ay ayaw nitong gawin.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon