◆Kabanata LXI◆

2.3K 60 55
                                    

(Author's note: Surprise! Hahahaha..... This is just a special chapter lang hahaha....
🎆🎆🎆Happy New Year 🎆🎆🎆)

Kabanata LXI
Ang Bagong Liwanag ng
Sapiro

◆◆◆◆◆◆◆◆


Makalipas ang maraming taon....

    
          "Haring Ybrahim..." Yumukod sila Wahid at Wantuk ng dumating si Ybrahim. Nakangiting tumango si Ybrahim at siya ay napatingin sa malaking sisakyang panghihimpawid. Sakay nito ang mga encantado na magtatanghal para sa pagdiriwang na magaganap.

            "Handa na ba sila?" Tanong ni Ybrahim sa dalawang kaibigan.
           "Oo naman Haring Ybrahim.... At ang daming magagandang encantada sa loob." Nakangiting sabi ni Wantuk sa kanya

          "Ikaw talaga Wantuk.... Kaya walang tumatagal sa iyo napaka-palikero mo." Sambit ni Wahid dito na ikinatawa ni Ybrahim.

           "Mabuti nang ganoon kesa naman sayo na hanggang ngayon ay naghihintay kay----" di na naituloy ni Wantuk ang sasabihin ng batukan ito ni Wahid.

          "Manahimik ka." Sambit ni Wahid dito na ikinatawa ni Ybrahim.

         "Mukang di pa din nagbabago ang dalawang ito." Sambit ni Pirena na kararating lamang kasama sila Danaya, Aquil, Hitano at Alena.

          "May mga bagay na mahirap baguhin Sang'gre Pirena.... Avisala sa inyo." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa mga ito. Tumango naman sila.

           "Nasaan ang mga nakababatang sang'gre?" Tanong ni Ybrahim.
           "Nauna na sila dito... Marahil ay kasama na naman nila Arquim at Amara ang mga iyon." Nakangiting sabi ni Alena. Tumango naman si Ybrahim

          "Pero ang nais namin makita ay ang kapatid naming reyna at ang bagong sanggol ng Sapiro." Nakangiting sabi ni Danaya na sinang-ayunan ng mga panauhin. Napangiti naman si Ybrahim ng maalala ang bagong silang na anak nila ng kanyang reynang si Amihan.

           "Akin siyang pupuntahan at sisilipin kung handa na pansamantala ay maghintay muna kayo sa bulwagan." Nakangiting sabi ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Nakangiting pinagmamasdan ni Reyna Amihan ng Sapiro ang kanyang bagong silang na sanggol.... Si Cassandra....na ang ibig sabihin ay 'liwanag magpakailanman'.

          Di malilirip ng kahit na sino man ang sayang nararamdaman ni Amihan ngayong biniyayaan muli sila ni Emre ng anak.... Isang anak na di nila inaasahan.

         Isang prinsesa na nagbibigay bagong liwanag sa Sapiro. Kanyang marahang hinagkan ang noo ng anak ng maramdaman niya ang pagyakap sa kanya mula sa likuran.

          "Nandito na ang iyong mga apwe." Bulong ni Ybrahim sa kanya at marahan hinaplos ang noo ng anak nila.

          "Handa na silang makita ang ating prinsesa." Nakangiting sabi ni Ybrahim ng humarap siya dito.

          "Handa na din akong ipakilala sa kanila si Cassandra." Nakangiting sabi ni Amihan. Marahan namang pinasa niya ang anak sa mga bisig ng kabiyak na hari.

         "Hay, Cassandra di mo alam kung anong ligaya ang dala mo sa amin ng iyong ina." Nakangiting sabi ni Ybrahim. Napangiting napatango si Amihan pagkat madalas ay sila na lamang ni Ybrahim ang nasa Dakilang Moog ng Sapiro.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon