◆Kabanata LIX◆ Ang Kaganapan ng Isang Wagas na Pag-ibig

2.6K 84 33
                                    

Kabanata LIX
Ang Kaganapan ng
Isang Wagas na Pag-ibig

◆◆◆◆◆◆◆◆


             "Ibig sabihin Amihan inalok ka na ni Ybrahim ng kasal?" Nakangiting sabi ni Danaya habang nasa silid sila nito dahil sa kasisilang pa lamang nito sa una nitong anak,na may napakagandang pangalan na ang ibig sabihin ay bulaklak ni Emre..... Si Diantha....

          "Di na niya ako kailangan alukin sapagkat..." Napatigil si Amihan sa kanyang sinasabi at napatingin kay Alena.

         "Ituloy mo lamang Amihan.... Wala na akong hinanakit at isa pa ay binigyan ko ng pagkakataon si Hitano... Nagbago naman na siya." Nakangiting sabi ni Alena sa kanya napatango naman si Amihan

          "Di na niya ako kailangan alukin sapagkat.... Patawad mga kapatid ngunit lihim na kaming nag-isang dibdib kay Cassiopeia at Evades." Pag-amin ni Amihan sa kanyang mga apwe di naman naitago ng tatlo ang saya nila lalo na si Pirena.

            "Sabi ko na nga ba nung bumalik kayo galing sa isang gabi ng pagsasarili ay may naganap na di namin alam." Nakangiting sabi ni Pirena. Tawa naman ng tawa si Amihan sa kanyang mga kapatid.

            "Kaya nga wala nang dahilan pa para mag-isang dibdib kami muli ni Ybrahim." Natatawang sabi ni Amihan. Bigla namang tumayo si Pirena.

          "Hindi Amihan... Sa dami ng pinagdaanan mo at nyo ni Ybrahim kailangan may kasalang maganap.... Kailangan makita ng buong Encantadia ang kaganapan ng inyong pagmamahalan ni Ybrahim." Nakangiting sabi ni Pirena. Napangiti naman si Amihan at siya ay niyakap ng kanyang mga apwe na tuwang tuwa para sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Dahil sa kagustuhan ni Pirena ay pinilano ng lahat mula sa Lireo at Sapiro ang nalalapit na kasal ng dalawa.

          Tuwang tuwa naman sila Lira, Arquim at Amara ng malaman na muling mag-iisang dibdib sila Amihan at Ybrahim. Bawat sulok naman ng Encantadia ay pinadalhan ng imbitasyon ng Sapiro para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa. Maging sila Mira, Anthony at Pao-Pao ay muling bumalik sa Encantadia para sa napakahalagang okasyon na ito.

          At di naglaon ay dumating ang pinananabikang araw ng dalawang magsi-irog. Ang kanilang pag-iisang dibdib at ang kanilang koronasyon bilang bagong Hari at Reyna ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

          Kasama naman ni Amihan ang kanyang mga apwe sa kanyang silid sa Lireo habang siya ay inaayusan.

          "Masayang masaya ako para sa inyo ni Ybrahim... Amihan." Nakangiting sabi ni Alena habang nakatingin silang dalawa ni Amihan sa salamin at kanyang inilagay sa buhok ni Amihan ang pinaka-magandang puting tela na nahabi ng mga adjantao. Maging ang puti at asul na kasuotang pangkasal ni Amihan ay ang mga mananahi ng adjantao ang naghandog.

            "Alena, Avisala eshma...." Nakangiting sabi ni Amihan sa kapatid.
           "Amihan... Tanging hiling ko lamang para sa inyo ni Ybrahim ay masagana at mapagpalang buhay mag-asawa." Nakangiting sabi ni Alena at hinalikan si Amihan sa pisngi.

          Nakangiti naman na nakatingin sila Danaya at Pirena sa mga kapatid

         "Maging kami ni Pirena ay ganoon ang hiling para sayo." Nakangiting sabi ni Danaya sa kapatid.

          "Avisala Eshma aking mga apwe." Nakangiting sabi ni Amihan sa mga kapatid. Ng biglang sumakit ang kamay ni Pirena at isang marka ng pagdadalang diwata ang lumabas sa kanyang palad.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon