◆Kabanata XIII◆ Ang mga Nangungulilang Puso

3.4K 75 15
                                    

Kabanata XIII◆
Ang mga Nangungulilang
Puso

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


            Habang nagsasanay si Kahlil ng pakikipaglaban kasama ang mga kawal ay di maalis ni Pirena ang tingin sa kanya. Pagkat kanyang naaalala ang kanyang sariling anak na si Mira.

            Ayon kay Gurna ay mas pinili ni Mira na manatili sa mundo ng mga tao ng maka-iwas sa kanya. Di alam ni Mira kung gaano kasakit sa kanya ang ginawa nitong pagpili sa mundo ng tao kaysa ang makasama siya.

             Marahang pinahid ni Pirena ang kanyang luha na naglandas sa kanyang pisngi.

            "Ssheda.... Makakaalis na kayo mga kawal.... Tapos na ang pagsasanay ni Kahlil." Sabi niya at saka tumigil ang mga kawal at si Kahlil sa pagsasanay at umalis na ang mga kawal pagkatapos yumukod sa kanya.

            Agad naman na nilapitan ni Pirena ang hadia.

           "Ako si Kahlil.... Anak ni Pirena.." Nakangiting sabi niya. Napangiti si Pirena

           "Tama ikaw si Kahlil.... Anak ko." Sabi niya at hinaplos ang muka ng anak ni Alena.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                "Ybarro... Wag ka ng malumbay sa di natin pagkakita sa mga anak mo.... Malay mo bukas sa paghahanap natin ay makita natin ang iyong mga anak." Sabi ni Wantuk kay Ybarro. Bigo silang bumalik sa kanilang kuta ni anino ng mga anak ay di nila nakita...

             Nanatili naman si Lakan sa kuta nila para mas makatulong pa sa kanilang paghahanap bukas dahil nga siya ang nakaka-alam sa wangis ni Alexus.  Napahinga ng malalim si Ybarro at tiningnan ang paligid niya.

              Seryosong nag-uusap sila Aquil, Muros at Lakan. Samantalang nagpapahinga na sina Danaya, Pao-pao at Imaw.... Napansin ni Ybarro na wala si Amihan. Agad na tumayo si Ybarro at sinilip ang kubol ng Reyna ngunit wala ito doon agad na binalutan ng takot ang puso ni Ybarro... Paano kung ito ay umalis na naman?

              Agad na lumapit kay Wantuk si Ybarro.
             "Wantuk nakita mo ba si Amihan?" Tanong niya dito
            "Hindi ko pa nakikita ang reyna mula ng bumalik tayo." Sagot ni Wantuk. Napa-iling si Ybarro mukang natakasan sila ni Amihan. Ngayon ay alam na niya kung kanino nagmana ang mga anak niya.

                Agad na kinuha ni Ybarro ang kanyang espada at madaling naglakad palabas ng kanilang kuta para hanapin si Amihan ngunit bago siya nakaals ay nakakita siya ng liwanag ng sulo sa may di kalayuan.

             Agad na pinuntahan ito ni Ybarro at nakita niya na nandito si Amihan. Nag-aalay ng dasal kay Bathalang Emre.

              Inilapag ni Amihan sa malaking bato na may dalawang sulo ang mga prutas at bulaklak. Kanya sanang lalapitan ang reyna ng marinig niya ang pag-hikbi nito..... Tila yata naluha si Amihan.

              "Bathalang Emre.... Ako'y nagsusumamo sa iyo.... Ibalik po ninyo sa akin ang aking mga anak.....ibalik niyo na po sa akin sila Lira at Alexus......pagkat ako ay sobra ng nangungulila..... Parang awa na ninyo Bathalang Emre." At tuluyan ng napaluha si Amihan sa sobrang pangulila na nararamdaman.

           Nakaramdam ng kirot si Ybarro sa kanyang puso sa mga sinambit ni Amihan. Kung sana lang ay kaya niyang hanapin ang mga anak agad-agad... Gagawin na niya wag lang makita ang pag-iyak ni Amihan.

            Sobrang pangulila na ang nararamdaman ni Amihan para sa kanyang mga anak kaya di na niya napigilan ang umiyak ng umiyak. Nabigla naman siya ng may yumakap sa kanya mula sa likod.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon