◆Kabanata LII◆
Prosunteo
◆◆◆◆◆◆◆
Agad na hinawakan ni Ybrahim ang Erra'Ordin at humarap sa likuran niya ngunit nagulat siya kung sino ang nagmamasid sa likuran niya."A-Amihan...." Gulat na sabi niya. Nakangiting lumapit si Amihan sa kanya.
"Ybrahim..." Nakangiting sabi ni Amihan. Niyakap ni Ybrahim ang Reyna.
"Di mo alam kung gaano mo ako pinag-alala Amihan... Saan ka ba nangaling?" Sambit ni Ybrahim na may himig ng pag-aalala sa minamahal.
"Di na mahalaga iyon Ybrahim, nandito naman na ako." Nakangiting sabi ni Amihan sa kanya.
Di naman maitago ni Ybrahim ang kaligayahan na makita na muli si Amihan.
"Tiyak kong matutuwa ang iyong mga kapatid lalo na ang ating mga anak sa pagbabalik mo." Nakangiting sabi ni Ybrahim kay Amihan.
"Ako din natutuwa ako at makakabalik ako ng Lireo." Nakangiting sabi ni Amihan.
"Kung gayon ay tayo na." Nakangiting sabi ni Ybrahim saka sila naglakad ni Amihan pabalik ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Lira ano ba ang ginagawa natin dito sa Hathoria?" Tanong ni Mira sa pinsan samantalang nasa likod nila si Amara."Titiyakin lamang natin kung totoo ang sinabi ni Hagorn sa Ashti Pirena na wala silang kinalaman sa pagkawala ni Ina." Sambit naman ni Lira.
"Paano Ate Lira papasok tayo ng Hathoria?" Tanong ni Amara na may kabang nararamdaman sa balak ng apwe.
"Hindi Amara.... Ang alam ko kasi sabi ni Ina... May mga lihim tayong kawal na dito sa malapit sa Hathoria nakatalaga... Sila ang tatanungin natin." Sambit ni Lira,tumango naman sila Mira at Amara . Luminga-linga si Lira at saka niya nakita ang pakay niya.
Lumapit sila sa may halamanan at isa ngang kawal ang doon ay nagtatago.
"Mga mahal na Sang'gre." Sambit nito."Kawal may nais lamang kaming malaman." Sabi ni Mira. Tumango ang kawal.
"Totoo bang walang kinalaman ang mga pangit na hathor na ito sa pagkawala ng Inang Reyna?" Tanong ni Lira.
"Siyang tunay Mahal na Diwani... Mula pa ng napatalsik natin sila sa Lireo ay binantayan na namin sila at wala pa silang ginagawang hakbang liban kay Agane na sinalakay ang sang'gre Mira sa mundo ng tao." Salaysay ng Kawal.
Napahinga naman ng malalim ang tatlo. Ibig sabihin wala talagang kinalaman ang mga hathor.
"Kung gayon ay aalis na kami." Sabi ni Amara ngunit bago sila makaalis ay dumating ang isang kawal mula sa Lireo.
"Mga Diwani nandito pala kayo.... Tamang tama may maganda akong balita." Sabi ng bagong dating na kawal.
"Ano iyon kawal?" Tanong ni Mira.
"Ang Mahal na Reyna Amihan nakabalik na siya ng Lireo kasama ang Prinsipe Ybrahim." Nakangiting ulat ng kawal.Nagkangitian naman ang tatlo sa ulat ng kawal.
"Kung gayon ay bumalik na tayo ng Lireo." Nakangiting sabi ni Lira tumango naman ang tatlo at saka sila gumamit ng evictus.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...