◆Kabanata XXX◆ Ang Katotohanan

2.9K 80 31
                                    

Kabanata XXX◆
Ang Katotohanan

◆◆◆◆◆◆◆◆


(Author's note : I'm so overwhelmed na minahal niyo at naapektuhan kayo sa pagkawala ni Alexus kahit na OC (own character) ko lang siya dito sa fan fiction na ito...
            Avisala Eshma...
          Sana po ay patuloy niyo po itong suportahan kahit na medyo malayo na ito sa plot ng Enca sa T. V.)

◆◆◆◆◆◆◆◆◆

               "Ashti saan niyo po ba ako dadalhin... Nasaan po tayo?" Tanong ni Lira kay Alena ngunit di siya nito sinagot at tinulak lang siya na dahilan para mapa-upo siya sa lupa.

          "Ether... Ether nasaan ka!" Sigaw ni Alena. Natakot naman si Lira sa narinig... Kumampi na ba kay Ether ang kanyang ashti? Tanong ni Lira sa sarili.

           "Alena naririto na ako..." Sambit ni Ether na nagpakita na sa kanila ni Alena. Lalo naman natakot si Lira ng makita ang malaking ahas.

          "Nagawa ko na ang pinagkasunduan natin" sambit ni Alena at binigay niya kay Ether ang punyal na kumitil sa buhay ni Alexus na may bahid pa ng dugo nito.

           " Magaling Alena...." Sambit ni Ether at inilapag nito sa lupa ang punyal na nagliwanag na nakakasilaw sa kanila.

            "At gaya ng napag-usapan natin... Naririto na ang anak mong si Kahlil na aking muling binuhay." Tuwang sabi ni Ether at nakita na nga ni Alena si Kahlil na buhay, nakatayo sa harapan niya at nahinga.

           "Kahlil..." Naiiyak na sabi ni Alena.
           "Ina..." May luha sa mga matang sabi ni Kahlil at siya ay niyakap na ni Alena. Sobrang saya ng pakiramdam ni Alena na mayakap muli ang kanyang anak... Na buhay na itong muli sa kanyang mga bisig.

            Ngunit kapalit ng buhay ng anak niya ay ang buhay ng kanyang hadia... Ng lumayo siya kay Pirena kanina ay nagpakita si Ether sa kanya at nakipagkasundo...

          Buhay ni Alexus kapalit ng buhay ng kanyang anak na si Kahlil... At isa lamang ina si Alena na gagawin ang lahat para makapiling ang anak,  kaya niya nagawa ang pagpaslang sa hadia.

            "Ashti!" Sigaw ni Lira ng puluputan ng buntot ni Ether.
          "Ether wala sa kasunduan natin na pati si Lira ay idadamay mo dito!" Sambit ni Alena.

          "Wala nga ngunit nandito na din naman siya... Magagamit ko siya laban sa iyong kapatid na si Amihan." Tusong sabi ni Ether at ito ay naglaho kasama si Lira.

           "Ether!" Sigaw ni Alena. Galit man siya dahil si Lira ang dahilan ng pagkakapaslang ni Alexus kay Kahlil ay ayaw pa din niyang mapahamak ito.

             "Tanakreshna!" Inis na sabi ni Alena.

              "Ina may nais akong sabihin sayo." Sambit ni Kahlil ngunit bago pa man makasagot si Alena ay lumitaw na sa harapan nila si Amihan at sinakal si Alena.

           "Nasaan si Lira!" Galit na sabi nito hinawakan naman ni Alena ang kamay ni Amihan dahil halos di na siya makahinga.

           "K-Kinuha siya ni E-Ether!" Hirap na humingang sabi ni Alena.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon