◆Kabanata X◆
Ang Pagliligtas
kay Amihan
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Nagising si Amihan na nakatali na ng mahigpit sa isang kadena at di niya maibukas ang kanyang mga kamay dahil sa tanikalang nakalagay rito. Ganunpaman ay nagpupumiglas pa din si Amihan sa pag-asang makawala dito.
Napatingin siya sa pintuan ng piitan ng ito ay bumukas at pumasok si Hagorn at Pirena. Ang mag-amang taksil sa Encantadia.
"Avisala, Amihan mabuti naman at gising ka na....di ka makakahulagpos dahil sadyang matibay ang iyong tanikala. Wag mo nang subukan at magpapagod ka lang." anito sa kanya ngunit pinipilit pa rin ni Amihan na makahulagpos.
"Di mo rin magagawang maglaho dahil nakatali ang iyong mga kamay.....kaya wala kang magagawa kundi ang manatiling naka-piit dito." Dagdag ni Pirena na lumingon sa kanya. Napailing si Amihan.... Di siya magpapakita ng kahinaan sa mag-ama."Aaminin ko sayo Pirena, nagulat ako sa iyong kapangyarihan... Kaya mong magbago ng anyo.... Ngunit nasaan ang aking anak....ano ba talaga ang nangyari sa kanya?" Sa halip ay sabi ni Amihan. Napailing naman si Pirena.
"Tila di nakakaintindi ang isang ito Ama.... " sabi ni Pirena at saka muling lumapit kay Amihan.
"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sayo Amihan makikita mo lamang ang iyong anak kung isusuko mo sa akin ang iyong brilyante!" Galit na sabi nito."Hinding-hindi ko isusuko sayo ang aking brilyante!" Galit din na sabi ni Amihan.
"Ssheda!" Galit na turan ni Hagorn at kanyang sinakal gamit ang isang kamay si Amihan.
"Wag ka nang magmatigas... Lalo pa't hawak namin ang buhay mo at ng iyong anak! Kaya lahat ng itatanong namin ay sagutin mo ng maayos!
Saan nangaling ang brilyanteng hawak ng iyong paslit na alaga, anong kapangyarihan nito at ano ang kaya nitong gawin!" Galit na turan ni Hagorn na humihigpit ang hawak sa leeg ni Amihan.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...