∽Kabanata II∽ Ang Naguguluhang Damdamin ni Prinsipe Ybrahim.

4.6K 107 10
                                    

Kabanata II
Ang Naguguluhang
Damdamin ni
Prinsipe Ybrahim.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆


             Marahang umupo si Ybarro sa batuhan di kalayuan kayla Amihan at Pao-pao na sinasanay ng Reyna sa paghawak ng sandata.

           "Ybarro..." Napalingon si Ybarro sa nagsalita at nakita niyang si Wantuk ang nagsalita.

           "Anong kailangan mo Wantuk?" Tanong nito, umupo din si Wantuk sa batuhan.
           "Wag mo sanang masamain ang sasabihin ko.... Pero kahapon ay nakita ko kayo ng Mahal na Reyna na magkayakap." ani Wantuk.  Naging di naman kumportable ang pakiramdam ni Ybarro sa sinabi ni Wantuk.

            "Dinamayan ko lamang siya sa kanyang paghihinagpis sa nangyari kay Ades...wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang iyong nakita." Paliwanag ng Prinsipe sa kaibigan na tumango-tango naman.

             "Ngunit Ybarro.... Nakikita ko din sa mga kilos mo na may nag-iba sa pakikitungo mo sa Kamahalan....may nagbago nga ba Ybarro?" Sabi ni Wantuk at sabay silang napatingin sa reyna. Napahinga ng malalim si Ybarro.

            "Aaminin ko sayo Wantuk... Nitong mga nakaraang araw.... Lagi kong nais na makita si Amihan.... Ang nais ko lagi lamang siyang abot ng aking tanaw.... At ayokong nalulungkot siya.... Mahalaga siya sa akin... Mahalaga siya..." Sabi ng Prinsipe habang nakatingin sa Reyna na patuloy lamang sa pag-sasanay kay Pao-Pao.

            "Marahil Ybarro ay nagsisimula na ang puso mo na muling mag-bukas para sa panibagong pag-ibig..." Sabi ni Wantuk
            "Ngunit siya ang reyna ng mga diwata at alam mo ang kaakibat non ang di nila pagkakaroon ng kabiyak." Sabi ni Ybarro. Napahinga ng malalim si Wantuk.

             "Ngunit di naman siya panghabang panahon na reyna ng Lireo..."
             "Maghihintay na naman ba ako Wantuk? Pagod na akong maghintay." Malungkot na tinuran ni Ybarro.

             Napatingin lamang si Wantuk sa kaibigan, higit kailanman ay ngayon niya napagtanto na may pagtingin na nga si Ybarro para sa Reyna. Pagtingin hindi lamang dahil si Amihan ay kapatid ni Alena... Hindi dahil siya ang ina ng anak nito... Kundi dahil nakikita niya si Amihan bilang babae.... Babaeng karapat-dapat na mahalin.....Hindi pa lamang lubusang nauunawaan ni Ybarro ang damdamin para sa Reyna sa ngayon.

           "Tara na Wantuk at tayo'y maglibot na lamang sa paligid." Sabi nito at sila ay naglakad na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            "Ate Amihan... Pahinga muna tayo... Napagod na ako....please..." Napangiti si Amihan sa tinuran ng paslit. Nahapo na ito sa kanina pa nila pagsasanay ng espada bagamat sanga lamang ng kahoy ang gamit nila.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon