◆Kabanata XXIV◆
Tawag ng Pag-big
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Mula sa isla sa Adamya ay bumalik sila Amihan at Ybrahim sa Sapiro ngunit sila ay nauna ng pumunta sa Dakilang Moog. Samantalang ang iba nilang kapanalig ay papunta pa lamang."Ybrahim bakit naman tayo nauna dito? Sumabay na lamang dapat tayo sa ating mga kapanalig." Sabi ni Amihan. Hinawakan ni Ybrahim ang kanyang mga kamay.
"Sapagkat nais kong tayo muna ang makakita sa Dakilang Moog.... Na di magtatagal ay magiging tahanan mo din... Pagkat ikaw lamang ang aking magiging reyna....wala ng iba." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa kanya. Napangiti naman si Amihan saka siya dinala ni Ybrahim sa isang silid.
"Ano ang mayroon dito Ybrahim?" Naitanong ni Amihan
"May inihanda akong kasuotan para sa ating dalawa." Nakangiting sabi ni Ybrahim at nakita ni Amihan ang dalawang kasuotan na kakulay ng bandila ng Sapiro.
"Maganda ang mga ito..." sabi ni Amihan
"Masaya ako at nagustuhan mo Amihan." Nakangiting sabi ni Ybrahim saka sila nagbihis sa magkabilang silid.
Ilang sandali pa ay narinig na nila ang pagdating ng kanilang mga kapanalig kaya naman kanilang sinalubong na ang mga ito. Natutuwa naman ang mga ito na makita agad sila sa Dakilang Moog.
"Amihan naririto na pala kayo ng Prinsipe." Nakangiting sabi ni Pirena sa kapatid.
"Ah... Oo dito na ako tumuloy dahil alam ko naman na papunta na kayo." Nakangiting sabi ni Amihan agad naman na yumakap si Lira sa mga magulang.
"Na-miss ko po kayo Nay... Ay ang ganda naman ng gown niyo kulay brown... Pareho kayo ng kulay ng damit ni Itay... Couples colors lang Tay, Nay...?" Nakangiting tukso ni Lira napatawa naman si Anthony na tanging naka-intindi ng sinambit ni Lira sa mga magulang.
"Di ko maintindihan ang iyong sinasambit Lira." Sabi ni Ybrahim
"Wag na nga nating intindihin pa... May mga salita talaga si Lira na di nating maintindihan... " sambit naman ni Danaya.
Napatawa naman ang lahat sa tinuran ng Sang'gre.
"Si Ashti talaga." Nakangiting sabi ni Lira."Ang mabuti pa ay magkaroon tayo ng kasiyahan para sa muling pagbubukas ng Dakilang Moog at ang pagsisimula ng pagbangon ng Sapiro. " mungkahi ni Ybrahim na sinang-ayunan ng lahat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Nay kamusta po ang unang gabi niyo ni Itay...?" Sabik na tanong ni Lira sa ina ng mapag-isa ang dalawa sa silid habang ang lahat ay nagsasaya sa labas.
"Lira sa palagay ko ay di mo na dapat pang alamin ang bagay na iyan." Nakangiting sabi ni Amihan sa anak. Napa-isip naman si Lira.
"Sabagay Nay... Pero sana magkaroon na akong muli ng kapatid... Nakaka-miss po kasi maging ate." Nakangiting hiling ni Lira hinawakan naman ni Amihan ang kamay ni Lira.
"Kung ito ay ipagkakaloob ng Bathalang Emre ay magaganap ito Lira." Nakangiting sabi ni Amihan sa anak ng mapansin niya na di pa niya nakikita si Alena.
"Lira... Di ko yata nakikita ang iyong ashti Alena?" Tanong ni Amihan sa anak.
"Umalis po ang ashti... Pero wag kayong mag-alala Inay... Hinahanap naman na siya ni Hitano." Nakangiting sabi ni Lira. Napatango naman si Amihan di niya maiwasan makaramdam ng kalungkutan kahit naman di sila maayos ng kanyang kapatid ay nananatili pa din ang pag-aalala niya rito.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...