◆Kabanata XIX◆
Sa Kamay ng Kasamaan
◆◆◆◆◆◆◆◆
Sa Kasalukuyan.....
Inis na inis na nakatingin si Pirena sa mga hathor at kay Gurna na hindi mahuli-huli ang paslit na ligaw na may hawak ng ikalimang brilyante.
"Pashnea! Hulihin niyo ang paslit! Tanakreshna!" Sigaw ni Pirena sa mga hathor na nagkaka-untugan na dahil sa pag-huli sa paslit na ligaw.
At sa pagtakbo nito ay nakasalubong nito ang kanyang amang traydor agad nitong hinawakan ang kamay ng paslit na ligaw.
"Ang paslit na may hawak ng ikalimang brilyante!" Nakangising sambit ni Hagorn.
"Aray! Bad ka pakawalan mo ako!" Sigaw nito. Agad na lumapit si Pirena sa Ama at hinawakan si Pao-Pao."Ama bihag ko ang batang ligaw." Sambit niya.
"Talaga bang kinakalaban mo na ako ngayon Pirena ng harapan." May banta sa boses ng kanyang ama, labag man sa loob niya ay binitawan na niya ang paslit na ligaw.Nakangisi naman na dinala na ni Hagorn ang paslit at alam ni Pirena na kukuhanin ng kanyang ama ang ikalimang brilyante na hawak nito.
"Muli kang naisahan ng iyong ama Pirena." Sambit ni Gurna na hinahabol pa ang hininga dahil sa paghabol kanina sa paslit na ligaw.
"Ssheda! Pashnea... Dapat natin makuha ang paslit na may hawak ng ikalimang brilyante." Galit na sabi ni Pirena kay Gurna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Nakaraan....Ng matapos ang awit ng diwata ay bumalik ng may ngiti sa labi ang Hara at ang Prinsipe sa kanilang inuupuan kanina.
"Mga kaibigan... Narito na ang aking anak halina kayo sa kanyang kubol kung nais niyo siyang maka-usap." Nakangiting sabi sa kanila ni Orneia ng makabalik ito.
"Avisala Eshma at narito na siya.... Gusto namin siyang maka-usap." Nakangiting sabi ni Amihan. Tumango si Orneia at pinasunod sila sa isa sa mga kubol.
Pagpasok nila Amihan at Ybrahim ay nakita nila ang isang dalagitang diwata na naka-upo sa kanyang higaan.
"Ado, Ada... Nais ko silang maka-usap ng sarilinan." Sabi nito. Tumango naman sila Orneia at Memen saka sila lumabas at naiwan ang tatlo.
"Maupo kayo mga diwata." Sambit ni Cassiopeia. Umupo naman sila Ybrahim at Amihan.
"Nakikita ko ang tuwa sa iyong puso diwata...." Sambit ni Cassiopeia ng hawakan nito ang kamay ni Amihan at nagliwanag ang noo ni Cassiopeia, kasabay ang pagliwanag ng kanyang mga mata.
"Hindi kayo nanggaling sa panahon na ito... Nanggaling kayo sa adoyaneva!" Sambit nito na gulat na gulat. Nagkatinginan sila Amihan at Ybrahim nagkangitian sila.
Tunay ngang siya si Cassiopeia, ang 'mata' ng Encantadia."Cassiopeia may nais lamang kaming malaman." Sabi ni Amihan.
"Ang inyong anak ng prinsipe ng mga sapiryan....alam ko kung nasaan siya ...nakikita ko." Sambit muli nito. Nabuhayan naman ng loob ang dalawa."Kung gayon ay nasaan ang aming anak?" Nasasabik na sabi ni Ybrahim dito.
"Sya ay nasa kamay ng masamang nilalang ng Bathaluman ng mga Etherian.... Siya ay nasa kamay ni Ether...." Sambit muli ni Cassiopeia na nakatingin sa itaas na para bang duon niya nakikita ang mga sagot.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
Fiksi PenggemarIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...