◆Kabanata XLVI◆ Paglusob sa Lireo

2.2K 53 9
                                    

Kabanata XLVI
Paglusob sa Lireo

◆◆◆◆◆◆◆


              Nakagayak pandigma na si Amihan para sa paglusob ngayong gabi ng lapitan siya ng mga anak.

          "Inay... Gusto kong sumama." Sambit ni Lira nasa likod nito sila Arquim at Amara.

         "Hindi maaari anak... Di ko alam ang kahihinatnan ng paglusob na ito kaya nais kong manatili kayo ni Amara dito sa Dakilang Moog para maipagtanggol ang mga narito kung sakaling salakayin ng mga hathor ito.....samantalang si Arquim ay napagpasyahan ng inyong ama na isama." Sambit ni Amihan. Napahinga naman ng malalim si Lira at Amara.

            "Mga apwe sa tingin ko ay tama ang desisyon ni Ina..." Sabi ni Arquim. Bumaling naman si Amihan sa lalaking anak.

          "Arquim puntahan mo na si Ybrahim.... Gamitin mo ang evictus ng makarating na ang mga kapanalig sa Lireo at makapwesto na sila sa mga lugar na itinalaga ko sa kanila." Nakangiting utos ni Amihan sa anak.

        "Masusunod Ina." Sambit ni Arquim saka naglakad palabas ng silid.

         "Ina... Sana po maging ligtas kayo." Sabi ni Amara. Hinawakan naman ni Amihan ang mga kamay ng dalawang anak na babae.

          "Huwag kayong mangamba ako ay nangangako na babalik ako ng ligtas at tagumpay." Nakangiting sabi ni Amihan at hinalikan sa noo ang mga anak. Saka siya lumabas ng silid.
.
.
.
.
.
.
          Paglabas ng silid ay nakasalubong niya si Pirena na nakabihis pang-asqillesue.

          "Saan ka nanggaling Pirena?" Tanong niya.
           "Sa lagusan ng mga bandido... Inihatid ko si Mira sa mundo ng mga tao ayokong madamay siya sa mangyayaring gulo muli." Sambit ni Pirena. Hinawakan naman ni Amihan ang kamay nito.

          "Huwag kang mag-alala sa oras na matapos natin ang paglusob at nabawi ang Lireo.... Pababalikin na natin si Mira dito sa Encantadia." Nakangiting sabi ni Amihan sa kapatid.

           "Avisala eshma Amihan." Nakangiting sabi ni Pirena. Napalingon sila nv dumating sila Danaya at Alena.

          "Handa na ba kayo?" Tanong ni Danaya na nakapang-gayak pandigma na at si Alena ay katulad ni Pirena na nakapang-asqillesue na.

           "Oo... Handa na kami." Sambit ni Amihan.
          "Kung gayon ay tayo na at patalsikin mula sa Lireo ang mga pashneang hathor." Sambit naman ni Alena saka sila naglaho.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                  Habang naka-upo sa kanyang trono sa bulwagan ng Lireo ay nakita ni Hagorn ang pagdating ni Agane kasama ang mga asqillesue na umalis sa lupain ng Lireo dahil sa mga bagong patakaran niya.

          "Mahal na Hari... Ang mga asqillesue ay naririto." Sambit ni Agane.

          "Ano ang ginagawa ng mga nag-alsa-balutang mga asqillesue sa aking bulwagan?" Tanong niya sa mga ito.

          "Mahal na Haring Hagorn ako po si Badok ang pinuno ng mga asqillesue naririto kami para humingi ng kapatawaran at isa pang pagkakataon para makabalik sa mga lupaing sinasaka namin... At para patunayan ang aming pagsisisi ay naririto ang dalawang kahon na naglalaman ng mga paneya at prutas... Handog namin sa inyo." Mahabang paliwanag ni Badok. Saka nilapag ng mga asqillesue ang dalawang kahon.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon