◆Kabanata XII◆
Mga Kapanalig at
Kalaban
◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Marahang nagmulat si Amihan ng kanyang mga mata. May koonting kirot pa rin sa kanyang tagiliran dahil sa pagsaksak sa kanya ng kanyang anak.Napapikit siyang muli. Di niya sinisisi ang kanyang anak sa ginawa nito dahil nasisiguro niyang may naunang nangyari kaya nagawa iyon ng kanyang anak.
Muling nagmulat si Amihan at kanyang nakita si Ybrahim. May pag-aalala sa muka nito ngunit may iba pa siyang nakikita bukod doon. Inalalayan siya ni Ybrahim na maka-upo.
"Avisala Eshma..." Sabi niya. At saka kumuha si Ybrahim ng maiinom at inabot sa kanya. Pagka-inom niya ay napansin niya ang pananahik nito.
"Ybrahim may problema ba ?" Tanong niya dito.
"Naririto si Lakan pagka't may nais siyang sabihin sayo." anito. Bahagya namang kinabahan si Amihan... Di pupunta si Lakan dito kung walang nangyari sa kanyang munting prinsipe.
"Nasaan siya? Papasukin mo si Lakan at kami ay mag-uusap." Sabi niya. Marahas na lumingon si Ybrahim sa kanya.
"At ano ang pag-uusapan niyo ang ating anak na si Alexus?" Galit na sabi ni Ybrahim. Nagulat si Amihan sa sinambit nito.
"Oo alam ko na pagka't sinabi ito ni Lakan sa amin" anito.
"Ybrahim...." Mahinang sabi niya.
"Bakit Amihan... Bakit mo pinili na itago sa akin ang aking prinsipe ?" May hinanakit na sabi ni Ybrahim sa kanya."Ybrahim patawarin mo ako kung nasaktan ka sa aking desisyon na itago si Alexus mula sayo dahil ayokong makadagdag sa hinanakit ni Alena sa akin....sana ay maintindihan mo." Hinging paumanhin ni Amihan kay Ybrahim.
"Pinipilit kitang intindihin Amihan.... Pinipilit ko." Sabi ni Ybrahim at siya ay tumayo at lumabas ng kanyang kubol.
Napailing si Amihan... Alam niyang nasaktan si Ybrahim sa kanyang ginawa kaya minarapat niyang tumayo at lumabas ng kanyang kubol.
Sa kanyang paglabas ay muntikan na siyang matumba buti na lang at naagapan siya ni Lakan. Napatayo naman si Ybrahim at lumapit sa kanila ni Lakan at hinawakan siya sa kanyang kamay.
"Ayos ka lang ba Amihan?" Magkapanabay na tanong nila Ybrahim at Lakan. Natahimik na napatingin naman ang ibang enkantado sa kanila.
"Ayos lamang ako...Avisala Eshma sa pag-aalala." Sabi ni Amihan. Tumango naman ang dalawa at siya ay marahang binitawan. Dahil sa may sama pa din ng loob si Ybrahim ay bumalik na lang siya sa kanyang kinauupuan sa tabi ni Wantuk samantalang lumapit naman si Danaya sa kapatid....kasunod si Aquil.
"Lakan... May nangyari ba sa aking anak?" Tanong ni Amihan kay Lakan.
"Mahal na Hara dahil sa enkantasyon na iyong binigay sa iyong prinsipe... Lumaki si Alexus na may tamang pag-iisip at kaakibat nito ay nais niyang makita ka kaya ng kami ay nalingat ay tumakas siya sa amin." Pagsasalaysay ni Lakan kay Amihan."Mukang nagmana kay Lira ng kakulitan ang iyong bunso Amihan." ani Danaya sa kanyang likod.
"Sa tingin mo ba Danaya kanino nagmana ang iyong mga hadia ng kakulitan?" ani Amihan kay Danay at bumaling muli kay Lakan.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanfictionIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...