◆Kabanata XLV◆ Mga Espesyal na Sandali

2.4K 84 17
                                    

Kabanata XLV
Mga Espesyal na Sandali

◆◆◆◆◆


            Nang masiguro na ni Amihan na maayos na ang mga kahon na gagamitin sa paglusob kay Hagorn ay pinagpahinga na niya ang mga asqillesue at mga kawal na nag-eensayo para sa labanan.

           Napahinga ng malalim si Amihan siya ay umaasa na sana maging matagumpay ang kanilang paglusob kinagabihan bukas

           "Sige na mga Dama magpahinga na din kayo... Sa silid naman ako tutuloy." Sambit ni Amihan sa kanyang mga dama.Yumukod ang mga ito saka siya iniwan.

           Naglakad na papunta sa kanyang silid si Amihan ng mapatingin sa azotea kung saan makikita ang buwan na parang naka-silip sa loob ng Dakilang Moog, napangiti si Amihan at saka niya pinuntahan ito.

            Malamig ang simoy ng hangin na nararamdaman ni Amihan na nakapa-papakalma sa kanya sa mga oras na gaya nito na magulo ang kanyang isipan.

         "Narito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Napalingon si Amihan at nakita niya si Ybrahim na nakatayo sa kanyang likod. Marahan naman siyang humarap ng tuluyan sa Prinsipe.

           "Pinagmamasdan ko lamang ang buwan at mga bituin... Napakaganda nilang pagmasdan ngayong gabi." Nakangiting sabi ni Amihan.

            "Sila ay walang sinabi sa gandang nakikita ko ngayon...." Nakangiting sabi ni Ybrahim na hinaplos ng kamay ang pisngi ni Amihan. Napangiti naman si Amihan.

         "Sadyang mapagbiro ka pa rin Prinsipe ng Sapiro." Natatawang sabi ni Amihan.

         "Walang biro sa aking sinabi....Sadyang mas maganda ka pa sa gabing yaon....sandali bakit kaya di muna tayo maglakad-lakad sa labas ng palasyo?" Nakangiting tanong ni Ybrahim.

            "Ngunit malalim na ang gabi..."
            "Sandali lamang tayo aking Reyna." Pakiusap ni Ybrahim.
          "Kung iyan ang iyong nais... Sige lumabas muna tayo." Nakangiting sabi ni Amihan saka sila magkahawak kamay na lumabas ng Dakilang Moog.

           Di masyadong lumayo ng Sapiro ang dalawa sa dalampasigan lang nito sila pumunta, ngunit sa bahagi na ito ng dalampasigan ay mas kokoonti lamang ang napapadaan, magkahawak-kamay silang marahang naglakad.

         "Tahimik ka na naman Mahal kong Reyna..." Sambit ni Ybrahim habang marahang pinipisil ang kanyang kamay.

          "Naiisip ko lamang ang paglusob na gagawin natin bukas kayla Hagorn.... Nawa'y magtagumpay tayo." Sambit ni Amihan kay Ybrahim tumigil sa paglakad ang dalawa at pinagsalikop ni Ybrahim ang mga kamay at ipinaloob ang kamay ni Amihan dito.

            "Ako ay nananalig na mapagtatagumpayan natin ang labanan bukas at isa pa Amihan asahan mo sa gitna man ng digmaan o kapayapaan ay lagi ako sa tabi mo at di kailanman ako mawawala." Sambit ni Ybrahim. Ngumiting tumango si Amihan at niyakap niya ang reyna.
  
            "Avisala Eshma Ybrahim." Mahinang sabi ni Amihan.

             "Pero sa ngayon kalimutan muna natin ang lahat.... Sa gabing ito wala tayong ibang iisipin kundi ang isa't-isa muna." Nakangiting sabi ni Ybrahim, tumango sya dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                 Mahimbing na natutulog si Lira ng makarinig siya na parang may tumatawag sa kanya.

           "Lira..... Lira..... Lira...." Pagtawag ng boses sa kanya. Marahang nagmulat si Lira at nakita niyang nahihimbing naman sila Amara, Arquim at Pao-pao kaya napa-isip siya kung sino ang natawag sa kanya.

The Queen's Heart [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon