◆Kabanata IX◆
Ang mga Anak ni
Ybrahim
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Manghang nakatingin sa kanyang dinadaanan si Kahlil... Di man niya alam ang mga tawag dito ay natutuwa pa din siyang pagmasdan ito.
"Diwata..." Narinig niyang tawag sa kanya at nakakita siya ng babae sa kanyang harapan.
"Ako si Kahlil, anak nila Alena at Ybarro." Sagot niya.
"Alam ko." ani Cassiopeia sa kanya saka lumapit ang nakatatandang diwata dito. At kanyang hinawakan ang mga kamay ni KahlilNabigla si Cassiopeia sa nasaksihan ng kanyang 'mata' at muli siyang napatingin sa anak ni Alena.
"Ikaw ang Sang'greng nakatakdang pumaslang kay Lira... Ikaw ang sang'greng may dalang kamalasan!" Nahihindik na sabi ni Cassiopeia."Ako si Kahlil...." Nalilitong sabi nito.
"Di dapat magtagpo ang landas niyo ni Lira.... Halina at sumama ka sa akin." Hinawakan ni Cassiopeia sa kamay si Kahlil at akmang aalis na sila ng lumabas si Ether sa kanyang anyong malaki at nakakatakot na ahas..."Saan mo siya dadalhin Cassiopeia?! Di mo na mababago ang nakatakda nang mangyari!" Galit na sabi ng Bathalumang Ether sa Diwata.
"Hindi! Hindi ako papayag!" Galit na sabi ni Cassiopeia. Ngunit pumagitna na si Ether.
"Ssheda! Cassiopeia.... Hindi ka isang bathala para magdesisyon sa mga mangyayari... Sa mga mamamatay at hindi.... Wag mo akong subukan Cassiopeia." Turan ni Ether at kanya nang dinala si Kahlil palayo sa nakatatandang diwata.
"Pashnea!" Galit na turan ni Cassiopeia... Kailangan niyang makagawa ng paraan upang di maganap ang nasa kapalaran ni Kahlil.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
."Inay akala ko po niloloko na naman ako ni Pirena." Nakangiting nakayakap si Lira sa 'ina'
"Mula ngayon ay mas maniniwala ka na sa akin, Anak....kalaban si Danaya at si Pirena ang tunay na kapanalig." Sabi ni 'Amihan' habang kanyang hinahaplos ang buhok ni Lira."Mahal na Reyna." ani Gurna na lumapit sa dalawa. Kinuha ni 'Amihan' ang isang kwintas na may pulang makinang na bato.
"Ano po iyan ina?" Tanong ni Lira.
"Isa itong handog mula sa akin anak...." Nakangiting sabu nito at isinuot na sa leeg ni Lira.
"Ang ganda po inay." Nakangiting sabi ni Lira."Wag mo itong iwawaglit sa iyo... Wag mo itong tanggalin.....at wag na wag kang lalabas sa si silid na ito ng ika'y aking higit na mapangalagaan." Nakangiting sabi ni 'Amihan'
"Pangako ina." Sabi ni lira saka hinaplos ang kwintas..."Magpahinga ka na Lira... May gagawin pa kami ni Gurna." Sabi ni 'Amihan'
"Okay po Inay." Nakangiting sabi ni Lira at yumakap muna kay 'Amihan' bago ito tuluyang lumabas ng kanyang silid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ng nakalayo na ang dalawa ay napangiti si 'Amihan' at siya ay nagpalit ng anyo at naging si Pirena.
BINABASA MO ANG
The Queen's Heart [Completed]
FanficIto ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang ang nais niyang mangyari ang mabawi muli ang Lireo, para sa anak niyang si Lira at higit sa lahat para...