SECRETLY 25

793 4 0
                                    

XYZ'S POV

Bigla akong natulala,di makakilos at para nadin akong namalikmata ng biglang masilip ko sa likuran ni Szol ang lalaking pinakainaasam kong makita ngayong gabi. Hindi ko akalain na siya pala yong tumikhim sa likuran namin,ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang sa naging pwesto namin ni Szol. . Pero bakit naman ako maiilang sa matiim niyang pagkakatitig sa akin? E wala naman kaming ginagawang masama ni Szol, naghaharutan nga lang kami na gusto ko lang din naman siya sabayan. It's just for fun!.

Dapat nga ako pa ang magkaroon ng ganang magalit sa inasta niya, ang dumi kasi ng isip niya sa amin.. Na kahit hindi man niya sa amin diretsang sabihin kung ano ang pagkakaalam niyang ginagawa namin ay kitang kita ko naman sa impresyon ng kanyang pagmumukha na punong puno ng malisya. Sana kung mababakas ko pa sa mga mata niya ang selos ay makakadama pa ako ng tuwa at pagasa na pareho pala kami ng nararamdaman sa bawat isa. Pero hindi e, parang pangiinsulto at panguuyam pa nga ang natamo ko mula sa kanya.

Hanggang sa makaalis na muli siya sa aking harapan ay hindi na ako nakagawa pa o nakasagot man lang sa ginawa niyang paratang. Nagkatinginan na nga lang kami ulit ni Szol. Alam ko na sa mukha ko ay mababanaag niya ang poot at pagkapahiya sa inasta ni Abcde.  Pero si Szol ay dahan dahan nalang na napangiti mula sa pagkakatigalgal, na mula sa ngiti ay napunta naman sa pagtawa at hanggang sa naulinigan ko nalang ang munti niyang mga hagalpak. . Palakas ng palakas, kaya lalo akong naasar. . Loka talaga to, mukhang baliw kung makatawa. . Anong tinatawa tawa niya ngayon?. . Dapat nga magalit rin siya kay Abcde, hindi ganito na parang tuwang tuwa pa siya na naging ganon ang kinalabasan ng pagaasaran lang dapat namin. . .


"Uy!! Ano ba? Ang lakas mong mang asar ahh!?. . .Graveh ka sa akin alam mo ba yon!?.  Halata namang ako ang pinagtatawanan mo ngayon e, tumigil ka na nga!!. . . Kung di ka pa titigil uuwi na lang talaga ako! magsama kayo ng hambog na Abcde na yon!. . Ang yabang akala mo kung sinong gwapo!. .akala mo naman kung sinong napakatinong lalaki na walang ginagawang kalokohan. Aahhh!!. . "

Tumigil naman din sa paghagalpak ng tawa si Szol, siguro nakaramdam naman din ng awa o konsensiya sa pinakita kong pagkapikon. Tumalikod na siya ng tuluyan sa akin, ngunit halata naman ang pag alog ng kaniyang mga balikat tanda ng pinipigil pa niyang pagtawa.Hmp!!. . Di ko nalang siya pinansin pa, ako naman din ang matatalo sa pagiging pikon ko. Pinagmasdan ko nalang siya na nagsimula ng maglakad papalayo sa kinaroroonan namin, patungo sa may main entrance ng event na ito, kung saan may tatlong naka unipormeng gwardiya na nagbabantay para sa kaligtasan narin ng lahat ng dumalo. . .


Siguro kami na nga lang din talaga ang huling taong aattend sa birthday ni Anika, wala naman na kasi kaming kasabayan para pumasok e, di man lang din kasi kami hinintay na makapasok ni Abcde kanina. Haaiistt. .  . Didiretso na sana ng pagpasok si Szol ng pigilan siya ng isa sa mga gwardya. .Ayaw buksan ng tuluyan ang gate, kaya nagdali dali narin akong lumapit sa tabi ni Szol para malaman kung ano ang problema. Ang nakakapagtaka nga lang hindi naman sila agad nakapagsalita ng problema kung bakit ayaw nila kaming buksan, titig na titig lang sila sa aming kaanyuan mula ulo hanggang paa. Para bang mga tao kami from outer space kung makapagsiyasat. Eto na nga rin ba ang iniisip kong magiging problem pag nagrent pa si Anika ng venue e, walang masyadong makakakilala sa akin, sa amin ni Szol.


Bakit ba naman kasi naisipan niya pang lumayo ng celebration e, samantalang ang lawak naman din sana ng bahay nila sa Forbes.  .At least don ultimo guard palang sa pinakafront gate ng kanilang village ay kilalang kilala na ako. Di na ako makaka experience ng ganitong mga pagsusuri mula sa mga lalaking ito. Ang weird tuloy bigla ng mga ganitong pangyayari. .  What was happening ba kasi? Masyado na kaming delayed sa kasiyahan.

"Good evening Ma'am/Sir!? ahhhmm. . Bago po kayo makapasok, let me check your invitation card!?.  For some security purposes lang po kasi, mahigpit na advice po kasi sa amin yon ng agency namin,lalo na ng birthday celebrant."


"What?! But why?! Wala ba kayong personal code or lists para sa mga importanteng bisita ng celebrant?! Katulad ng family member or relatives ng celebrant? Paano nalang kung makalimutan din nila ang invitation card nila? E di, di niyo din papapasukin? Di ba dapat ready din kayo kung mangyayari ang ganon katulad nito!? Diretsahin niyo na kami kung papapasukin niyo ba kami or hindi para matawagan na ng kaibigan ko ang best friend niya na dito lang siya sa labas at ayaw niyong papasukin!!.


Nakita ko nalang ang biglang pagiiba ng mood ni Szol, para kasing ready na siyang manuntok sa mga lalaking ito,as if naman may magagawa nga siyang pisikal na pamamaraan para papasukin na kami agad sa loob.. . Walang mangyayari sa amin dito kung papairalin lang namin ang init ng ulo. Kaya ako na ang nakipagusap sa mga nagbabantay doon.

"Pero Kuya.  . . . Kilala ko po personally ang birthday celebrant as a matter of fact she's my best friend! kaya di na po ako nagabala pang magdala ng invitation card. . My name is Xyz Rivera, kahit.  .  . itanong niyo pa  don sa. . don sa lalaking halos kakapasok lang kanina diyan. .  He's name is Abcde Dantes!!. . ."


"Pasensiya na po talaga Ma'am kung di namin kayo mapapasok agad. Pero try ko po kung ano ang magagawa namin sa issue na to, pakihintay niyo nalang po muna ako dito Ma'am, icoconfirm ko muna po sa loob sa mismong celebrant o kaya kay Sir Abcde kung totoong kilala nila kayo. Pasensiya na po talaga, ginagawa lang po namin ang aming mga trabaho, sumusunod lang po."



"Okay, okay po. . We will wait here!. . Di ba Szol?. . Pakibilisan nalang din po kasi kanina pa raw po ako hinihintay ni Anika sa loob. . Tsaka pasensiya narin po kayo sa inasta ng kaibigan ko ngayon, medyo may sumpong at may pinagdadaanan lang po kasi siya sa kanyang buhay. "




Tinry ko nalang ding magbigay ng walang kwentang joke para naman kahit papano ay maging light ang sitwasyon, kung nakatulong nga lang din. Nakaalis na si Kuya Guard ng muli kong tingnan si Szol, sabay bigay ng mapangasar na ngiti. . Gusto ko pa nga din sana magsalita ng pangaasar pero di ko na ginawa,baka lalo kasing ma bad trip e. . Nadagdagan na naman ang info ko about kay Szol, at yon ang,  ang galing at ang lakas niya lang mamikon pero kung siya ang babawian, nakakatakot namang mapikon. In short, 'high blood'. . Hahaha!!.



Pero nakakapagtaka nga lang naman din talaga, para bang di lang issue dito ang wa kaming invitation card na maipakita, para bang may iba pa talagang reason e. .  Kung makatitig kasi sila sa amin ang weird lang, ahhm. . aminado naman din talaga akong medyo weird din talaga tong outfit namin, pero siyempre ito ang theme ng birthday ni Anika!. . Para namang kami lang talaga sa mga dumating dito ang naka ganitong ayos. . .



Wala pang sampung minuto ang aming pinaghintay sa labas ng makita kong papalapit na ulit si Kuya Guard sa may gate, sabay utos sa dalawa niyang kasamahan na agad ng buksan ang gate para kami ay papasukin. Hindi na siya makatingin sa amin,lalo na kay Szol, nagpakayuko yuko nalang siya ng magsimula na kaming maglakad papasok.  .  Naawa naman din tuloy ako sa kanya. .



"Thank you so much Kuya!!. . "


Yon nalang talaga ang nasabi ko. Naiintindihan ko naman din kasi siya, sila sa klase ng mga trabaho nila.  . Job well done . . Really!!. .






SECRETLY SEXMATE!!    ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon