XYZ'S POV
Lumipas ang mga araw na parang walang naging problema sa pagitan namin ni Anika. She's really back from her old self. Lagi na kaming nagkakaron ng time sa isa't isa lalo pa kung may oras pa naman din talaga akong nalalabi mula sa bago ako pumasok sa umaga at maging sa gabi kung saan mas mahaba ang nagiging oras namin, pagkagaling naman sa work. Parang di siya yung nakasama kong Anika nong mga nakaraang buwan dito lalo sa bahay. At higit sa lahat ng ipinagpasalamat ko ay ang phobia niya sa mga lalaki ay parang milagrong nawala.
Kung dati ay ultimo delivery boy na napapadpad sa bahay ay ikinakaayawan niyang lapitan o makausap man lang, saksi kami non kasi lagi kaming nasa hardin nagtitipon tipon nila Abcde pag may ganong insidente,ngayon ay hindi na. Mas naging approachable pa nga siya sa mga dumarating kahit na sino pang lalaki ang mga iyon. Gusto kong muli kaming magpatingin o bumalik sana ulit kami sa doktor niya para makasiguradong nasa tama na nga siyang pag iisip at mapatunayan naming totoo na nga siyang nakakarecover sa masamang nangyari sa kanyang buhay. Ngunit grabe naman ang kanyang pagtutol sa aking suggestions, di na raw kailangan yun. Ang mahalaga daw sa ngayon ay alam niya sa sarili niyang totally ng naka moved on siya sa nakaraan. Which is I quietly disagree but. . wala naman din akong magagawa. It's her decision. Tsaka sabi nga niya she's already fine and yun yung nakikita ko, so be it. . . I guess??
"Hey, hon di ka muna ba mag aalmusal? Ayaw mo na ba talaga kaming kasabay ni Anika? Hmp!"
At eto pang isang to ang iniisip ko, mula ng maging okay si Anika ay naging ganito naman siya ka aloof. . . di na siya sumasabay sa amin kahit mag almusal man lang.
"Hon, alam mo namang sobrang seryoso ako sa pag aaral ng pagpapatakbo ng kompanya namin di ba? Isa pa lagi naman akong sumasabay sayo tuwing lunch break kahit pa medyo malayo malayo din naman ang kompanya namin sa inyo. Tapos bago naman tayo umuwi sa gabi sinisigurado ko ring nakapag dinner na tayo sa labas."
Hmp! Loko talaga! Di ko nga pinapaalam kay Anika na nakakakain na kami sa labas bago umuwi eh . . baka marinig naman niya. Para nga di niya mahalata ay pinipilit ko paring kumain para lang siya sabayan kahit sobrang konti lang naman din naman talaga ng kinakain ko, mahalaga sa akin pag ganon, na marami naman kaming napagkukwentuhan.
"Wag ngang masyadong malakas yang boses mo. Baka marinig ka pa ni Anika eh. . . Sa dinner naman kasi dito halos pinapanood mo lang kaming kumain. . . tapos aalis ka na agad. Kahit sabihin mong kumain ka na sa labas, siyempre nakakapagtaka parin yon sa part ni Anika. Baka ano ano na ang nasa isip non."
BINABASA MO ANG
SECRETLY SEXMATE!! ( COMPLETED )
General FictionPaano mo tatanggapin ang katotohanan na ang minamahal mong best friend at boyfriend ay may makamundong pagnanasa sa isa't isa??? Na sa twing ikaw ang kaulayaw nya. . Iba at sekretong tao pala ang naiisip nya?? Hanggang San mo kakayaning sumugal sa...