CHAPTER 51

598 5 0
                                    

XYZ'S POV

"Hon may problema ba tayo kay Anika?? Bakit ayaw mo sa akin aminin eh. . .halatang halata naman kayong dalawa."





"Ano ba kasing napag usapan niyo nong isang araw at pagkatapos niyong magkaroon ng closed door conversation ay parang nagkaron kayo ng biglaang cold war?. "





Kita ko na parang lalong nabalisa si Abcde sa pangungulit kong malaman ang naging pag uusap nila nong isang araw. Pagkatapos kasi ng naging pag uusap nila ay talagang may nagbago na sa kanilang dalawa. Kung noon ay sumasabay pa sa amin lagi si Anika sa oras ng pagkain, ngayon ay hindi na. Kung di siya magpapahatid nalang sa mismong kwarto niya kay Lyn. . .ay sisiguraduhin naman niyang nakakain na kami para siya naman ang magsosolo sa hapag kainan. Kaya paanong di ako magtataka? Paano akong mag iisip ng walang naging problema sa kanilang dalawa?





"Wala ngang problema Hon, masyado ka lang sigurong napaparanoid. Basta sabi lang naman niya sa akin nong tinanong ko siya ay naboring lang daw siya dito sa bahay kaya niya naisipang lumabas at ng makapag libot naman."





Hmp!!! di talaga ako naniniwala! Alam kong may iba na ayaw niya lang talaga sa akin aminin. Kung di niya kasi tatanungin ay sasabihin ko na talagang di siya marunong magsinungaling. He's not a good actor. He's actions tells it all na there's something wrong naman kasi...yun nga lang di ko mapinpoint ng diretsahan kung ano yon. Kaya kung kailangang minu-minuto o oras oras ko siyang kukulitin para magsalita ay gagawin ko.





"Pe--pero Hon. . . di kasi talaga ako naniniwala eh.  . . Bakit feeling ko.  . . feeling ko may nililihim ka na sa akin ngayon?"





"Xyz.  . . it's not what you think okay? Kung ano man yan. Wag kang magisip ng kung ------"






" Sir Abcde, ayaw daw po kumain ni Ma'am Anika. . .di daw po kasi siya nagugutom."





Ang biglang pagsingit sa amin ni Lyn sa aming pag uusap. Tiningnan ko tuloy ang kanyang pinanggalingan. At tama ako ng hula na galing nga siya sa kwarto ni Anika dahil sa ito ay medyo nakabukas pa. Bakit ayaw naman na daw kumain ni Anika ngayon? At bilang instinct na may mali nga sa mga nangyayari ay agad na akong tumayo para ako na mismo ang kakausap kay Anika. Ako na mismo ang magtatanong at aalam ng dahilan ng mga actions nilang pareho ni Abcde ngayon.





"Hon! saan ka pupunta? Dito ka lang, tapusin muna natin ang ating pagkain bago tayo muling mag usap. Hayaan mo muna rin si Anika na mag isa at magpahinga, baka talaga namang busog pa siya.. Tsaka sigurado namang lalabas ulit siya para kumain pag nakaramdam na siya ng gutom."





"At ikaw naman Lyn ay kumain narin muna. Wag mo nalang piliting kumain ang Ma'am Anika mo. For sure, makakaramdam din yon ng gutom mamaya. "




"Pero Sir. . . Ma'am Xyz. . . kagabi pa po kasi hindi kumakain si Ma'am Anika eh. . .Yung dinala ko po sa kanya kagabi sa kwarto niya ay di man lang po niya nabawasan. Tapos, kaninang almusal din po ay nag skip siya tapos hanggang ngayong tanghalian pinipilit parin po niyang di siya nagugutom. "





Kitang kita ko ang pag aalinlangan sa mukha kanina ni Lyn kung magsasabi nga ba siya sa amin ng nalalaman niya. Pero nagawa nga rin niya, yun nga lang ay nakayuko habang nagcoconfess. . halatang nahihiya rin namang mag inastang nakikialam sa buhay ng amo niya. Kaya imbes na magpapigil kay Abcde sa gusto kong gawin ay nagpatuloy parin akong naglakad papunta sa kwarto ni Anika. Kung si Lyn nga na kailan lang naman din talaga nakilala at nakasama ni Anika sa bahay na ito ay nagkaroon na ng grabeng pag aalala or attachment sa kanya ay.  . . ano pa ba dapat ang gawin ko diba? Nahiya naman ako bigla sa sarili ko.





Best friend niya ako. . . Matagal ng magkakilala, nagturingang makapatid sa kabila ng aming pagkakaiba ng mga ugali. Kaya kailangan ko siya, naming mas intindihin ni Abcde . . lalo pa at may bago na naman yatang nagtitrigger sa utak niya na maaaring epekto parin ng naging  trauma niya noon. Di na lang sapat yung nakakasama nga niya kami ngayon. Kaya pinilit kong magbingibingihan sa muling pagtawag ni Abcde sa aking pangalan. Bakit ba feeling ko, gusto niya talaga akong pigilan? Anong meron at ayaw niya yata talaga kaming magkasarilinan ni Anika? Hmp!!!! Dumudumi na naman ang isip ko. Erase! Erase!






Hanggang sa makarating na ako ng tuluyan sa pinto ng kwarto ni Anika na ngayon ay nakapinid na. Sinubukan ko itong itulak kung baka makapasok naman ako kahit di na kailangang katukin. Ngunit, nalaman ko rin agad na nakalock pala ito mula sa loob. Kailangan ko ng mangatok. May halo mang pangamba at takot ang aking nararamdaman. But I need to do this. Kahit paulit ulit niya pa akong ireject at iwasan.







Dahan dahan kong inangat sa ere ang aking kanang kamay upang kumatok ng may biglang kumapit dito ng mahigpit. Na ikinasinghap ko pang lalo ng bigla niyang pinagsalikop ang aming mga daliri. Siyempre alam na alam ko narin kung sino ang may gawa non.  Just the feeling of his trembling hands makes me already knew him. Kaya tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Mga matang puno din ng pag alala,kung para kanino ay di ko narin talaga tunay na batid. Di ko na nga maisatinig ang pagtataka kung bakit niya pilit akong pinipigilan na makalapit kay Anika eh. . . For sure kasi kanina pa niya basang basa sa aking mga mata ang mga katanungang iyon. At sa di malamang kadahilanan ay nalulungkot ako, parang gusto ng tumulo ng mga luha ko.





Pero bago pa man ako matuluyang bumigay ay nag iwas na ako ng aking tingin. Mahirap na. Ayokong siya naman ang magtanong ng magtanong. Di ko naman kasi alam ang isasagot. Kung bakit nagiging big deal sa akin ang kanyang mga pag a attempt na ako ay pigilan. Ngunit namalayan ko na nga lang din ang muling pag angat ng aking kamay kasama ng kanyang kamay papunta sa kung saan. At huli na ako para makitang maglalanding ito sa kanyang mga labi. Ang sobrang init na hininga na tumatama sa aking nakakuyom na kamao ang muling nagdikta sa aking isipan na kailangan ko muli siyang titigan sa kanyang nagsusumamong mga mata. At iyon narin marahil ang naging clue niya para paulit ulit at pupugin niya ng matutunog na halik ang aking kamay. Na nagdulot naman sa akin ng munting securedness at ibayong kapanatagan ng kalooban.




Nang magsawa sa kanyang pinaggagagawa ay sinabi nalang niya sa akin ang. . .



"Hon. . .  trust me on this one please???. . Ayokong pati si Anika ay magdudulot ulit sayo ng sobrang alalahanin kasabay ng pamamahala mo sa negosyo niyo."






"Tsaka di ba alam naman nating pareho na medyo okay na siya ngayon kaysa noon!?. Kaya wag ka ng masyadong mag isip."




"Ako na bahala kay Anika. Basta Hon, isipin mong lahat ng gagawin ko na to ay para sa ating dalawa. Para sa magandang future naghihintay sa atin. Mahal na mahal kita. Wag na wag mong kakalimutan yan. Okay?"




"Leave it to me. Makagawa man ako ng pagkakamali,. . Please.  . .please. . . Always remember na labag sa kagustuhan kong masaktan ka o pagtaksilan ka."






Imbes na malinawan sa kanyang pinagsasabi ay lalo lang yata akong naguguluhan. Ano bang gustong sabihin sa akin ni Abcde. Despite of I do belive na sobrang mahal niya ako. . . Ako rin naman sa kanya eh. Wala ng makakapagpabago don. Pero yung iba pang salita ay di ko mawari. . Parang ang lalim ng pinaghuhugutan eh. Pero bakit nga?? Bakit siya nagkakaganon? Eto na ba yung sinasabi non ni Ate Chloe na malaking pagsubok na darating sa buhay ko?






"Ako na makikipag usap ulit kay Anika okay!? . . . "





"And wait. . .  I'll promise you. . . after this. . . Magkaron lang magandang resulta tong gagawin ko.  . . . Papakasal na tayo. Bibigyan na natin ng maraming apo ang mga parents natin."





SECRETLY SEXMATE!!    ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon