SECRETLY 26

853 10 1
                                    

  ABCDE'S POV

Gustuhin ko mang samahan nalang si Anika sa may pool ay di ko ginawa,bilang pagsunod narin sa pangaasar kanina sa akin ni Cross. . hanggang sa iniwan na niya ako dito para makapaghanap na daw muna ulit siya ng mga bagong sirena. Pinabayaan ko nalang siya,gusto kong bantayan lahat ng magiging kilos ni Xyz at ni Szol. . .ewan ko ba kung bakit nafifeel kong may di magandang mangyayari sa kanila, bakit pa kasi di sila sumunod sa gustong theme ni Anika.Oo nga at lalong bumagay kay Xyz ang napili niyang ipotray ngayon, walang tunay na lalaking hindi makakapansin ng tunay na kagandahan at angkin nyang  kasexyahan, alam ko yon kasi ako lang naman ang maswerteng nakaangkin sa basal niyang katawan. Hindi man kami nakarating sa punto na wala na siyang kawala sa akin ay natatakan ko parin ang buong katawan niya na akin lamang. Pasalamat na nga lang din talaga si Szol na naging babae parin siya e,kasi kung hindi ay di ko siya mapapatawad sa pakikipaglapit niya palang kay Xyz. . Pasalamat talaga siya kasi ako parin ang mas may kakayahan ng walang humpay na  kaligayahan kay Xyz sa sekswal na pamamaraan. . .

Kaya kailangan ko silang bantayan kasi for sure sila ang magiging  hot topic ng mga bagong barkada ni Anika. Kahit kasi tinagurian nga silang mga babae, napakabully naman, sa katunayan kaya nilang magkaroon ng phobia o takot sa kanila ang mga estudyanteng napagtritripan nilang paglolokohin.

Bigla kasi akong natauhan sa naging pagtrato ko sa kanila kanina, di ko pala kayang tuluyang magalit sa akin si Xyz, kailangan ko siyang protektahan sa abot nang aking makakaya, pero malayo parin dapat sa kaalaman ni Anika. .kung bakit? Yon ang di ko parin talaga alam ang kadahilanan, basta ang sigurado lang doon ay may natatangi akong pagtingin kay Xyz simula pa lang nong makita ko siya, espesyal na siya kumpara sa lahat ng babaeng nakilala ko. . Kahit pa kay Anika.

Muli na naman akong nakaramdam ng selos ng makita ko silang papasok papunta sa sentro ng event, nakikita ko kasi kung paanong lambingin ni Xyz ang nakabusangot na pagmumukha ni Szol. Gusto ko na naman silang i interrupt para sila paalalahanan na nandito lang  ako sa likod nila at  nakaantabay nang madestruct ko  sila  paro ano? para lalo na namang magalit sa akin si Xyz?. . . Kahit naman kasi di talaga siya nagsalita laban sa mga nasabi ko kanina ay alam kong nagpigil lang siyang barahin ako. Ganon ako kapanatag na kilala ko na siya o alam ko na ang nararamdaman niya kahit sa simpleng titigan lang namin.

"OMG Anika!!. . .Saang planeta ba nanggaling ang dalawang gate crasher na yan!?.  . Hahahah!!. .  Are they informed that you are celebrating a 'Mermaid Birthday Party' as a theme of your own  choice?! . .  My God!! Sinira nilang dalawa ang mood kong maging mabait na si Ariele sa Little Mermaid!. . Nagpakagastos pa man din ako ng bongga sa costume ko tonight para magkaroon tayo ng magandang show sa lahat ng naririto!!"

"Atsaka di ba Anika umaasa akong sila Xyz at Szol ang magiging Merman ko? Ano ba naman yan?!.  . . Bakit di sila nagsuot ng ganon!?.   They are also famous like pa man din. . Kaso di naman ako ganyan katanga noh!?. . . Sa panahon kasi ngayon di lang uso ang maganda at sexy or pogi at mamuscle lang, ang mas importante narin sa ngayon ay marunong ka dapat magisip para umintindi, updated sa uso at sumunod sa gusto ng nakararami hindi yong may sarili na nga kayong mundo makikihalubilo pa kayo samin. Kaya nakakatawa!!"

"What's happening here?!. . Camilla!!, what are you saying huh!?  Xyz and I are here to be part of Anika's special day! Hindi namin alam na ganito ang aabutan namin! So just don't say anything! Back off!! Fuck you!!! "

Di na ako makakilos, hinayaan ko na si Szol na magsalita para sa side nila, wala narin akong pakialam kung nagmura siya sa kalagitnaan ng party na yon. . . Camilla deserves that.. . Puro tawanan nalang din kasi ang narinig ko mula nong magsalita si Camilla na lalo pang lumakas ng magsalita naman si Szol. Tiningnan kong mabuti ang mukha ni Xyz na talagang kinakaawaan ko sa oras na to.  . Kitang kita ko ang pagkapahiya at pagkalito sa kanyang mukha para sa lahat ng taong naroroon, parang naiiyak na nga rin siya sa sama ng loob. Gusto ko siyang yakapin, ipakita sa lahat na may karamay si Xyz sa naging misunderstanding na nagyayari. Tiningnan ko rin ang reaksiyon ni Anika sa mga paratang ni Camilla kay Xyz kasi kahit ako ay nalilito sa mga nangyayari.

Ngunit wala akong makitang simpatya sa best friend niya, kung tama rin ang pagaanalyze ko.  . Bakit ganon? Di man lang niya maipagtanggol si Xyz sa mga bagong kakilala o kaibigan niya lang?. . Siya ang dapat na magpaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Kaya pala kanina pa kami nagmumukhang tanga sa labas ng  gate,  kaya pala ganon kaming titigan ng mga guard sa labas!?.. Hoy Anika!! magpaliwanag ka nga! Bakit di kami nainform ni Xyz na nagbago na ng theme?. . We just a one call away or kung nagtitipid ka, text nalang sana.!!"

"Alam mo, pasalamat ka talaga ngayon kasi birthday mo!!  kasi kung hin------"

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!! Crossmark!!??. . Ano bang ginagawa mo dito!!. . Wag mo nga akong kaladkarin!!bitawan mo ako!! Nasasaktan ako!!  Ahh!!! Ano ba!!??. . "

Si Cross yon ahh!?. . Bakit niya kinaladkad si Szol paalis sa lugar na yon?. . magkakilala ba sila personally?. . . Sa pagkakaalam ko kasi ako lang ang nakakakilala kay Cross dito e, sa katunayan nga, sa ibang school siya nagaaral, pero magkakapareho lang kaming nasa last year na ng college. . Ako ang naginvite sa kanya dito,kaya paanong naging sila ay magkakilala??. .

"Ladies it's my fault okay!?. . . Camilla,nagtext naman ako kay Xyz na biglang nagbago ang plan ko about sa theme na gusto ko, kaya Bhest wala ka bang natatanggap na text?.  Tinatawagan din kita kaso di kita macontact, kaya pakisabi naman don sa Szol na yon na gumawa parin ako ng way para mainform kayo. . Kaya sorry na bhest huh!?.  di ko talaga akalain na magkakaroon ng gulo ngayong birthday ko.  . . "

"And Bhest please intindihin mo nalang din sana si Camilla, she didn't mean anything na makakapagpahiya sa inyo. . Maybe, she just also want to make my party a big success!! Di ba Camilla!?.  . .there's no harm done!?.  . Magpalit ka nalang don sa wardrobe area Bhest!! May iba pa namang mermaid costume don e. . Maybe you can fix yourself alone there naman na e. . Di ba?"

"Hay naku Anika!! Nakalimutan mo na bang naipasuot na natin yung last ng mermaid costume kay Lucyfern kanina?. . but if she's really concerned on your happiness,she can stay here with us parin naman, by using the merman costume. Tamang tama na nga dapat yon sa kanilang dalawa ni Szol e,kasi last two pairs narin yon!!.. Hahaa!!. "

"At infairness naman don kay Szol huh!??  Ayun at dinagit na agad ng hunk na merman. Nakakainggit naman!!. . Girl baka naman may ibang kaibigan o kakilala pa si dyowa mo na single pakilala mo naman kamo ako..  .ayoko na kasi ng mga schoolmate natin e,kakasawa!!gusto ko bago naman na. . . Hahahaha!!"

"Ahhhmm. .  Ahhmm. . . Excuse me girls,. .  Anika. . Happy happy birthday nga pala!!.  I guess I need to go home right now..... baka malabo narin kasing mabalikan ako ni Szol dito kaya. . .uuwi nalang ako, bigla rin kasing sumakit ang ulo ko, pasensiya na nga pala sa nagawa naming kaguluhan sa birthday party mo,.    Di nga lang talaga siguro nagkaintindihan. . See you on Monday nalang ulit huh!? . .  Birthday gift ko nga pala sayo nasa account mo na, you can check it later,. . "

"Matagal mo na sa aking inuungot ang scooter na yon,so as a birthday present,you can avail it now. .sana ikatuwa mo yon. . . happy birthday nalang ulit and enjoy your party. . Bye!!. . "

At yon na ang right time para habulin ko siya at bigyan ng comfort, I know she needs me now or whoever para lang magkaroon ng karamay sa nararamdaman niya. At feel na feel kong I owe my time to her this time . .

SECRETLY SEXMATE!!    ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon