XYZ'S POV
Di na ako mapakali. Kailangan ko ring kumilos. Nasa'n na nga ba talaga si Anika? Kahit ilang beses pa akong magpabalik balik ng lakad dito sa sala habang naghihintay sa pag uwi ni Anika at maging sa paghihintay narin ng balita sa paghahanap ngayon ni Abcde sa kanya ay walang nangyayari. Lalo lang akong kinakakabahan, natatakot sa maaari pang mangyari habang siya ay nawawala. Kahit ayoko naman talagang makinig o sundin ko ang bilin sa akin ni Abcde na wag na munang magbabalita sa mga magulang ni Anika na wala siya dito sa bahay namin ay wala parin akong magagawa.
Kapag umabot nalang daw ng bente kwatro oras na di pa siya nakakauwi at wala paring nangyayari sa kanyang paghahanap ay tsaka nalang daw kami gumawa ng susunod na aksiyon. Sabagay, tama rin naman kasi siya eh. . . di kami dapat magpatalo sa aming mga pangamba at takot. Na maaari ding ikapag alala ng mga magulang ni Anika maging ng mga magulang narin namin pag mali ang aming sapantaha na may masama na ngang nangyari sa kanya.
Pero ano na nga ba ang dapat kong gawin? Habang tumatagal kasi na walang magandang nangyayari ay lalo akong nawawalan ng pag asa. To think of it na mula pa kaninang umaga na pinagmamasdan ko ang puno ng pag aalalang mukha ni Abcde na kung di ko pa siguro napilit na magsabi ng totoong nangyayari ay di mababawasan kahit konti ang kanyang pag iisip, at hanggang ngayon ngang halos magtatanghalian na pala ay wala parin. There's still no trace of her here, even just a text or call from Abcde about her. And this idea came through me, Ako na. . . ako na lang talaga ang dapat tumawag ngayon kay Abcde. Sabay kapa ng phone ko na nasa likod na bulsa ng aking shorts na suot. Pero. . . napatigil nalang din ako sa dapat kong gagawin, ng nagmamadali at malakas na tumatawag sa akin si Lyn mula sa labas. Doon ko kasi siya pinaghihintay sa mismong gate para agad niya akong mabalitaan kung nakarating na ba si Anika o ang kotse ni Abcde ba ang darating.
"Lyn! Sandali papunta na ako diyan! Sinong nandiyan?." May kalakasan ko ring sigaw bilang tugon sa kanya sabay halos patakbo ng lumabas narin ng pintong naroroon.
"Ma'am Xyz!! Si Ma'am Anika po!!! Nakita ko po doon malapit na sa may guard house pero papunta narin po siya dito. Parang--- parang naglakad lang po siya papasok dito galing sa labas ng subdivision." May kagalakan at halatang nasasabik na pagbabalita sa akin ni Lyn. Na sobrang ikinatuwa ko rin talaga. Bigla kasing gumaan ang aking puso at sobrang luminaw narin sa pag iisip ng mga bagay bagay. "Thank you so much God! Di Niyo po pinabayaang may mangyari masama ngayon kay Anika. Thank you po ulit sobra!!." Ang di ko narin napigilang malakas na pag usal ng pananalangin at pasasalamat sa Diyos. Sabay takbo ulit palabas kasama si Lyn para sunduin na si Anika. Tsaka ko na itatawag kay Abcde ang magandang balita pag nakapasok na kami muli sa bahay kasama si Anika. Isa pa kailangan ko pa siyang pakainin, siguradong gutom na gutom na din siya. Mula ngayon, mas kailangan pa namin siyang intindihin, kailangan naming ibigay ang mga bagay na hihilingin niya para makatulong pa sa kanya. Baka kasi nahihiya lang siyang mag approach sa amin kaya naisipan niya pang umalis ng bahay para makapaglabas ng sama ng loob o makapag isip narin. Knowing Anika. . . for so many years. . .
"Yes Hon!! She's really here!! Already here!! Alive and kicking!! Kaya umuwi ka na. Kumakain pa siya ngayon ng hinanda naming lunch ni Lyn, mukhang gutom na gutom nga eh. . . Don't have an idea if gaano siya katagal mula kagabi ng di kumakain. Di parin siya nagkukwento kung anong nangyari sa kanya. Pero thank God talaga at mukhang wala namang nangyaring masama sa kanya. She's physically good. Sige na babalik na ako sa dining area para makapagsimula ng magtanong tanong sa kanya. Wish me luck na di niya ako dedmahin this time. Bilisan mo. Safe driving. We'll wait for you. Love you too."
Muli ko ng binalik sa bulsang nasa likod ko ang phone ko pagkatapos kong makausap si Abcde. Sigurado ko narin talaga sa sarili kong nawala na lahat ng takot ko kanina ngayong kasama na namin si Anika, kaya masasabi kong sobrang gaan narin talaga ng pakiramdam ko ngayon. And yes! I forgot to tell na nasabi ko narin pala kay Abcde kagabi ang agam agam kong ayaw akong makasama ni Anika dito kaya aloof siya sa akin kapag kami lang dalawa ang magkasama. Na tinawanan ng tinawanan lang naman din ni Abcde, tinutukso pa nga akong kulang pa daw yata ako sa lawak ng pag iintindi kay Anika kaya di pa kami pwedeng mag alaga ng sarili naming magiging anak. Kaya bilang pagkapikon ay tumahimik nalang ako na lalo lamang niyang ikinatawa.
Pagkabalik ko ay naabutan ko nalang mag isa si Lyn sa kusina at nagsisimula ng iligpit ang pinagkainan ni Anika. At naghahanda narin yatang hugasan ang mga iyon.
"Lyn, nasa'n na si Ma'am Anika mo? Tapos na pala siyang kumain." Di ko na napigilan ang tono ng pagkabigo sa aking pagtatanong kay Lyn. Paano naman kasi pagkatapos ng pagbabalik niya sa akin ng pagyakap ko sa kanya ay wala na siyang nasabi. Di man lang ba niya naramdaman ang pag aalala ko rin sa kanya? Kasi nasabi niya lang kanina na "I'm so sorry for Abcde talaga, I know sobra ko siyang napag alala ngayon. Grabe ang gutom ko Xyz, kain muna ako. " Sabay bitaw at nilagpasan na ako para dumiretso ng dining area. Pero pilit ko na nga lang din inintindi ulit, di ko narin nabanggit kay Abcde sa pagtawag ko dahil sa pagtatawanan lang naman niya ako ulit.
"Ma'am Xyz didiretso daw po muna siya sa kwarto niya para maligo at makapagpahinga narin daw po muna eh. Pero pag dumating naman na daw po si Sir Abcde, wag na daw po siyang mag alangan na katukin at gisingin siya sa kwarto niya. Para makapag usap narin sila. May mahalaga daw po kasi siyang sasabihin kay Sir. Sobrang importante daw po talaga yon."
Si Abcde na naman!?. . Siya lang talaga?? Di ba best friend parin naman talaga niya ako? Hello!!!????. . . nagka trauma o nagka phobia nga siya. . . pero di naman ibig sabihin non, nagka amnesia siya. Kahit pa sabihing, oo nga at di lang siguro isang matalik na kaibigan ang turing niya noon kay Abcde, sa katunayan nga pinakilala pa niyang boyfriend niya si Abcde sa akin eh, pero pinatunayan naman sa akin ng huli na matalik na kaibigan lang din talaga ang turing niya kay Anika. Sa katunayan nga, nagpaka stalker pa daw siya sa akin. Pero ang pinaka bumilib naman talaga ako sa kanya yung di siya natakot sa mga magulang ko. Pinatunayan niya sa mga ito kung gaano siya kaseryoso sa pagmamahal niya sa akin.
Kaya nga di naman talaga ako nahihiya sa ibang tao na nagmamahalan kami, ipinagmamalaki at sobrang swerte ko nga na ako ang babaeng naging karamay niya. Pero ewan ko ba pagdating sa magulang ni Anika ay sobrang nahiya ako. Natakot na malaman nilang kami naman talaga ni Abcde ang may relasyon. Naunahan din kasi nila ako sa pag aakalang sila ni Anika at Abcde ang matagal ng nagkakaunawan lalo na nong nanghingi sila ng pabor para pansamantalang gabayan muna si Anika. So what should I gonna do now? Lawakan mo pa ang pang intindi mo Xyz!!. . . Payo naman ng nasa loob loob ko.
BINABASA MO ANG
SECRETLY SEXMATE!! ( COMPLETED )
General FictionPaano mo tatanggapin ang katotohanan na ang minamahal mong best friend at boyfriend ay may makamundong pagnanasa sa isa't isa??? Na sa twing ikaw ang kaulayaw nya. . Iba at sekretong tao pala ang naiisip nya?? Hanggang San mo kakayaning sumugal sa...