XYZ'S POV
"OMG!!OMG!!. . Miraszol Cabungan!! is that you??!!. . . how?. . . How are you!?"
Di ko na pinatapos ang pag ikot niya sa harap ko. . tumayo na ako at halos magtatalon palapit sa kanyang harapan sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Naiyak na ulit ako, pero yung pag iyak ko ngayon ay totoo ng dahil sa kasayahan. Sobrang namiss ko siya as in. . . ngayon ko lang din nabilang na limang buwan narin pala kaming di kami nagkikita. Kaya ganito nalang talaga ako kasabik sa kanya.
"Hey. . don't cha make a scene here okay!?. . hmp!. . . sobrang namiss mo nga talaga ako. . well sobrang namiss din kaya kita noh!!. . kaya nandito ako."
Naramdaman ko ang unti unti niyang pagbitaw sa yakapan namin. Pati ang pagtitig niya sa akin ng matiim ay ikinabahala ko na lamang, alam ko rin naman kasing kaya niya akong basahin sa isang titig niya lang. Kahit mag deny pa ako, ganon ako ka transparent kay Szol. She really knows me so well after all.
"So. . . tama nga talaga si Ate Chloe na may mga hinanaing ka na naman sa buhay. Kaya pala lagi niya akong pinipilit na damayan ka eh. . hahahah. She's so powerful talaga. Buti pinayagan din ako ni Cross----.. Ahhm. . . ng parents ko na makitira muna sa inyo ngayon."
Kaya pala, alam niya kung saan ako makikita agad ngayon dahil kay Ate Chloe. . si Ate Chloe na lagi talagang concern sa akin. Di ko narin kailangang alamin kung paano nalaman ni Ate na dito ako, kahit wala narin kami halos communication, she and her very "weird way" according to Szol narin. Pero paano naman nasabi ni Ate na very needed ko si Szol ngayon? Para bang ikamamatay ko ang mga naiisip kong negative vibes ko kay Abcde, eh samantalang parang ang babaw lang naman. Lalo pa at nasa mabuting pananaw narin ngayon si Anika kaya less worries narin talaga ako. Tsaka si Szol pa talaga ang hiningan niya ng tulong huh!?. . eh samantalang parang nag eenjoy pa naman siyang kasama si Cross san man silang lupalop naroroon, magkukunwari nalang akong di ko narinig ang pagkadulas niya sa pangalan ng lalaking yun.
"So okay lang ba na don muna ako sa inyo??. . habang kakailanganin mo daw ako. Take note, di pala ako dapat nagtatanong kasi sabi nga ni Ate Chloe dapat daw talaga ay ipagpilitan ko ang sarili kong makitira sa inyo, sa ayaw mo man daw o gusto. "
BINABASA MO ANG
SECRETLY SEXMATE!! ( COMPLETED )
General FictionPaano mo tatanggapin ang katotohanan na ang minamahal mong best friend at boyfriend ay may makamundong pagnanasa sa isa't isa??? Na sa twing ikaw ang kaulayaw nya. . Iba at sekretong tao pala ang naiisip nya?? Hanggang San mo kakayaning sumugal sa...