SECRETLY 48

975 3 0
                                    

ABCDE'S POV


"Morning Lyn! Nasa'n na si Ma'am Anika mo? Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero di ko siya makita sa buong bahay."







"Tsaka di ba sa ganitong mga oras na 'to, nasa dining area na siya para makapagalmusal? "






Kanina ko pa talaga hinahanap si Anika para maisakatuparan ang matagal ko ng dapat ipagtatapat. Habang iniwan ko muna saglit si Xyz sa kwarto ko, na mahimbing na mahimbing parin ang pagtulog. Halata ang epekto ng magdamagan naming pagpapakasasa sa aming mga katawan. Gusto ko kasi na bago siya magising ay nasimulan ko ng sabihin kay Anika ang nararapat. Para wala na siyang masyadong alalahanin.





"Ahhm. . Sir kagabi pa po nakaalis si Ma'am Anika, para dumalaw sa mga magulang niya. Di na raw po yata siya nakapagpaalam sa inyo ni Ma'am Xyz dahil sa mahimbing na daw po yata kayong nakatulog. Bigla raw po kasi niyang namiss ang parents niya eh. "




"What!!??. . Come again!!??"




"Sa dis oras ng gabi!?"




"Sinong kasama niya!?"




Shit! Ano bang pinagiisip ni Anika at di man lang yata sumagi sa isip niya ang masamang nangyari sa kanya noon. Di man lang siya natakot na baka mangyari ulit sa kanya ang masamang trahedya na yon sa buhay niya at padalos dalos pa siyang umalis ng alanganing oras!?. . Pwede naman ngayong umaga nalang siya umalis para siguradong masasamahan ko pa siya papunta doon at ligtas. Ano nalang ang iisipin at sasabihin samin nila Tita Manicka sa pagpapabaya naming makaalis ng ganon ganon nalang ni Anika!?. . . Shit!!



Muli kong binalingan ang personal assistant ni Anika para sana makapagtanong ulit ng mapansin ko ang bahagya niyang panginginig at mababakas na takot sa kanyang mga mata sa akin. Shit! Natakot ko yata siya sa naging anyo ko ngayon. Ahhh! No! It's not her fault! . . Naging dating ko yata ay siya ang sinisisi ko sa pag alis ko ng di namin nalalaman ni Xyz.




"Lyn. . Sorry. . okay!? I don't blame you. It's not your fault. . Di ko sinasadyang mapalakas ang boses ko. Nabigla lang ako na nakaalis si Anika ng di ko man nalalaman. Pasensiya na talaga."




"Okay. . O--kay lang po. . yun Sir! Na--naiin--tindihan ko po ka--yo."


Kahit nasabi na sa akin ni Lyn na okay lang ay di parin talaga nawawala ang guilt ko sa naging reaksiyon ko. Kita ko parin kasi talaga sa kilos at boses niya ang pagkataranta. Tsk!! Dali dali na akong umalis sa harapan niya pagkatapos na manghingi muli ng sorry sabay pagmamadaling tumungo sa aking kwarto kung saan kailangan kong makuha ang aking cellphone ng makatawag sa pamilya ni Anika. Para makasiguradong safe nga siya na nakarating doon kagabi.




Walang pag iingat na binuksan ko ng malakas ang pintong naroroon, sa sobrang pagmamadali. Sa sobrang pag aalala sa isang matalik na kaibigan namin ni Xyz. Kaya di na ako nagtataka na napabalikwas ng bangon ang maladiyosang nasa aking harapan ngayon. Just wearing her birthday suit. At agad na muling nagreact ang aking alaga. Oh!! Shit! Di pa to ang tamang oras! . Hindi ito ang pinagmadali kong puntahan at this moment. Kita ko man ang pagtataka at pagtatanong sa kanyang mga antok pang mata, ay pinilit ko muna siyang talikuran.





Pinilit kong kumalma. . . Sa di ko nga lang nasisiguradong bagay. . . kung para pa saan. . Sabay hagilap ng cellphone kong naroroon pa sa loob ng aking bag na nakakalat lang sa lamesita. Walang pag aabalang muling tingnan ang aking mahal, na alam kong hanggang ngayon ay nakasunod lang sa aking kilos ang kanyang mga nag aalala naring paningin. Ayokong madistract sa kanyang kaanyuan at the same time, ayoko ring mahawa siya sa pagpapanic ko kanina, ayokong pati siya ay mag alala. . . katulad noong una. Noong panahon na parang sa tingin ko ay siya ang nagbreakdown sa nangyari kay Anika.





Nakapikit at huminga pa ako ng malalim habang nagda dial at nakikinig ng ringtone alert sa cellphone ni Tita Manicka. Habang tumatagal ang walang tigil na pagba vibrate sa kabilang linya ay lalo akong nate tense. Habang di niya ina accept ang aking pagtawag ay lalo din akong di makahinga, naramdaman kona ito dati eh. Ganitong ganito ako pag naiisip kong may nangyayaring masama. Shit! Wag naman sana! masyado lang akong praning! Kulang lang nga din siguro ako sa tulog. . . Hanggang sa tumigil na ang pag ring sa kabila, halatang di nila balak na sagutin ang tawag ko o masyado lang silang busy sa pagbibigay ng oras kay Anika kaya di nila napapansin ang pagtawag ko. Sana ang panghuling nasa isip ko ang ginagawa nila. . . which is malabo mang mangyari but. . .pwede parin nilang gawin sa pangangailangan narin ni Anika sa kanila ngayon.




Muli akong nagdial. . . Gusto kong marinig mismo sa mga labi ni Tita Manicka ang pinipicture kong kaganapan sa bahay nila ngayon. . Na kasama si Anika. Hanggang sa narinig ko na ang kanyang pagsagot sa kabilang line. . . Na lalong. . . Ikinabigla ko.


"Hello?. . . Iho!? . . . Abcde!?. . What's wrong?. . . Bakit ka napatawag? May masama na naman bang nagyayari diyan kay Anika?"




"Bakit di ka sumasagot? . . Abcde!?!?. . Are you still there? . . Do ko kasi agad nasagot ang tawag mo kasi may meeting kaming dinaluhan ng Tito Arnulfo mo ngayon. . ."



"Abcde. . . wag mo nga akong tinatakot diyan. . siguro. . pinagtritripan niyo lang ulit ako ng best friend mong si Anika. . . Hmp!!.,. . Sabagay, high school days niyo pa talagang pinaggagagawa yan sa akin."



"Ge. . Goodbye na nga muna. . Alam kong nasa mabuti mong pangangalaga si Anika.. kaya thank you nalang ulit. Panatag ako. Paki regards nalang ako sa kanya... pakisabi dadalaw kami diyan ng Daddy niya one of these days. Pati narin pala kay Xyz. I really have to go. . Bye. . "



Naka call ended na ang phone ko ay di ko parin halos maigalaw ang aking kamay sa pagkakadikit nito sa aking tenga kasama ang aking cellphone. What had just happened?? . . Bakit ganon? Ibig sabihin ba non ay di talaga nila nakasama si Anika magdamag? Bakit nawalan din ako ng boses para sana masabi sa kanila na kagabi pa nakaalis dito si Anika!?. . Shit!! Nasa'n na si Anika? Nasa'n na siya? At ngayon ay nakaramdam na ako ng biglang pangangalay, napaupo nalang ako bigla sa kama na nasa aking tabi. Nadulas sa kanang kamay ko ang aking phone at tuluyan na itong nahulog sa sahig, pero di ko na yun pinansin. . . Nawalan ako ng pakialam, sabay hilamos ko ng dalawang kamay sa aking mukha sabay yuko at bilang suporta ang aking mga siko sa aking tuhod.




Ngunit naramdaman ko nalang ang mainit at hubad na katawan ni Xyz sa aking likuran, sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.



"Hey! Honey. . . Anong problema? Care to share it with me? Baka makatulong ako. . Try me. . . "








SECRETLY SEXMATE!!    ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon