CHAPTER 52

638 3 0
                                    

XYZ'S POV

Parang walang nangyaring eksena si Anika kinahapunan. Parang hindi siya yung naging kaibigan ko after that gang rape incident. Pagkatapos kong intindihin si Abcde kanina na siya nalang daw muna ang makikipag usap kay Anika, ay parang nagkaroon bigla ng isang malaking himala sa buhay ni Anika.






After that one to two hours sa di ko nalalamang usapan nila Anika at Abcde sa loob ng kwarto ay bigla nalang siyang lumabas doon ng napakasigla. Nakakunyapit pa sa bisig ng boyfriend ko habang todo ngiti sa akin at kay Lyn. Mahahalata sa kanyang kilos ang sobrang tuwa sa di ko parin nga alam na kadahilanan. Gusto kong mahawa ng katuwaan sa kanya ngunit di parin maalis sa aking isipan ang mga panibagong pangamba lalo pa ng binalingan ko naman ng tingin ang wala paring imik na si Abcde. Parang di siya natutuwa sa pagbabago o biglaang kaligayahan ni Anika.








Pero sino ba naman ako para hindi talaga maging masaya para sa best friend kong si Anika di ba? Hila hila niya si Abcde papuntang sala habang walang tigil parin sa pag ngiti sa amin. Di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panibugho sa ayos nilang yon, e samantalang makikita naman na sumusunod lang si Abcde sa mga kilos ni Anika. Hanggang sa makarating narin kami lahat at may mga sariling isip na magsiupo ng sabay sabay. Maliban kay Lyn na parang nahihiya pang sumama sa amin sa may living room. Kaya ako na mismo ang nag alok na umupo narin nang maging komportable din siya katulad ko. . . Well, kahit papano.









Lumipas ang mga oras na halos si Anika lang ang salita ng salita sa aming apat. Kinukwento niya yung paggala daw niyang mag isa nong isang araw, kung saan saan daw kasi siya ulit nakarating kaya naging pinaka unforgettable moment daw niya yon. She's so alive habang nagkukwento at sobrang galak ko rin naman talaga kasi naririnig ko na naman ang kanyang nakakapang engganyong mga tawa. Katulad noon. Parang wala talagang naging malaking dagok sa kanyang buhay. Pansin ko rin na lagi niya na akong sinasama sa mga kwento niya, parang nawala bigla yung imaginary wall na nakikita ko noon sa tuwing nagtatangka akong makisali noon sa bonding nila Abcde.





Na graveh naman din talagang ikinalift ng pakiramdam ko. Parang nawala lahat ng agam agam ko kanina dahil sa naging magandang feedback ng mga pangyayari. Hanggang sa di ko narin namalayan na naging palakwento narin pala ako sa mga naging memories namin noon nila Anika. Si Anika kasi eh. Siya angnagsimula ng pagrereminisce nong mga kalokohan naman before, at siyempre lalong magulo kasi nagkakaasaran na kaming dalawa. At ang piping audience namin ay si Lyn. . Nanonood lang din naman sa amin si Abcde, nakikitawa kung kailangan . . pero alam mo yung pilit? Pero sorry siya! Kasi di kami nagpatinag na Anika sa pagbabalik tanaw. Ang saya talaga. Eto na yata ang ang naging pinaka lightest day ko mula nong magkakasama na kaming tatlo dito sa bahay.



Tawa parin kami ng tawa ni Anika ng bigla nalang tumayo sa kinauupuan niya si Abcde, sabay dahan dahang baklas ng nakakunyapit parin palang braso ni Anika sa kanya. Seriously!?. . . di ko man lang napansin na until this moment ay nakakapit parin pala sa kanya si Anika!?. .




"Aahhm. . . . Excuse me ladies!! Pasok lang muna ako sa kwarto ko huh!?. . Pahinga lang ng konti bago maghapunan. Ituloy niyo lang ang kwentuhan niyo diyan."



"Mamaya na ulit ako makikigulo sa inyo. . Talagang nakaramdam lang ako ng pagod. So laters nalang ulit."




Di ko maiwasang mailang habang sa akin lang nakatitig si Abcde habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Tsk!! Tsk!! Ano nalang ang nasa isip niya ngayon? Na nawalan ako bigla ng paki sa kanya kahit na nasa tabi ko lang naman siya, napapagitnaan kasi namin siya kanina ni Anika eh. Hanggang sa nakatalikod na siya ay di ko parin mapigilang sundan ng tanaw ang kanyang likod. At ngayon nga ay tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Kung di ko pa rin narinig ang boses ni Lyn na nagpapaalam narin sa aming dalawa para makapaghanda narin daw ng hapunan ay di pa ako mahihimasmasan sa pagtitig sa dinaanan kanina ni Abcde. Gustong gusto ko na nga siyang sundan eh. Hmmm. . Gusto ko kasi siyang bigyan ng gift lalo pa at naibalik niya ang dating loka loka ng si Anika. . . bilang pasasalamat. And it would be a very. . . naughty. . naughty gift. Na alam kong di lang siya ang mage enjoy sa binabalak ko, syempre lalo na ako.


At iyong nakakakiliting ideas na yon ang naging dahilan ng aking lihim na pagngiti. Ngiti ng may magandang binabalak para sa minamahal. So much overwhelmed I guess? Kaya ako nagkakaganito.





"Ehem! Ikaw bhest Xyz? Baka gusto mo rin munang magpahinga? Alam ko kasing napagod at nastress din kita sa pag iisip sa akin this past few days?. . This past few months rather!?. . Hahahah!"






Hala!?. . nabasa niya ba ang tinatakbo ng utak ko ngayon? Shit naman! Parang bigla akong namula sa pagkakapahiya ahh?. . Nakita niya rin ba ang aking ngiti ng may binabalak!?. . Hahahah!! Kakahiya talaga. Xyz, mamaya na yang kalokahan mo okay? Pagpapaalala ko na naman sa sarili ko para medyo mawala ang kademonyohan ng utak ko. He can wait. I still can wait. Kaya pinilit kong ibaling muli sa kanyang mukha ang aking magiliw na tingin. Erasing those flirty thoughts.





"Go! Take a nap! Para pareho tayong maganda at fresh na fresh mamaya sa dinner.






Pero di ko parin napigilang mapatulala habang nagsasalita muli lang sakin si Anika. Shit! Di parin kasi talaga ako makapaniwalang she's back! She's really back now! Hopefully for good! Thank you Lord! Eto na yata ang sinasabi sa akin kanina ni Abcde na pag nagkaroon ng magandang resulta ay magpapakasal na daw kami. Ibig sabihin ba niyan ay baka mamaya din agad agad ay magpropose na sa akin si Abcde? Ready narin ba talaga ako sa aking isasagot?? Sisimulan narin ba namin mamaya ang pag aassemble ng magiging panganay namin? Ayyy!! Kinikilig na naman talaga ako sa tinatakbo na ng imahinasyon ko.





"Hello!! Bhesty!! "





"Uy!! Xyz!!! Are you still there? Hahah! Nakatulala ka na sa akin oh!! Ano ba yan ngayon na nga lang ulit tayong nagkausap lumilipad naman yata sa kung saan saan ang kaluluwa mo!"





Dahil sa ramdam na ramdam ko ang birong pagtatampo niya sa akin ay agad naman akong nag isip ng pwede kong ipangontra sa kanyang nasabi.





"Hala di naman sa ganon Bhesty! Sabihin na nating di lang talaga ako makapaniwala na bumalik ka na sa amin ngayon. "





"Mamaya tatawagan ko sila Tita Manicka para makapagbalita ng maganda. For sure matutuwa din sila ng bongga pag nakita ka na ulit nila ngayon."







"Welcome back Bhest!!! marami pa tayong pagkukwentuhan! Promise iaupdate ko sayo! Love you and thank you."







Sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Kaya maya maya ay nakaramdam naman din ako ng mainit na yakap mula kay Anika bilang ganti marahil sa naramdaman kong pangungulila sa pagkakaibigan namin. Pero sa kabila ng higpit ng aming pagyayakapan ay nakaramdam naman ako ng guilt. Kung para saan, ay alam niyo narin ang dahilan.






"Bhest. .you know naman na love kita di ba? Namin ni Abcde? . .kaya. . .kaya. . Ahhmm. . Sana mapatawad mo ako. . I'm so sorry Bhest!. . "





SECRETLY SEXMATE!!    ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon