XYZ' POV
Nakauwi na lang kami lahat lahat sa bahay kasama na siyempre ang isa sa aking pinakamatalik na kaibigan na si Szol ay di ko parin tuluyang mawaglit sa aking isipan ang sinabi nyang magbi- birthday na nga si Abcde this week. I feel so guilty and ashame at the same time kasi paano ko bang nakalimutan ang isa sa pinaka mahalagang okasyon sa buhay niya? Ganon ba ako ka focus lang kay Anika na kung di pa dahil sa napag utusang si Szol ni Ate Chloe ay di ko malalaman 'to?
"Ahhhh. . I'm so stupid!! "
"Hey Hon, okay ka lang ba? what's wrong? . . May binubulong ka kasi diyan. Si Anika at Szol hinihintay ka na daw na lumabas ng kwarto mo. Sabi mo lang kasi magpapalit ka lang saglit ng damit ay napatagal ka naman yata kaya ako na mismo ang pumasok dito sa kwarto mo. . . At ganyan pa kita maabutan dito. . . .."
Nabigla man ako sa biglang pag pasok ni Abcde sa kwarto ko. Pero pinilit ko naman ding wag magpahalata. Kaya nakipagtitigan nalang din ako sa kanya. Wala rin naman akong dapat na ikabahala na naiwan ko sa labas yung dalawa kasi pauwi palang kami dito sa bahay ay naunahan ko ng balaan si Szol na wag na wag munang mababanggit kay Anika ang relasyon na meron kami ngayon ni Abcde. Pinaintindi ko na sa kanya ang side ko kung bakit kailangan muna naming maglihim. . Kahit na halatang halata ko rin naman sa pagmumukha niya ang pagkakadisgusto sa gusto kong mangyari. But what can I do? Ayaw kong biglain si Anika. Kailan lang siya naging okay at kailan lang din naging okay yung pagtrato niya sa akin as her best friend.
"Wala naman so don't you worry. .okay? Baka pala nakita ka rin ni Anika na pumasok dito sa kwarto ko ngayon huh!? . . "
May pagaalalang nasabi ko sa kanya. Pero tiningnan niya lang ako ng masama. Haaiiistt. . Di niya talaga maitago sakin ang pagkakadismaya sa naging desisyon ko.
"Hon. . I'm so sorr----"
"It' s okay. . I do understand. Kung alam mo lang. . Kung pwede lang talaga . . . Pero ayaw na ayaw lang talaga kitang mapahamak. Ayokong masasaktan ka Hon.. . "
Nabigla ako sa sinabi niya. Naguluhan. Kaya lalo ko siyang tinitigan. Gusto kong mabasa sa mga mata niya yung sagot o pagkakaintindi man lang nong sinabi ni Abcde. Gusto ko pa siyang tanungin pero agad na siyang nag iwas sa akin ng pakikipagtitigan. Sabay yakap sa akin ng mahigpit, yung tipong di ako makakakalas kahit pa may malakas na pwersang humila palayo sa kanya. At isang napatamis na halik sa aking mga labi na masasabi kong sa simula pa lang ay nangangako ng mapapaligaya ako kahit pa kailan. Kaya di ko rin napigilan ang aking sarili na tumugon. . . Mapusok. Maalab na paghahalikan. . Na kung di ko pa naawat ang aking sarili ay baka san pa matuloy. Kung di ko lang naisip bigla na hinihintay ako ni Anika at Szol sa labas.
"Hon. . Stop. . . Nasa labas lang si Anika. . "
"But will you. .will you enlighten me please? Anong bang ibig sabihin mo don sa------"
"Una na kong lalabas Hon. Mahirap na sabi mo nga di ba? Bilisan mo nalang diyan. "
Di man lang niya ako pinatapos sa gusto kong sabihin. . Agad na siyang lumabas pagkatapos niya kong muling lingunin at titigan nong malapit na siya sa pinto ng aking kwarto. What's really going on with him? . . Bigla bigla nalang siyang naging weird nitong mga nakaraang araw.
*******************
Dumaan ang ilang araw na nahahalata ko talagang umiiwas sa akin si Abcde sa tuwing nakakahanap ako ng tyempo para magtanong tungkol sa weird na mga salita o kilos niyang ginagawa. Nagkakaron siya lagi ng excuse. Ayaw ko rin naman pilitin na ungkatin kasi baka yun pa ang dahilan ng pag aaway namin ng malala. Sabi nga niya. I should just trust him. Baka wala naman talagang dapat problemahin, masyado lang akong praning.
BINABASA MO ANG
SECRETLY SEXMATE!! ( COMPLETED )
General FictionPaano mo tatanggapin ang katotohanan na ang minamahal mong best friend at boyfriend ay may makamundong pagnanasa sa isa't isa??? Na sa twing ikaw ang kaulayaw nya. . Iba at sekretong tao pala ang naiisip nya?? Hanggang San mo kakayaning sumugal sa...